CHAPTER 3*couple shirt shits*

11 0 0
                                    

Pagka tapos ng pagku-kwentuhan namin ni Jacob habang dala dala ang bike ay pumunta na kami sa kanya kanyang klase pagkapasok ko ay bumugad sa aking harapan si Marvin na may halong pag tataka ang mukha at malalim ang mga tingin

"uhm?"

Yun lang ang nasabi ko sa kanya sa tingin ko naman ay hindi nya talaga ako padadaanin mukhang may itatanong sya sa akin his hand turned into fist habang ako inaantay syang mag salita pero Dumaan na ang ilang minuto ay ayaw nya parin umalis sa dinaraanan ko ano bang problema ng lalaking ito?

"may problema ba?"

Mahinahong tanong ko Bigla namang nag iba ang reaksyon ng mukha nya

"a-ahhh w-wala"

Sagot niya at tumalikod sa akin pero napapalingon sya habang papunta sa kanyang upuan napailing nalang ako sa nangyari ' habang tumatagal nagiging weird sya ' bulong ko sa sarili ko

di nagtagal ay dumating na ang teacher namin sa first subject as usual napaka boring nito, ganun din sa 2nd at 3rd subjects next ay ang pinakapaborito ko ang BREAKTIME Nauna na akong lumabas pero may tumawag sa akin

"Gaea"

Pagka lingon ko ay si Marvin ulit ang tumambad sa harapan ko na sobrang ngiti

"gusto mo ng cookies?"

Hindi ako tumanggi pagkain kaya yan sabi ng nanay ko bawal daw tanggihan ang pagkain at dapat ubusin

"salamat (I smiled) may kasama ka ba?? Gusto mo sabay na tayong kumain?"

Paanyaya ko at pasasalamat narin sa binigay nyang cookies ngumiti sya ng malapad at tumango naglalakad na kami sa quadrangle ng may mga tumawag sa akin

"Gaea"

"Ganda"

"Irish gaea"

Napalingon ako at nakita ko ang dalawang Babae na may kasamang bakla nag wave sila sa akin at agad akong lumapit kasama si Marvin sina Ericka, trisha at Richard pala sila ang mga tatlo kong kaklase na naka upo sa likuran ko bakit kaya gusto nila akong kausapin?

"bakit?"

Tanong ko

"uhm we just ask if do you like to go with us? Breaktime with you I feel it's great" sagot ni trishia na parang excited

"yeah, at napansin naming wala kapang kaibigan sa room" sagot din ni ericka

"and we like to be friends with you" Dagdag naman ni richard

Napalawak ang ngiti ko sa sinabi nila may mababait din palang natitira sa academy na ito

"Btw, Gaea right?"

Tumango ako sa tanong ni ericka

"sabi ko na sa inyo ehh "

Sambit nya kay trisha at Richard

pinag aawayan nila kung ano ang pangalan ko kung 'Gaea Iris' 'Irish Gaea' pati narin ang pagkaka spelling

"Gaea Irish "

Nakisali na ako sa usapan dahil kung hindi ay maaabutan na kami ng next subject ng hindi pa nagbe breaktime

"oh diba tama ako"

Tuwang tuwang sabi ni Trisha

"girl Mali ka parin IRIS ang sinabi mo hindi IRISH" Sabat naman ni Richard

"tama na nga yang bangayan nyo nagugutom nako"

Tama si ericka pati ako nagugutom narin Sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria pero hindi parin nawawala ang bangayan Nina Trisha at Richard napapatawa nalang kami sa kakulitan nila kung ano anong random things ang kanilang pinag ku-kwentuhan pagkatapos Maya mayay mag babangayan ulit.

My Cupid ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon