CHAPTER 12

2.1K 55 0
                                    

CHAPTER 12.

Lumipas ang ilang mga araw at kinukulit pa rin ako ni Jhon. Medyo nagkakaayos na kaming dalawa, just like he said na babawi siya, every saturday and sunday he ask me for a date. At dahil isa siyang makulit ay pumayag nalang ako. Hinding-hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag. And about the word Tito na narinig ko, tsk! Hindi ko alam kung bakit ganon ang pinatawag sa kaniya nina Mom and Dad. Na-curious tuloy ako.

"Hey."

Nabalik lamang ako sa realidad nang may tumapik sa aking pisnge.

"Your ice cream is melting."

Napatingin ako sa aking ice cream at agad itong nilantakan nang malapit na itong dumapo sa aking kamay. Narinig ko naman na tumawa itong kumag nato.

By the way, nandito kami ngayon sa amusement park. Sunday ngayon kaya niyaya niya ako. Jus like what i said. Date na naman. Pinayagan naman siya nina Mom and Dad pero hindi ko alam kung bakit nalang siya basta-basta pinayagan.

Puro lang ito daldal ng daldal at ako naman ay kunwari'y nakikinig sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng kaniyang kadaldalan ay biglang may lumapit sa amin na isang amerikano na nasa edad na 40+, may bitbit itong cam.

"Uhm...Excuse me, couples? May i take a picture of you?", aniya at itinaas ang kaniyang hawak na cam.

"Yeah sure no problem!", nakangiting tugon ni Jhon.

Lumayo naman ng kunti ang amerikanong ito sa tingin ko isa itong photographer.

"Okay! Ready! 1...2...3...smile!"

*click*

"Another one, uhm...Can you hug each other?"

Napalingon ako kay Jhon at napaiwas agad ng tingin ng tumingin ito sa akin na may malaking ngiti sa labi.

"Sure!"

Nabigla nalang ako ng hapitin ako nito sa bewang at niyakap, ipinatong nito ang kaniyang baba sa aking ulo. Naramdaman ko na hinalikan niya ang ulo ko.

"I love you, Rayne my baby.", he whispered.

I don't know pero kusa nalang na gumuhit sa aking labi ang ngiti.

"Okay! Done! Thank you so much, couples!"

"Yeah your welcome."

Pagkatapos ay nagpaalam nang umalis na yung photographer kaya nagaya na rin ako sa kaniya na umuwi na kami.

"Tayo na?", aya ko.

Mabilis itong lumingon sa akin na may ngiti sa labi.

"What did you say? Tayo na?"

Napakunot nuo ako.

"Huh? Pinagsasabi mo diyan? Sabi ko uwi na tayo!"

Napakamot naman ito sa kaniyang batok at parang nahihiyang tumango.

"Sabi ko nga tayo na---i mean uuwi na tayo."

Napailing nalang ako at tinapon na sa basurahan ang cup of ice cream. Nagpunas na rin ako ng kamay at hinintay siyang maubos ang kaniyang ice cream.

Habang naghihintay sa kaniya ay napalingon ako sa araw na malapit nang lumubog.

Nasa tabi kasi ng dagat ang amusement park, at bukod na rin sa walang kahit anong puno dito ay malaya na malaya mong pagmasdan ang papalubog na araw.

"Hey."

Hindi ko pinansin ang taong kumalabit sa akin. Napangiti ako habang nakatingin sa araw.

"Yung araw.", tanging nasambit ko.

MY EX IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now