CHAPTER 6.
"Hoy bruha!"
Nagitla ako nang batukan ako ni Shammg. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit inirapan lamang ako nito.
"Ano?!", balik kong sigaw.
"Haaayy naku...Hinahanap ka kanina ng suitor mo.", aniya.
Napataas ang dalawang kilay ko.
"Tapos?"
*toink*
"Aray ko naman! Huwag ka ngang mambatok!"
Napahawak ako sa aking batok at inis siyang tinignan. Ngunit inirapan na naman ako nito.
"Duuhhh...Wala ka man lang sasabihin?"
"Eh ano naman ang sasabihin ko aber?"
*toink*
"Aray ko! Nakakarami ka na ah! Maghiwalay sana kayo ng jowa mo t*ngina mo!"
Napahawak naman ito sa dibdib at umaktong parang nasaktan.
"Grabe ka naman. Hehehe...Sorry na. Ikaw kasi eh!"
"At bakit ako pa?"
Hindi ito sumagot at umupo sa upuan niya na nasa tabi ko.
"Ghurl, kailan mo ba sasagutin si Zion?", aniya.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Natatakot kasi ako na masaktan na naman ulit ako.
Napabuntong hininga nalamang ako at nagkibit-balikat.
"Haaaayyy naku! Nang dahil na naman sa ex mo kaya takot ka nang magkajowa ulit?"
Tinignan ko lang siya at nagkibit balikat ulit.
"Aaaiiissshhh!!! Ewan ko sayo ghurl! Basta't huwag mong sasaktan si King."
Hindi nalang ako sumagot at napabuntong hininga nalamang ako sabay tingin sa labas ng bintana. Hindi ko pwedeng saktan si Zion. Natatakot lang talaga ako pumasok ulit sa isang relasyon lalo na at mahirap masaktan.
"LOOOVVVEEEEE!!!!"
Napalingon ako sa sigaw na yun. At nakitang tumatakbo ito papalapit sa akin habang kumakaway. As always, malalaki ang ngiti nito.
Hinihingal itong nakalapit sa akin.
"Bakit ka kasi tumakbo?", ani ko.
Napanguso ito.
"Tss. Huwag ka ngang ngumuso. Nagmumukha kang pato!", pangaasar ko at nilagpasan siya.
By the way, uwian na rin kasi.
"Hindi kaya! Sa gwapo kong ito? Pato ang tingin mo sa akin? Huwaw!"
Napailing na lamang ako at nagmamadali sa paglalakad.
"Love!! Wait for me!!"
Napatawa nalang ako sa pagiging child ng kumag na yun.
Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Prof Keth.
"Magandang hapon po Prof Keth!", magalang kong ani.
"Magandang hapon din. Uuwi na kayo?"
"Yes po!", napalingon ako kay Zion nang sumagot ito.
Ang bilis naman makalapit nito sa akin.
"Good! Take care sa inyo! Mag iingat kayo sa pag-uwi!"
"Thank you Prof! Goodbye po!", me and Zion.