Eva's Eighth

1 0 0
                                    

Amaris Riann

"Oy ria ano na pala nangyari doon sa dinner date niyo? sabi mo ichichika mo?" tanong ni sam

Napatulala ako, ano ba uli nangyari?

Pagkaalis nina sam ay siya namang pagsalita ni Rad "Pasok kana sa kotse" at binuksan niya, agad naman akong sumakay sa passenger seat

Umikot naman siya para sumakay rin. Pagkasakay niya ay agad niyang pinaandar ang kotse. Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse, niisa saamin walang nag sasalita.

Aba naman seryoso ata? Hindi na rin lang ako umimik at tumingin lang sa labas ng bintana

Napansin ko naman ang pag tingin-tingin niya saakin ng ilang beses "bakit?" tanong ko sakanya

Tumingin siya saakin at agad ibinalik sa daan ang tingin "wala, you're beautiful tonight Ris" oh what a compliment

"Tonight?" tumango siya "hindi lang ngayon gabi, araw-araw at gabi-gabi hoy"

"I know, Ris. You're always beautiful... to my eyes... always" tumingin siya saakin, deritso sa mata at nagkasalubong kami

Agad naman niya binalik ang tingin sa daan

Napalunok naman ako "i-i-inlab kana naman saakin" bat ba ako nauutal? tupangina eh si Rad lang naman yan tsk

He chuckles "As always" binalingan niya muli ako at kinindatan

"Tsk" yon lang nasabi ko at binalik sa labas ng bintana ang tingin

grabe naman 'tong lalaking 'to, alam na alam pa rin kung san ako hindi makakapag salita tsk. Masyado ka nang maraming nalalaman Rad, ipatumba na kaya kita? charot sayang lahi gwapo pa naman.

Ano ba yang pinag iisip ko!

Huminto kami sa isang fancy restaurant. Nauna naman siyan lumabas at lumibot't pinagbuksan ako

Driver lang ang peg? Hahahha jk Gentleman talaga yang si Rad kahit babaero yan at manloloko

"Shall we?" tumango lang ako bilang tugon

Pagkapasok namin ng restaurant ay naramdaman ko naman ang paghawak ni rad sa bewang ko. Tiningnan ko siya at binulongan "kamay mo Rad alisin mo"

He just smile sweetly at me "No, can't you see those jerks looking at you"

"So?" kibit balikat kong tanong

Naramdaman ko naman mas kinabig niya ang ang katawan ko papunta sakanya habang nakahawak pa rin bewang ko "Ris, you know that I don't want any other men look at you like that" nginuso niya ang lalaking nadaanan namin. Tiningnan ko naman ito. May paghangang tingin at may ningning sama mo pa ang lagkit.

Pretty Strippers (On Going)Where stories live. Discover now