CHAPTER 8

17 0 0
                                    

" besh uuwi kana??"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko si besh pala nandito ako ngayun sa bench malapit sa parking lot hinihintay si kuya Driver gusto kong maka uwi sa bahay ng maaga para makapag ayos ng mga dadalhin ko sa Ospital, extrang damit undies at uniform dahil baka duon narin ako maligo at magbihis para diretso school na ako bukas, binabalak ko rin mag luto ng makakain namin ni Eiro

"o diretso ka Kay Eiro ngayon?"

Mahinang tanong nya sakin

"uuwi muna ako sa bahay para makapag bihis bago pumunta sa hospital at makapag luto narin ng makakain namin dun"

tumango tango naman si besh at napapangiti

"anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?"

mataray kong tanong

"huh?- nothing besh"

Saad nya ulit at ngumiti ng malawak hindi ako kumbinsido sa nothing nothing nyang Yan for sure may kalokohang naiisip yan

"Besh!" madiin kong tanong

"okay,okay para ka kasing caring girlfriend nya eh hehe"

Naningkit naman ako sa sinabi ni besh na animoy kinikilig pa

"alam mo naman na ginagawa ko iyon dahil wala naman syang pamilya na mag aasikaso sa kanya diba"

"sabi ko nga hehe"

Mapait nyang sagot at nag pekeng tawa napailing naman ako dahil sa kolokohang naiisip nya

"ikaw? Uuwi kana rin ba?"

Tanong ko she just shrugged Nag dadalawang isip nanaman syang umuwi

"Liam said samahan ko daw syang pumunta sa Kanila but hindi pa sya nag rereply kung nasan na sya"

"baka nambabae"

"don't you dare said that again besh"

Mataray nyang tugon pagkatapos nya akong hampasin ng malakas

"ang sakit ahh! Jowk Lang naman!"

"whatever oh sya lumayas kana nandyan na si kuya driver"

Saad ni besh na nakatingin sa paparating na sasakyan tumayo narin ako ng tumigil ito sa harapan namin

"umuwi kana after nyong umalis ni Liam ahh bye besh huwag munang isuko ang Bataan"

Asar ko sa kanya at bineso sya ng mabilis bago sumakay ng sasakyan

"wtfudge besh! Che! Kuya driver don't take care of her ahh ihulog muna rin sya sa malapit na tulay bye besh!"

We stuck our tongue to each other bago kami tuluyang umalis ako naman ay napapatawa habang nag pi-play sa utak ko ang asaran namin kanina

"alam nyo po mam malaki na talaga ang pinag bago ni ma'am Alexa simula nung naging magkaibigan kayo"

Biglang Saad ni kuya driver itinigil ko naman ang pag scroll sa cp ko at napatingin Kay kuya sa harapan

"ano pong ibig sabihin nyo kuya?"

"hindi Kasi palatawa Yan si Ma'am Alexa at bihira lang kung ngumiti simula pa nung bata sya ay akala mo pasan ang mundo pero nagbago yun nung pumunta kami sa probinsya nyo lagi ka nyang kinu kwento sa daddy nya at nakikita ni sir na masayang masaya sya habang kinu kwento ka"

Napangiti naman ako sa sinabi ni kuya driver

"ahm kuya bakit po ba malungkot sya dati?"

"dahil simula ng mawala ang mommy nya eh nawala na ang masaya nyang mukha nawalan narin Kasi ng oras si sir at puro trabaho ang inaatupag"

My Cupid ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon