Chapter 13 Third Month

15 0 0
                                    

Cavy's POV

Ilang araw din kami nagstudy at nagreview ni Reign. Pero ito na yung araw na pinaghandaan namin, ito rin ang aming 3rd monthsary. Ang ganda ng timing diba?

Bago ako magpunta sa school ay dumaan muna ako sa isang Mall. Bibili nalang ako ng gift para kay Reign dahil wala na kaming time para magcelebrate, maghapon ang exam. Binili ko ang isang stuff toy na Panda.

Pagkadating sa room, agad nagsitayuan ang mga classmates ko sa harapan. Sabay-sabay silang tumalikod at nag formation.

HAPPY 3RD MONTHS

At may humabol pang tatlong kupal na may hawak na O-N-L-Y na letters.
Ang mga kabanda ko!

"Happy 3rd months only!" bati sa akin ni Rensy na hawak ang O at N na letters

"Kupal talaga kayo!"

"oops, kuys nadawit lang ako ha." response ni Jayrald.

"Ako rin, bitter kasi nitong si Rensy e." - Tobby.

"Wala namang forever mga Kuys e. Advance ako mag isip. " sabi ni Rensy habang pangiti ngiti pa.

Advance mag isip? Parang narinig ko na yan ah? Wait lang teka. Iisipin ko.

Ah Tama, sa pinsan ni Reign, yung babaeng nakakabadtrip.

Maya maya ay lumabas na si Reign.

"Happy 3rd monthsary!" bati ni Reign sa akin at napansin ang hawak ng tatlong kupal.

"HOY! BAKIT MAY O-N-L-Y DYAN?" sigaw ni Reign.

Sabay tinuro ng lahat si Rensy.

Nilapitan ni Reign si Rensy, binatukan at piningot pingot niya ito.

"Napakabitter mo talagang unggoy ka! Kaya wala kang Lovelife e." sabi ni Reign habang sinasaktan si Rensy.

"Kuys, awatin mo naman babes mo, sadista e" pagrereklamo ni Rensy.

"Dapat lang yan sa'yo!" Sagot ko habang tumatawa.

"Tsaka hindi namin kayo classmate, bumalik kayo sa room niyo." pagdagdag ni Reign habang hawak hawak pa rin ang tenga ni Rensy.

***

BREAK TIME

Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Reign.

"Reign, wala na tayong time para makapagcelebrate." bukod kasi sa marami ang exam, nakakastress pa.

"Oo nga Cavy. Kailangan natin pagtuunan ng pansin ang exam. Nakakastress." sagot ni Reign habang minamasahe ang bandang kanan ng ulo niya.

"May binili akong gift, sana magustuhan mo. Simple lang ito" pagkatapos kong sabihin iyon ay inabot ko sa kanya ang paper bag.

pagbukas niya ng paper bag...

"WOW! PANDA. ANG CUTE!" kitang kita sa mukha niya na nagustuhan niya ang regalo ko.

"Nagustuhan mo ba? Pasensya na ha. Ayan lang..." hindi niya ako pinatapos at agad niya kong niyakap.

"Thank you Cavy! Favorite ko 'to."

Talaga? Favorite niya ang Panda? Wow. What a nice timing. That's awesome.

"Pasensya ka na Cavy, ito lang gift ko." inabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. "Next time mo na buksan yan ha, pag malungkot ka." banggit niya.

"Bakit naman?"

"Basta"

"O-okay." response ko.

"Salamat Cavy ha."

Hindi ko alam kung bakit siya nagpapasalamat.

"You're always welcome my Reign."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promise:  We Will Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon