Chapter Twenty Six
Brixton Pov,
Inuwi ko sya sa bahay nila lola, alam kong walking distance lang ang bahay ng tita nya mula dito kila lola. Pero gusto kong alagaan muna sya. Hindi pa tumitila ang ulan. Hinayaan kong si lola ang magbihis sa kanya
" Tonton, totoo bang pamangkin iyan nila bless at gary? " Tanong ng lolo ben, tumango lang ako.
Hindi ko sila literal na lolo at lola, dito lang talaga ako tumutuloy dahil wala naman kaming resthouse dito
" Oho, " Sagot ko. Tinapik ako ni lolo sa braso
" Bakit hindi mo pa ihatid sa kanila? " Tanong nito,
" Sigurado akong nagaalala ang panilya niyan sa kanya " Napatungo ako, gusto ko muna syang isama at makasama
" Wag kong sabihing nagtanan kayo? Jusko otoy, ilayo mo na agad " napangiti ako sa sinabi ni lolo. Hindi ko naman sya itinanan, gusto ko lang syang makasama kahit sandaling panahon.
Tumayo ako at napagisip isip ang sinabi ni lolo. Oo nga ano? " Salamat lo " tumayo ako at binuhat sya diretso sa kotse.
" Ikaw ben tinuruan mo pa ang apo natin ng kagaguhan mo " suway ni lola kay lolo
" Hayaan mo sya alam nya yan "
" Oo, palibhasa ganyan din ang ginawa mo sa akin noon " Natatawang sabi nito
" Salamat lo, la alis na ho kami " Pagpapaalam ko. Saka pinaandar ang sasakyan.
*****
Eurille Pov,Nagising ako sa loob ng nakatigil na sasakyan, kinig ko ang hampas ng alon sa dalampasigan. Masakit ang ulo ko, at nanlalabo pa ang paningin
Kita ko ang pigura niya na nakatalikod, nang mabuksan ang pinto ay dahan dahan syang tumingin sa akin
" N-nasan tayo? San mo ko dinala? " Ani ko pero inakay nya lang ako papasok ng sasakyan
" Nasa bicol tayo, " Anito, nataman ko syang tiningnan pero umiwas sya ng tingin
" Anong ginagawa natin dito?! " Pasinghal ko
ng tanong sa kanya. Nagkibit balikat sya at umupo sa drivers seat tinitigan nya ako sa salamin" Pwede bang magpakita ka ng tunay mong emosyon? Kung mahal mo ko ayun ang ipakita mo, titira muna tayo kila aling rosa ng isang buwan " Isang buwan?! Shunga ba sya? Pano ang pagaaral namin? Gagraduate na kami 1 mnth from now
" Eh ano namang gagawin natin dito? At magtatagal tayo ng isang buwan? " Tanong ko. Umayos sya ng upo at tinitigan ako ng mataman.
" Ieexpress lang natin ang feelings natin, pag may naramdaman tayo ay ipagpapatuloy natin pag hindi edi saka tayo umalis "
" Pero mali to—"
" Palagi na lang mali—mali bang magmahal? Huh? Mali bang isipin at seryosohin ang feelings kahit ngayon? Isipin muna natinnyung ngayon, wag yung mali okay? " Anito saka pinaandar ang kotse
Nanatili kaming tahimik hanggang sa tumigil sya sa bahay kubo. May dalwang matanda na nakatayo doon, " Aling rosa, Mang bert " Pagbati niya, teka magkakilala sila?
" Oh hijo,kala namin ay hindi ka na darating. Pumasok na kayo at ng makakain na tayo bg hapunan " Ani aling rosa bago pumasok sa loob. Nanatili akong nakasilip sa bintana ng sasakyan bago niya ako pinuntahan at binuhat
" T-teka kaya ko naman " Sambit ko pero umiling lang ito.
