(insert ringtone)
Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko unknown number pero agad ko rin naman itong sinagot
"h-hello?"
"hello nak? Vernice ikaw ba to?"
"n-nay?"
Napatakip ako sa aking bibig hindi ko mapigilan ang saya at lungkot na nararamdaman
"a-anak ko ikaw nga iyan kamusta kana? Okay kalang ba dyan? Kamusta ang pag aaral mo?"
"ate! Ate vernice miss na miss na kita"
"ate may nang aaway ba sayo dyan? Sabihin mo Lang reresbak ako"
"ano ba, ano ba kayo kinakausap pa ang kapatid nyo antayin nyong matapos ang nanay nyo"
Marahil ay si itay iyon pinag sasabihan ang dalawa kong kapatid napangiti naman ako at dun na tuluyang bumuhos ang luha ko na kanina ko pa gustong ilabas
"n-nay"
Napahawak ulit ako sa aking bibig
"oh anak umiiyak kaba? K-kamusta na dyan?" Napuna ko ang pag piyok ni nanay sa telepono halatang nag pipigil din ito Ng iyak
"a-ayos naman po (napasinghot ako) nay bat ngayon niyo lang po ako kinontak?" Pinipigalan ko ang aking pag iyak pero Alam kong napansin iyon ni nanay sa pananalita ko
"pasensya na anak ngayon lang Kasi kami Ng tatay mo nakabili Ng cellphone nagastos Kasi namin ang pera dahil sa naospital ang kapatid mo"
"ate okay na po ako"
Duon na ako napahagulgol sa pag iyak Hindi ko manlang alam na naospital pala si Amber Hindi manlang ako nakatulong sa kanila wala ako sa tabi nya Para alagaan sya
"anak tahan na alam kong namimiss mo kami pero kailangan mong makapagtapos Ng pag aaral dyan"
"nay, a-ayoko na po dito gusto ko na pong umuwi g-gusto ko na dyan"
Napapikit ako at napakagat sa aking daliri halo halong emosyon ang nararamdaman ko ang pagka guilty, ang pagka miss sa kanila, ang pagka ramdam Ng nag iisa, Ng walang karamay (although nandyaan naman si besh) pero gusto ko parin ang karamay Ng isang ina at Ng isang pamilya,pati narin ang mga nangyari kanina sa loob Ng ospital ay damang Dama ko sa panahon ngayon
"anak alam mo naman na iba na ang sitwasyon mo ngayon Hindi Kaman namin t-tunay na a-anak mahal na mahal ka namin tandaan mo Yan"
Tumango tango ako na Para bang nakikita nila ako at mas lalong humagulgol
"i--inay"
Yun lamang ang nasabi ko
"patawad anak patawad tandaan mo mahal na mahal ka Ng nanay ha"
"opo, opo nay pagbubutihan ko Para sa inyo lalakasan ko ang loob ko Para sa inyo basta~~ basta alam kong lagi kayong nandyan Para sa akin"
"v-vernice anak ko" Napapikit muli ako at mas lalong humagulgol Ng iyak madiin Ko ring nakagat ang aking hintuturo naririnig ko sa kabilang Linya ang pagtangis ni nanay habang sumisinghot singhot pa miss na miss ko na sila kailangan ko sila bakit pa Kasi nalaman ko na Hindi nila ako tunay na anak? Bakit di nalang ako naging tunay na anak nila?ang sakit Lang ang sakit sakit.
"anak ako ito ang tatay mo"
"tay"
Biglang humina ang boses ko dahil narin sa pilit kong magsalita sa kabila ng pag tangis
BINABASA MO ANG
My Cupid Choice
Teen Fictionyou have no choice when your cupid choose the one you have to love and to be with.