Eva's Eleventh

0 0 0
                                    

Sammy Ylain

Naalimpungatan ako sa naririning kong nagtatalo pero sa maliit lamang boses

umupo ako "hoy ano yan" napatingin naman silang apat saakin

pinandilatan nila ako at napakunot naman ang noo ko "bakit?"

"Hello ris? hello? nandyan ka pa ba?" napatingin naman ako sa selpon ng may nagsalita sa kabilang linya

"Sino yan si Radly?" tanong ko

pinandilatan lang ulit nila ako at umiling iling "ha?"

"Ey Sammy nandyan pa ba si ris? kausap ko kanina eh tinatanong ko kung sa'n kayo nagbakasyon"

"Ah nandito kami sa isla paraiso dit–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng takpan ni Eli ang bibig ko at hilahin ako ni Yve, pinatay na ni ria ang tawag

Tinanggal ko naman ang kamay ni Eli "bakit ba?"

"Gaga ka ba? gusto mo ba malaman ni radly kung nasaan tayo? itong islang ito? kung ano ang totoong ginagawa natin sa pagpunta dito? gusto mo ba malaman niya ang mga sekreto natin ha?" malakas na sigaw saakin ni Ria at napahilot sa sintido niya

Nagulat naman ako doon at hindi nakapagsalita

Tinapik naman ako ni Yve "kaya nga senesenyas ka namin kanina eh"

"Nagpadalos dalos ka"

Yumuko naman ako "Sorry, na carried away, saka hindi niya naman ata alam marami namang mga isla eh"

"Hindi mo alam kung anong kayang gawin ni Radly, Sam"

"Sorry" nilapitan ko siya at niyakap

niyakap niya ako pabalik "Sige ayos lang" kumalas siya sa yakap "ang baho mo na maligo kana nga"

Ngumuso naman ako "Nag dinner na kayo?" tumango naman sila

"Okay sige, ligo na ako"

Tinungo ko muna ang aking closet at kumuha ng undies. Pagkatapos ay pumunta na ng cr.

Pagkatapos kung maligo ay tinungo ko na ulit ang aking closet.

Wala na silang tatlo sa loob nitong kwarto pagkalabas ko ng cr, baka nasa labas na naghihintay.

Tinungo ko ang wardrobe ko, kung saan nakalagay ang mga casual suits ko. Pumili ako ng isa. Mamaya papalitan ko rin naman 'to eh.

Sinuot ko ito at tiningnan ang sarili ko sa salamin na kasing taas ko. Ang ganda ko naman shuta sana mag ka shota na ako.

Nang magsawa sa sarili ay umupo na ako sa umupo sa vanity mirror. Tiningnan ko namam ang mukha ko.

"Luh kagandang mukhang anghel na nahulog sa langit, blessing ka teh" ngingiti ngiti pa ako

Naglagay na rin ako ng make up syempre dagdag pa yon para mag maganda ka. Light Make up lang sapat na uwu.

HAHAHAHAHAHJAA

Nang matapos ay tumayo na ako at pumili ng susuoting sandal. Syempre yung bagay sa suot kong soft blue na casual dress. Pinili kong sandal ay Gucci na White Sparkle ang kulay, ang taas naman ay 3 inch lang.

Ganyan dito, kakain ka lang pagandahan pa.

Nang matapos na ako sa lahat lahat ay lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko naman silang nakatayo malapit sa Glass Wall.

"hoy!"

Bumaling naman silang tatlo saakin "Finally, after 123456789 years ay natapos kana sa iyong pag papaganda eh mas maganda pa rin naman ako sayo" Tininaas pa ni Eli ang kanyang kilay

Pretty Strippers (On Going)Where stories live. Discover now