Chapter 11 Failed Surprise

18 0 0
                                    

Reign's POV

AT MALL...

Haisst. Kailangan kong bumili ng pang regalo kay Katty . Ang mamahal naman ng stuff toys dito. Pag sa palengke naman ako bumili , baka sabihin masyado akong cheap.
Hayy, bahala na! Tiis-Ganda ..
Pumasok ako sa Hello Kitty World .
Nakita ko yung highcut shoes na hello kitty, ang ganda! Ang ganda rin ng PRESYO! :( Naghanap ako ng maayus'ayos na pang regalo, may nakita akong small pink guitar . Pwede na kaya 'to? Hmp. Okay na 'to. Afford naman ng bulsa ko! Di naman maarte yung batang yun eh.
Pinalagyan ko na rin ng gift wrapper, medyo tamad e. Hmp. Nakakahiya naman kung si Katty lang ang bibigyan ko ng gift. Si Cavy din kaya? Bumili nalang ako ng couple watch, yung worth P150 . Cheap na kung cheap , wala na akong pera e. Baka gumapang na ako pauwi. Pagtapos, kong mamili, dumiretso na ako sa bahay para mag'ayos. Ano nga ba oras ng party?
Text ko nga si Cavy.

'CavBaby ;)'

'Oh. Sweet. Why bae?'

'BAE? Bacon And Eggs?'

'nope. (Before Anyone Else) ;)
Haha. San mo na naman natutunan yan? '

' Nabasa ko lang sa twitter. Btw, what time ang party? '

'7:00 PM!'

'7:00? Hindi ba 3:00?'

'3:00?'

'Diba birthday ni Katty? Wala bang Kids Party?'

'Wala. Basta 7:00 PM.'

' Hmp. Sige.'

'Gusto mo ba sunduin kita?'

'Hindi na. Kaya ko na 'to.'

' Okay. See you later ;)'

'*^_^*'

Conversation ends.

Speechless! Okay, idaan sa emoticons.

Pagkatapos kong mag Mall ay umuwi agad ako para makapaghanda.

Nag dress ako para formal naman at magmukha akong tao dahil alam kong sosyal at bongga ang party na pupuntahan ko.

Naglagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha.

Dinala ko na ang mga regalo at nagtungo na papunta sa bahay nila Cavy.
~

Pinapasok na ako ni Manong guard sa Gate at biglang namatay lahat ng ilaw.

"CAVY" sigaw ko ng mamatay lahat ng ilaw.

Ano ba namang Kids Party 'to?  Halloween pa yata ang tema.

"OMYGAD!" sigaw ko ng may humawak sa kamay ko at agad din binitawan.

"Cavy ikaw ba yan? Bakit ang dilim naman ng bahay nyo? Cavy, magsalita ka naman, ikaw ba yan?"

"Im not Cavy. But I'm your future baby."

"HUH? sino ka? Sasakalin kita. Wag ka ulit lalapit sakin. Nasan si Cavy?"

"I'm more handsome than your Cavy."

"Wala akong panahon sayo, nasan si Cavy?"

Wala na akong narinig na response mula sa taong kumausap sakin .

Kinapa ko ang phone ko para magkaroon man lang ng kaunting ilaw. Dahil wala talaga akong makita sa sobrang dilim, party ba talaga to para kay Katty?

Nang mabuksan ko na ang torch light ng aking phone ay agad namang may humablot at itinakbo ang phone ko.

"Ano ba! Akin na yung phone ko."

Jusko ano ng gagawin ko? Hala, baka mali yung napasukan kong bahay.

Promise:  We Will Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon