Chapter Twenty Five #25

82 8 0
                                        

Chaptet Twenty Five

Hindi ko pa rin kayang isipin kung sino si Mr.B.C. February 15 ngayon at hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kahapon. Sa delivery riders,kay mr.b.c. At higit sa lahat kay axton pumunta sya rito kahapon at humihingi ng sorry, pero hindi ko alam kung kaya ko syang pagbigyan. Nakakabastos kadi ang sinabi nya sakin, akala nya naman lahat ng ipapagawa sa akin ay gagawin ko. Syempre may limits yun

" Euri, magayos ka ng gamit mo. Bibisita tayo sa probinsya " Paguutos ni mommy, sabado ngayon at walang pasok. Wala rin naman akong gagawin sa bahay e

" Yes mom " Ani ko bago sumunod sa kanya, hindi ko alam pero ganun na lang ako kaexcited na sumama sa kanya,sa kanila.

                                   *****

It is our first bonding time, uuwi kami sa kauna unahan naming bahay, kung saan kami nagkakilala ni tonton, at gab. Sayang wala na sila ngayon. They promises were ruined.

Halos tatlong oras ang binyahe namin tungo sa probinsya, hindi ako magkamaliw sa pakikipagaway kay kuya. Lagi nya akong binibwesit pag matutulog ako. Sayang daw ang view. Pake nya ba e babalik pa naman kami. 

" Andito na pala kayo demito, tuloy kayo " Ani tita bless, simple lang ang bahay nila na gawa sa sawali. Pinintahan iyon ng luntiang kulay na bumagay sa brown nitong bubong.

Sa loob ay makikita mo ang mga antique na bagay, maganda ang paligid parang walang pinagbago nung umalis kami. Sumilip ako sa bintana ng dati kong kwarto.

Wala pa rin itong pinagbago, alam kong iba na ang may-ari pero hindi nya pinapakealaman ang bagay na iniwan ko dito

" Ate euri, pinapatawag ka ni mommy kakain na daw. " Tawag sa akin ni pattie, she is a year younger than me. I am 17 and she is 15. Samantalang kaedad ko lang ang kapatid nyang si james.

" Susunod na ako " Tumango naman sya bago ako iniwan. Tanaw sa dati kong kwarto ang kabilang bahay, ang dating kwarto ni tonton.

Tatalikod na sana ako ng biglang magbukas ang ilaw roon, mula sa medyo may kalayuan ay nakita ko ang isang anino ng lalaki. Nakatayo ito at animoy nakamasid sa akin.

" Eurilleeee kakain na daw " Nagulantang ako at di na inabalang tingnan kung sino ang tao sa kabila. Tinawag na kasi ako ni kuya noon

Dito sa probinsya gaya ng dati ay sabay sabay kaming kumakain, walang nauuna, walang nahuhuli. Tanghalian ang kinain namin. Bagamat madilim ang paligid ay bukas na ang mga ilaw.

" May bagyo kasi kaya madiklim ang paligid, ano mang oras ay maaring umulan at mawalan ng kuryente. Kaya kailangan handa tayo " Nagsitanguan kami sa sinabi ni tito gary.

                                 *****

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na muna ako. Nagpaalam naman ako sa kanila, iniwan ko ang cellphone ko dahil baka abutin ako ng ulan sa paglilibot ko.

4pm na nung umalis ako, saulado ko pa naman ang buong paligid kaya ayos lang kahit magisa ako. Nagpasya akong pumunta sa puno ng narra sa tuktok ng bundok, alam kong mapanganib pero gusto ko lang ay gumaan ang pakiramdam ko.

Dala ko ang kahon ng mga notes at kwintas na bigay nya sa akin, nagpasya akong ibaon na ito sa mismong puno kung saan sya nangako at kung saan namin inukit ang pangalan namin.

5:30 ng makarating ako, nakaramdam ako ng ginaw dahil sa lakas ng hangin, nagpatuloy ako sa pagakyat hanggang sa marating ang puno. Hinukay ko ang gili niyon gamit ang napulot kong kahoy  at ibinaon ang kahon.

" Mula ngayon ay ibabaon ko na ang mga ala ala mo, tutal naman ay mukhang nakalimutan mo na ako. Magiging tatay ka na, magiging masaya ka na. Siguro ay after grad tuloy na ang kasal nyo, makakalimutan mo na ako bg tuluyan pag di na tayo nagkita, siguro ako rin. Paalam na mahal ko,hanggang sa muling buhay, sana tayo na " Ani ko habang unti unting tinatabunan ang ibinaon kong pangako at ala alang kasama sya.

Ilang minuto ang lumipas at narinig ko ang kidlat, nagsisimula ng umambon. Napansin ko ang pangalan naming nakaukit sa puno. Napatingin ako sa hawak kong kahoy, umuulan na at nababasa na ako, pasensya na pero kailangan ata kitang isama sa pagbaon ko ng ala ala " Subukan mong sirain yan,hindi ka na makakababa dito " Nagpalingon lingon ako sa paligid. May maligno ba dito?

" S-sino yan? " Kabado kong tanong. Mula sa likod ng puno ng narra, lumitaw sya, pailang ulit ko pang sinampal ang mukha ko bago naniwalang hindi ilusyon to. Narito rin sya.

" A-anong g-ginagawa mo d-dito? " Halod pautal utal kong tanong. Gaya ko ay basang basa na rin sya, nakasuot sya ng hoodie na katulad nung kay mr.b.c

Pero hindi ako pwedeng magilusyon, cough*²
Napahawak ako sa dibdib ko habang umuubo.
" Halika na, bumaba na tayo " Pagyaya nya  sa akin. Umatras ako at tumingin sa kanya.

" Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat kasama mo sya? Ang mag-ina mo? Hindi... Ang buntis mong fiancee " Ani ko bago inubo ulit.

Lumapit sya sa akin ng bahagya at dinaluhan ako ng muntik na akong matumba " Nilalagnat ka " Puna nito

" Sagutin mo ang tanong ko "

" Dinalaw ko si lola, nagpasya rin akong pumunta dito. Hindi ko alam na narito ka pala, mahal kita eurille, hindi ko kayang kalimutan ka. Alam kong mali, pero... Hindi ko talaga kaya, " Umiling ako

" Hindi, baka nagkakamali ka lang " Sambit ko

" Hindi, eurille lalayo ka na lang ba talaga? Hindi mo ba ako ipaglalaban? " Bakas sa mukha niya ang lungkot nya pero mali talaga e

" Oo, bakit ako ba? Ipinaglaban mo? Hindi rin naman diba? Nung una ako ang pinakilala mo as fiancee mo pero mabilis mo lang akong pinalitan noobg dumating sya. Pasensya na pero hindi ko to gusto, magkanya-kanya na tayo. Hahayaan na kita hayaan mo na ko, lalo lang tayong mahihirapan kung ipagpipilitan natin na tayo kahit hindi " Hindi sya nakaimik sa sinabi ko

" Umalis ka na, kalimutan mo na ko, wag ka nang paulit-ulit. Di na tayo pede, hindi bat magkakapamilya ka na? Kailangan mo syang panagutan " Nakatungo kong sabi. Nakita ko syang tumalikod sa akin.

Matagal akong nakatayo, ilang dipa palang ang nalalakad nya ng magdilim ang paningin ko, tuloy tuloy ang ubo ko hanggang sa mawalan na ako ng malay

—End
N/A : Oha? Pavote ang Support babiesss!!! ❤️😙

IM FALLING Where stories live. Discover now