Eva's Twelfth

0 0 0
                                    

Amaris Riann

Alam kong nanginig at nagulat ako ng lumingon kami. Mabuti nalang talaga at naka mascara kami kung hindi jusko ano na kaya mangyayari saamin? Tapos na ba ang mga sekreto?

Bakit nandito si Radly? Alam niya na ba? or may access talaga siya dito? pero bakit ngayon ko lang siya nakita sa buong buhay ko dito simula ng itayo 'tong Eva Paraiso? or baka hindi ko lang talaga nakikita siya, so ibig bang sabihin non? gosh ano ba nvm

Nagtatadyakan na kami sa ilalim ng lamesa natigil lamang iyon ng magsalita ang isang kasama ni radly "Can we join you girls?"

Nagtinginan muna kaming apat at nauna na akong magsalita.

Pinanormal ko lang ang boses ko upang hindi mahalata. Hindi rin naman ata nila mahahalata mga boses namin eh tsk si radly pa eh madaming babae yan. Random voices ang naririnig niyan.

"Sure!"

Agad naman silang naupo sa aming mga tabi at tsngina lang? pinaglalaruan ba ako?  Talagang pumagitna saamin ni Yve sa pagkakaupo si Radly? at umusog pa siya kaya umusog rin ako, kaya ayan naghiwalay hiwalay na kami ng pwesto.

Tiningnan ko naman ang tatlo gayon din. Ano 'to partner partner? pero bat ba kasi saakin napunta 'tong radly kingina.

"So girls, why are you wearing mascara?" pagtatanong ng katabi ni Eli

"We're The Eva's de Quatro here" sagot naman ni Yve

Nakita ko namang umakbay yung lalaki kay yve "So swerte pala kami? una naming napansin ang mga katulad niyong mga anghel?" at nginisihan si yve

Uminom nalang ako

"By the way girls, I am Ian" pagpapakilala ng katabi ni Sam

Nakipagkamay naman ito saaming apat

Sumunod naman ang katabi ni Yve "You can call me Trevor"

"My name is Dan" sabi naman ng katabi ni Eli

"Call me Rad" bigla naman nitong nilingon ako at tiningnan sa mata

Umiwas naman ako at nakipagshakehands nalang sakanila

"That's C" tinuro naman ni yve si Eli "That is Y" si sam "And that is A" tinuro niya ako "Of course I'm E" Ganyan ang sinabi namin na aming mga pangalan dito.

C kay eli stands for Calleixa, Kay sam na Y is Ylain, Sakin na A is Amaris, Kay Yve na E is Elleza

Umorder pa kami ng hard liquor kung kaya't lahat kami ay medyo lasing na, nahihilo na rin ako.

"You know Girls, kanina pa namin kayo napansin eh" sabi naman nong Trevor

"Yes, nagdadalawang isip kaming apat eh. Kayo lang kasi dito yung naka mascara at nasa gilid ng bahagi nitong bar" sabay lagok nong Dan

Nakikinig lang kaming apat at paminsan minsan ay sumasabat sa usapan

"But I bet, y'all look gorgeous sa mga kasuotan niyo palang and even you girls are wearing that fancy mascara's huh, pano pa kaya kung wala yang nga maskara niyo" aniya ni Ian

Naramdam ko naman ang pag hawak ni radly sa aking bewang at hinaplos haplos ito. Napapikit ako.

Pinabayaan ko lang iyon at uminom nalang ulit.

Tahimik lang akong nakamasid sa mga kasama ko. Malimit lang akong nagsasalita. At naron pa rin ang kamay ni rad na nakapulopot sa aking bewang

Tiningnan ko naman ang tatlo. Pare-parehong nagbubulongan at nagtatawanan. Kaharutan niyo!

Pretty Strippers (On Going)Where stories live. Discover now