" Dadalhin kita sa kwarto. Please hayaan mo muna ako sa tabi mo kahit man lang bago ako ikasal o lumayo sayo " Dapat ko ba syang pagbigyan? ( Oo tsnga, lalo hahaba story! )
" Pag-iisipan ko " ( Bakit pagiisipan pa? Gosh! )
Naiwan ako sa kwarto nila aling rosa, nakakahiya nga dahil sila pa ang nagprisinta na sa sahig sila matutulog sa sala.
Dating katulong si aling rosa at si mang bert naman ay dating driver nila brix, dahil sa katandaan ay nagretiro. Minsan nang pumunta rito sila brix kaya kahit anong oras ay tanggap sila dito.
Nakatanaw ako sa bintana ng pumasok si aling rosa, shes looking at me with amusement. " Hija, ang ganda mong bata. Hindi ba ikaw ang fiancee ni sir? " Ngumiti ako ng mapait bago tumango.
" Hindi ho, naisama nya lang ako rito. " Sambit ko
" Pero ikaw ang mahal nya—"hindi ko maiwasang tumutol sa mga sinasabi nya
" Hindi ho—"
" Naranasan ko rin ang ganyang bagay at pagsubok noon hija, mahirap magulo. May pamilya rin si bert nung nangkakilala kami. Alam kong mali, pero hindi ko pwedeng pigilan ang sarili ko. Sya ang mahal ko, at ako ang mahal nya. Ang pakiramdam namin sa isat isa ay binigyan namin ng halaga—kaya kung ako sayo hija, gawin mo rin ang ginawa ko, sinunod ko ang puso ko. Kahit alam kong mali ay nagpumilit ako, at dahil doon lumabas ang totoo, hindi pala kasal si bert at alice, at ang nararamdaman ni bert sa kanya noong iniwan nya ako ay awa at apeksyon lang. Hija, ngayon palang magisip ka—Alam mo ba na maari kang mahirapan pag nagpigil ka? Hindi pa huli ang lahat. Wag mong hayaang lumayo si sir sayo, masamang magsayang. Baka bukas o isang araw, hindi na sya maghabol at pabayaan nya na lang na mapaikot sya ng iba. Sige ka ikaw rin ang magsisisi " Hindi ko alam pero nakunsensya ako sa sinabi ni aling rosa
Talaga bang sinasayang ko si brix? Talaga bang nagaaksaya ako ng panahon para sa amin? Talaga bang pagsisisihan ko ito sa huli?
Mariin kong pinagisipan ang sinabi ni aling rosa hanggang sa mapagtanto ko na may punto sya sa pagsasabi. Mali nga ba ang magmahal? Mali nga ba ang lumaban? Napabuntong hininga ako sa mga naiisip ko. Akmang palabas na ako ng pumasok si brix
Gulo gulo ang buhok nito at halatang kakaligo lang, suot niya ang sando at simple blackshorts niya. Naupo sya sa tabi ko at hinipo ang noo ko, hindi ko maiwasang hindi sya titigan
Magpapakulong ba ulit ako sa kanya? Magpapaalipin ako sa pagmamahal ko sa kanya? Sandali akong tumigil titig na titig pa rin ako sa kanya. Hindi kami nagsasalita. Pano kung hindi ako magpaalipin? O magpakulong sa nararamdaman ko? Pagsisisihan ko ba ulit to? Nagiwas ako ng tingin at muling bumaling sa bintana Walang masama kung sumugal, mawala man ang respeto ko sa sarili ko... Atleast wala akong pagsisisihan sa huli dahil... Sumugal ako kahit papaano. Malay ko sa huli manalo ako, pumikit ako ng mariin. Bahala na, kahit may pagaalinlangan bibigyan ko ng tyansa ang sarili namin para malayang maiparamdam ang pagibig sa isat isa
—End
N/A : Lapit na babies onting push na langs. Sorry kung magulo. Comment kayo bg reaksyon nyo ah? Pavote na din muwaaaaaaaaa :)))
YOU ARE READING
IM FALLING
RomanceSa akin sya nangako pero sa iba nya tutuparin anong silbi ng buhay ko kung di naman sya magiging akin?