Chaptet Twenty One
" Aray dahan² lang masakit! " Pagrereklamo ko kay axton. Ang higpit nya maglagay ng band aid jusq
" Nakakailan na yang suzette na yan a, tingnan mo ang ginawa sayo. Ikaw pa ang pinagmukhang masama " Galit na sambit nito
" Hayaan mo na lang, buhay pa naman ako e. " Tumango si axton
" Sabagay nga, Oh pano, mauna na ako ha? " Pagpapaalam nito. Tumango lang ako
Tinanaw ko sya habang naglalakad palayo, naiwan ako sa clinic mag-isa. Pumikit ako para magpahinga pero ilang saglit pa ay nabulabog din ako sa ingay.
Nagdesisyon akong lumabas at magpahangin, pinagmamasdan ko ang sugat ko, tadtad yun ng band aid, ang nipis ng balat ko. Di kagaya ng mukha ko.
*****
Nanonood ako sa mga lalaking naglalaro ng soccer, they are juniors, naalala ko ang junior days ko, nagtatakbuhan kami sa field. Walang problema, puro tawanan lang. Hindi kagaya nung nagsenior kami. Puno ng problema sa research, reports and other paper works.
Buti pa ang mga bata, walang pinoproblema.
" Euri! " Napalingon ako kay febe ng sumigaw ito. Tumatakbo sya papalapit sa akin." Oh bakit? " Takang tanong ko
" Eh ano kasi, si axton nakikipagaway " Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Sabay sabay kaming tumakbo papunta sa gymnasium. Nakita kong nakikipagbuno sya kay brix. Naandon din si suz, ano na naman kayang ginawa nito?
Hindi sila maawat ng ususero sa gym kaya minabuti kong sumigaw na lang.
" Tama na!! " Sigaw ko, saka lumapit.
Naitulak ko si brix palayo, hinawakan ko ang braso ni axton. Masama ang tingin ni brix kay axton " Ano bang nangyayari? " Takang tanong ko. Nagpunas muna ng dugo sa labi si brix bago nagsalita. Mukhang galit ito
" Pagsabihan mo yang lalaki mo le, binabastos nya fiancee ko! " Ani brix bago hinila si suz palayo. Sumunod sa kanila si cherry at maica.
Dahan dahan akong lumingon kay axton na nakaupo pa rin sa sahig. Putok ang gilid ng labi nito at may pasa rin sya sa pisngi. " Anong nangyari? " Nag-aalala kong tanong. Bago sya daluhan
" Pinagbintangan ako na binastos ko daw si suz, euri di ko magagawa yon. Yung gf nya ang naghubad sa harap ko, tapos nung dumating si brix bigla na lang sumigaw ng tulong dahil rerapin ko daw " Napakasinungaliing talaga nyang suz na yan.
Wala akong nagawa,kundi ang akayin si axton tungo sa clinic. Kanina ay sya ang gumamot sa akin. Ngayon ako naman
" Pasensya ka na dun kay brix, over protective lang un " Ani ko bago dinampi ang ice bag sa mukha nito.
" Ginawa nya rin ba yon sayo dati? " Napadiin ko ata yung ice bag sa mukha nya ng sabihin nya yun kaya hinawakan nya ang kamay ko
" Aray, chill dahan dahan okay? Ang sakit e " Daing nito
" S-sorry " Nakatungo kong sabi, ginawa nga ba ni brix sa akin yon dati? Napabuntong hininga ako.
" Okay lang kahit di mo sagutin, ayos lang pasensya na huh?... " Anito bago umayos ng upo
" Wala yon, saka hindi nya ginagawa yun sakin dati. Nasagot ko na ah? Pabor lang? Pwede bang wag na natin pagusapan yun kahit kailan? " Tumango siya at ngumiti.
Saglit akong nagpaalam sa kanya para bumalik sa room. Free time naman kami lahat ngayon, malapit na kasing matapos ang klase. All we need to do is complete our paper works para makapasa. Ganito sa adamson, hindi na ako nagdesisyon na balikan si axton dahil tinapos ko pa ang paper works na natira sa akin
*****
Uwian na ngayon, hindi ko na nakita si axton mula kanina. Ang sabi sinundo daw. Nag-aalala ako sa kanya dahil baka mapagalitan sya sa kanila, nakwento nya kasi sakin na medjo strikto ang daddy nya.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng magtext ito at sabihing ayos lang sya. Naupo ako sa gilid ng kama ko at di sinasadyang matabig ang notebook.
Nahulog iyon at nagtalsikan ang nakasiksik na papel, naroon ang mga notes noong camping. Nandoon ang note ni brix sa akin. Kukunin ko na sana iyon ng biglang sumakit ang dibdib ko, nagmamadali akong lumabas para uminom ng tubig
Nang makainom ay bumalik na ako, hawak pa rin ang dibdib ko. Nakapa ko roon ang kwintas " suot ko pa rin pala " Bulong ko sa sarili ko. Bumuntong hininga ako bago nagpasyang hubarin ang kwintas. From now on,i need to forget him. I need to open my eyes and heart for others. Kung hindi man sa pag-ibig kahit sa mga kaibigan at pamilya ko na lang. I need focus at hindi mangyayari yun kung palaging siya ang iniisip ko
Hinubad ko ang kwintas at saka inilagay sa box, kasama noon ang note. Itinabi k yon sa secret pocket ng aparador. " All i need to do is forget you. And open my heart again " Bulong ko bago ininandado ang aparador.
******
Nakatayo ako sa gilid ng stage at inaabangang tawagan ang pangalan ko. May rehearsal kani ngayon sa pageant, at wala pa rin si brix.
" Eurille ikaw na ang sunod. Asan si brix? " I shrugged my shoulder." Ah, ok sige sige mamaya na lang sya sa second batch. Troy halika muna dito ikaw muna. " Ani ate celle, nang tawagina ng pangalan ko ay rumampa na kami ni troy sa stage.
Nagpakilala kami at ipinakita ang talents, kumanta kami. Brixton were good in singing kaya iyon ang talent namin.
Pagkababa sa stage ay ssktong naandoon na si brixton. Simple lang ang suot nya, tumingin ito sa akin ng walang emosyon. Tumungo lang ako at tumuloy sa dressing room. Pawisan na kasi ako kaya kailangan ko munang magbihis.
Noong araw na yun ay halos maghapon lang kaming nagpractice, rampa doon rampa dito.
" Ok last na to, nga pala may sweet dance sa huli ha? Random partners muna bago bumalik sa tunay nyong kapareho. Dinagdag to ni ate mich para maganfa ang perf ng adamson " Paliwanag ni ate celle. Agree ang iba pero ako ay kabado.Ayoko mang dumikit sa kanya pero parang ang arte ko naman yata noon. Next week na gaganapin ang pageant kaya naman busy na kami. Hindi ko nga masyadong nakakausap ang mga kaibigan ko noon e. Pero suportado naman nila ako and im happy bout that
—End
N/A : Sana gets nyo,gumugulo takbo ng story support till the end HIHI. Muwappsss >33
YOU ARE READING
IM FALLING
RomanceSa akin sya nangako pero sa iba nya tutuparin anong silbi ng buhay ko kung di naman sya magiging akin?