CHAPTER 2

14 0 0
                                    

After an embarrassing moment with that stupid guy ay naging laman ako ng mga tsismis sa may campus

'kesyo ang kapal ko daw dahil tinulak ko ang kanilang D.G (dream guy)' 'dahil gusto ka lang 'daw' mag papansin sa kanilang D.G' 'ang landi landi ko 'daw' dahil nag payakap ako sa kanilang D.G' 'kaylanman Hindi ako magugustuhan ng kanilang D.G'

Huh! As if naman magugustuhan ko rin ang kanilang D.G!!

"hi, what are you doing here" nagulat ako sa pagtabi sa akin ng aming student council president ang ganda nya talaga Para syang angel na dahan dahan ibinaba dito sa lupa Para Hindi magalusan ang kanyang panlabas na kagandahan halos siguro lahat pati babae ay mag kaka girl crush sa kanya..

"g-good morning miss president" pa utal utal kong sinabi waah lagot ako bakit Kasi dito ko pa nagawang mag cutting, dito pa sa malapit pala sa kanilang headquarters T.T tumayo ako at Aakmang aalis pero pinigilan nya ko

"don't worry Hindi kita isusumbong" lumuwag ang aking pag hinga pagkatapos nyang sabihin iyon at nginitian sya ng pilit. Hindi siguro sya sanay sa pag tatagalog dahil slang sya kung mag salita. Pati sa pag tatagalog ay may accent sya.

"thank you po miss president" sabi ko at yumukod bilang pasasalamat 

 " in one condition"

"poh?" nagulat ako sa sinabi niya naku ano naman ang kundisyon niya? ibang klase din pala ang president na ito kailangan may kondisyon lagot na ako baka malaman ni tito kinakabahan ako na habang inaantay siyang mag salita ulit

"stay with me" malamyos na mahina na parang mapang akit ang Tono ng kanyang boses

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni miss president, hindi kaya? may tinatago  pala syang sikreto, sinayang nya ang kanyang kagandahan napatakip ako sa aking bibig sa mga naiisip ng utak ko

"silly i know what your thinking, and im not a lesbo, i just want you to stay here with me for a while"

"po?" tanong ko ulit pasensya na ang bilis nya Kasi mag salita kaya Hindi ko masyadong naintindihan

Napailing sya at ngumiti

"gusto ko ng kausap"

"ahh yun naman pala" sabi ko habang tumatango, buti nalang kala ko kung ano na ang kundisyon na ibibigay niya kala ko paglilinisin niya ako sa buong school, o kaya papasayawin sa maraming tao o gagawing alipin ng mga student council ang lakas ng kaba ko nun,umupo rin ako sa tabi nya at naamoy ang napakabango nyang pabango, hiyang hiya naman ako sa bango nya.

*******

Ang bilis naming magka palagayan ng loob Hindi naman pala sya nakakatakot,strict at maldita gaya ng mga naririnig kong usapan ng ibang studyante siguro as a lider kailangan nya lang maging matapang sa harap ng ibang estudyante para sumunod ang mga ito sa kanya.

Maya maya'y tumayo narin si miss president inalalayan nya rin akong makatayo

"its already lunchbreak so see you around"

Ang tagal din pala naming nag kwentuhan tungkol sa kung ano anong mga bagay pero nakalimutan kong itanong kung bakit sya nag ditch sa klase

"hmm..(tumango ako) hanggang sa muling pagkikita" sabi ko at ngumiti

"hanggang sa muling pagkikita" tugon nya rin ang cute ng boses nya pag nagsasalita ng tagalog maypagka slang at conyo talaga, nag wave na sya sa akin at ganun rin ako

*pop*

Ang kyut ng message tone ko Hindi ko alam kung na ku-kyutan din kayo basta ako OO walang pakialamanan.

My Cupid ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon