Eva's Seventh

1 0 0
                                    

Sammy Ylain

Pagka-alis ni yve at nakalayo sa canteen saka kami tumawa

"BWHAHAHAHAHAHAJAJAJA ang epic naman ni yve" pagtawa ko pa

"Galit na kaya siya sa'tin?" tas tumawa ulit si eli

"Patay kayo don, kung ano ano kasi mga trip niyo" usal ni ria

"Hoy kala mo naman 'di ka kasabwat eh ikaw nga nagsabi na magpakulo tayo para sa surprise eh duh"

"Bakit ako ba ang nagplano na ganito? Yung hindi tayo iimik at mag susungit?" nakataas kilay na tanong ni ria

"Sus bahala na nga basta mamaya ha, nakakotse siya, so it means mauuna siya saatin"

"Sige sige, alam na namin ang gagawin"

Agad naming tinapos ang pagkain habang nagtatawanan dahil kay Yve

Pagkatapos naming kumain ay nahsibalik na kami sa trabaho, hinihintay na matapos ulit sa work. Buti nga eh hindi kami napagalitan nung head, naku namumuro na'ko sa babaeng iyon kala mo naman maganda, feeling boss pa, paalisin ko siya sa kompanya namin eh tsk

Mag-aalas kwatro na nang matapos ako sa paper works ko at pinapatawag daw ako ng CEO, nyek CEO. Acting CEO siya namin para naman hindi magtaka mga emplayado naasan ang may-ari ng kompanyang ito 'no.

Pagkarating ko sa office niya ay nandoon rin si Eli, Ria, at Yve. Siguro ay about 'to sa company at kami talaga ang sadya.

"Tagal mo sam" reklamo ni Owen

Siya si Owen ang pinapagpanggap naming may-ari ng kompanya, ayos din ang naman saamin kasi kaibigan namin siya at maaasahan. Matalino rin yan pagdating sa negosyo kung kaya't siya ang pinili namin.

"So bakit?" agad kaming naupo sa couch

"Gusto ko lang ipaalam sainyo na, ang ating kalabang kompanya ay pinagbibintangan tayong ginaya raw natin ang kanilang produkto" lintaya niya

"Eh? anong produkto?" tanong ko

"Yung perfume daw, yung cherry mint. Sila daw ang may gawa non at paanong may ganon din daw tayo"

"Eh? lokong yon ah? hindi niya ba alam na may date ang pagsend ko sayo nung proposal niyang pabango" iritadong si yve

"Yun nga ang ebidensya nati–" naputol naman ang sinasabi niya ng magsilita si ria

"Alam ba nila na may ganyang naganap? sinabi mo ba?" umiling si owen

"So ganito, tanungin mo sila at ask them kung kelan nila nagawa or what-so-ever na kagagahan nila kelan nila nalaman ang sangkap non, then tignan mo if nauna tayo, pwede nating gamiting ebidensya yon at ikeep mo lang" mahabang saad ni ria

"Napapaisip ako eh" napatingin naman kami kay eli "Siguro may Spy sa atin dito sa kompanya kung kaya't may ganito na namang problema"

"Hm yeah, if meron " tumingin ako kay owen "you know what to do" tumango naman siya

"Yun lang ba yon?" tanong namin

"Oo sige pwede na kayo lumayas tsk"

"bakla!" sigaw ko

"Hindi 'no!"

Psh halata naman sa mga kilos niya, ayaw pa aminin

Lumabas kaming magkakasamang apat pero wala pa ring pansinan. Napansin naming naglakad madali si yve kaya nag katinginan kaming tatlo at sabay sabay nag pigil ng tawa

Nang nauna na siya saamin, humagikhik kami. Napatingin naman ako sa relo ko "Oh Ala sinco na, tara na sigurado pupunta na yon ng parking lot at uuwi"

Pretty Strippers (On Going)Where stories live. Discover now