CHAPTER 6 (Part two)

2 0 0
                                    

"anong ginagawa mo dito?"

Saad nya habang naglalaro ng Xbox diko sya pinansin inalagay ko sa Plato ang dala kong pagkain nandito ako ngayon sa Ospital dinadalaw si Ero

"I said anong GINAGAWA mo dito! Bingi kaba!!?"

Napatingin ako sa kanya na ngayoy nanggagalaiti ang mukha kunot na kunot ang kanyang noo at salubong ang kilay Naka pause ang kanyang nilalaro ano ba yang nilalaro nya? Saka baka ma force ang kaliwa nyang kamay at bigla itong kumirot Jeez mga lalaki talaga iniinda ang mga sakit Para lang makapag laro ng kung ano man

"oh, kumain ka muna"

Abot ko sa kanya ng Platong hawak hawak ko na may lamang pagkain tinitigan nya lamang ito at bumaling ng tingin sakin

"gusto mo subuan kita?"

Kinuha ko ang kutsara at nilagyan ito ng kanin at menudo Sabi ni Liam paborito nya raw ito. sa kanila ako sumabay kanina papunta rito kaya pala Hindi nya nasundo si besh kaninang umaga dahil dinalaw nya muna si Ero bago pumasok sa eskwelahan, sina Steve naman ay kaninang tanghali nagpunta nagdala ng XBox Para Hindi daw ito mabagot dito sa Ospital eh baka naman mabinat ito kakalaro

"umalis kana"

Nagulat ako ng tabigin nya ang kamay ko dahilan Para matilapon ang hawak kong kutsara ibinaling nya ulit ang kanyang tingin sa kanyang nilalaro na Para bang walang nangyari tsk grabe lang sya na nga ang iniintindi sya pa ang galit tss kailangan ko talaga ng mahabang pasensya saan ba ako makakabili nun Para may extra naman ako kung sakaling maubusan ako ng pasensya dahil sa kanya, kumuha ako ng panibagong kutsara maggagabi na kailangan nya nang mag hapunan

"oh, kumain kana mamaya na ang paglalaro"

Sambit ko sa kanya habang nakalahad ang kamay ko hawak hawak ang isang plato ng pagkain

"tss, huwag mo akong guluhin naglalaro ako"

Hindi ko sya pinansin at Hindi ko parin binababa ang kamay ko wala akong pakialam kung makulitan sya sa akin ako ang nag insist na samahan sya dito sa Ospital kaya ako ang malalagot kapag nahimatay sya sa gutom

"are you really that stupid?? I said get out on my sight in tagalog UMALIS KA SA PANINGIN KO!"

"bakit? Hindi ka naman nakatingin sakin diba? Kundi dyan sa nilalaro mo "

Tumingin sya sakin saglit habang naniningkit ang mata at ibinaling ulit ang tingin sa nilalaro napansin ko din na Madiin ang pagkahawak nya sa x-box controller basta yun wala namang ganyan sa probinsya namin kaya diko alam ang bagay na Yan

"okay! (padabog kong sagot) Ayaw mo nito pwes ako ang kakain tutal Hindi naman ako ang magugutom kundi ikaw"

Saad ko at nilagay ang Plato sa lamesa umupo ako sa upuan kung saan nakaharap akong kumakain sa kanya gusto kong inggitin sya habang kumakain ako

"hmm ang sarap talaga ng menudo grabe pati Yung Amoy nakakagutom saktong sakto ang pagkakaluto"

Saad ko habang may kaunting pagkain sa bibig ko sya naman ay parang walang narinig at naglalaro parin Kaya sumandok ulit ako ng isang kutsara at kinain ito habang nakatingin sa kanya

"hmm ang SARAP SARAP talaga lagi nakong bibili nito, hmm sobrang SARAP NG MENUDO"

Dinidiinan ko talaga ang pananalita para mabaling ang atensyon nya sakin pero feeling ko di parin umepek sa lalaking to I just gaze at him habang nginunguya ko ang nasa bibig ko sumubo ulit ako ng isang kutsara punong puno ito ng kanin at ulam sa totoo lang nasarapan talaga ako parang gusto ko nang ubusin lahat kahit na kakakain ko lang bago mag Punta dito sa hospital

My Cupid ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon