Mga katok sa pinto

92 0 0
                                    

Time check: 3AM

Wala akong magawa kundi mag-fb lang, refresh dito, refresh doon.

Wala eh, I just got fired from my freaking job.

So yeah, balik sa pagiging tambay...

It was exactly 3:05am nang madinig kong may kumakatok, I was living at my own at lahat ng relatives ko ay nasa province so it's really surprising kung may kakatok ng ganitong oras...

Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob, pagbukas ko ay hangin lamang ang sumalubong sa'kin...

Nasaan na yung kumakatok?? Nyemas naman oh..

Itinuring ko nalang na may nanggagaya.

Sa probinsya kasi namin naniniwala silang mapaglaro ang mga elemental spirits, minsan nanggagaya ng boses, kilos at ito nga mga gawain...

Akala ko tapos na yun dun...

Pero hindi pa pala, yun pala ang simula...

Isang umaga kumakain ako nang madinig ko na naman ang mga katok...

Agad akong nagpunta sa pinto at binuksan iyon, laking gulat ko nang makita ko ang kapatid kong si Sabel..

"Sa-Sabel?? paano ka nakarating dito?? bakit ka umiiyak??" napangiti lang siya at niyakap ako, yung amoy niya parang sampaguita ang bango...

"Halika nga dito pumasok ka.. nakakagulat ka talaga kahit kelan... upo ka muna kain ka..." naupo namna siya at tumingin sa'kin...

Yung mga mata niya walang emosyon... Parang malungkot na hindi ko maintindihan...

"Ate uwi ka na sa'tin... namimiss na kita... hindi na kita nakikita eh..." yung boses niya parang galing sa ilalim ng lupa...

"Uuwi ako Sabel... pangako para makasama niyo naman ako, namimiss ko na din kaya kayo..." ngumiti ulit siya...

Magasalita pa sana ako pero biglang nagring ang cellphone ko, nag excuse ako kay Sabel na pupunta akong kwarto dahil naka-charge doon ang phone ko...

Pagsagot ko ng telepono ay puro hikbi lang ang nadinig ko, kinabahan ako dahil si nanay iyon, boses palang ay kilala ko na alam kong may hindi magandang nangyari...

"Magda... a-ang kapatid.... m-mo.... w-wala na...." napakunot ako ng noo...

"Nay andito si Sabel... kakadating lang niya, hindi ba nagpaalam sa inyo??"

Naramdaman kong inagawa ni tatay ang telepono...

"Magda... Patay na ang kapatid mo... wala na si Sabel... imposibleng magpunta siya dyan..."

And then everything clicked...

Namaalam lang si Sabel sa'kin alam kong nagsisisi siya at alam kong kailangan kong umuwi sa'min...

"Tay totoo pong nandito si Sabel... pinuntahan niya ko at sinabihang umuwi dyan..."


Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Sabel ang sala ko ay napapaligiran ng amoy ng sampaguita...

Napaiyak ako kasi hindi ko na siya nakita sa huling sandali...


Pero bakit ganon?? Nailibing na si Sabel at lahat ay nadidinig ko pa din ang mga katok sa pinto?? Bubuksan ko pa ba yun?? Pagbukas ko ba si Sabel ulit ang makikita ko???

Horror Stories Collection 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon