Chapter Twenty Two
Kakalabas ko lang sa gym, dito kami pinagpractice ngayon dahil nagdedecor na sa theater stage para sa gaganaping pageant next week. Saglit akong lumabas para magpahangin at maglibot-libot muna. Wala pa rin naman kaming gagawin dahil kumakain pa ang nagpapraktis sa amin.
Nagpupunas ako ng pawis ng may dumaang dalwang babae sa harap ko,nag uusap sila tungkol sa dalwang tao.
" Ang bata pa buntis na, at saka kakaannounce lang ng kasal nila diba? " Sambit ng isa sa mga babae. Napatitig ako sa kanila habang paupo sila sa bench kung saan tanaw ang field
" Oo nga, matindi pala yun e. Saka alam mo ba may nakahuli daw sa kanila nung isang araw naghahalikan sa cr. Nakakahiya nga pamangkin pa ng teacher ang nakakita, si elyse samonte ba yun. " Hindi ko maiwasang hagilapin ang dalwang babaeng nagsasalita. Lumapit ako sa inuupuan nila.
Tinanong ko sa kanila kung sino ang pinaguusapan nila. Tama ang hinala ko dahil ng tanungin ko sila
" Si suzette at brixton ate " Anang mga ito. Tumango lang ako saka umalis sa harapan nila.
May iba pa palang nakakakita sa pinag-gagagawa nila, hindi pa sila nadadala noong nakita ko sila." Alam ba nilang may chance na masuspend sila? " Ilang istudyante pa ang dumaan sa harap ko at puro sila ang topic. Napapailing na lang ako sa naririnig ko. Masyado silang malakas magsalita. They losing respect. Chismis kaya ang tawag don
Naiinis ako sa kwento nila,paulit ulit kaya umakyat muna ako sa roof top at nagpahangin doon. Ilang saglit pa ang lumipas at naramdaman kong bumukas ang pinto " Sabi ko na nga ba dito kita makikita " Napalingon ako kay dito ng bigla syang magsalita. Si axton pala...
" Bakit ngayon ka lang ata nagpakita sakin? " Tanong ko. Ngumiti sya at umupo sa tabi ko
" Miss mo ko? " Pabiro nyang tanong. Hindi nya yata inaasahan ang isasagot ko kaya napanganga sya
" Oo, balik sa tanong ko " Tinaas ko ang baba nya kaya bumalik sya sa ulirat.
" Ah... May pinapaasikaso si dad sakin tungkol sa company namin, kaya ayun medjo natagalan ako pagbalik " Anito habang nakatingin sa akin
" Kamusta pala ang pagpapraktis mo? " I sighed.
" Ayos naman " Kahit hindi " Ayun, medjo hindi makagalaw ng ayos—kasi alam mo na " Tumango tango sya
" Makakaya mo rin yan, wag mo lang isipin na may pinagsamahan kayo. Since stranger na ang tingin nya sayo, bakit hindi mo pa sya kalimutan—" napatigil sya sa pagsasalita ng makita nyang nakatingin ako sa kanya...
" Uh—I mean... Bakit alam mo na—" I nodded
" I get your point, you want me to focus not on him but, sa pageant right? " Tumango sya sa sinabi ko
" Ok, i'll do what you say " Sambit ko bago nagpaalam sa kanya.
*****
Axton Pov,
Bumalik sya sa gym at naiwan ako dito sa taas, mali ba yung sinabi ko kanina? Napasabunot ako sa ulo ko. A lot of stress dadagdag pa yung maiisip ko na galit sya sakin
Bakit ko ba kasi sinabi na kalimutan nya ang taong mahal nya? " Axton... " Napalingon ako sa kanya, anong ginagawa nya dito? Ano na namang gusto nyang gawin ko?
***
Eurille Pov,Nawawalan ako ng focus sa pagpapraktis
Nagflashback kasi sa akin ang nangyari kanina nung pabalik ako dito galing cr.
YOU ARE READING
IM FALLING
RomansaSa akin sya nangako pero sa iba nya tutuparin anong silbi ng buhay ko kung di naman sya magiging akin?