Chapter 7 Reign Meets Mom.

30 3 0
                                    

Reign's POV

An'dito pa rin ako sa bahay nina Cavy. Facebook, Twitter, Instagram ang ginagawa ko ngayon sa laptop ni Cavy habang si Katty naglalaro ng candy crush sa tablet nya at si Cavy naman andun sa kitchen room nila nagluluto ng foods kasama ang mga yaya nila .

Maya'maya ay may pumasok na magandang babae sa kanilang bahay .

"Hi Baby, I'm home!" 

"Ma!!" sigaw ni Katty habang tumatakbo.

What?! As in W-H-A-T . MOMMY? IMPOSIBLE . Ang ganda nya para maging nanay . Baka girlfriend ni Cavy to. Hmp, wala naman siyang nababanggit !! Ang ganda naman ng Future Mom-- , I mean Mommy nila . Siguro kung hindi ako nalahian ng pagiging Koreana , mas matured pa ako tingnan . Haay! Buti na  lang . Salamat kay Papa .

"Ma, this is Mami Reign. Kuya Cavy's Future Girlfriend . " pagpapakilala sa'kin ni Katty .

"H-Hello po! (sabay yuko) . H-Hindi po ako yung F-Future Gir---" as  always hindi na ako pinatuloy ni Cavy sa pagsasalita .

"Ma, sya po yun. Nahihiya lang po siya  sa inyo"- Cavy.

"Ahm, ikaw pala si Reign. Minsan kang naku'kwento sa akin ni Cavy . Ang ganda ganda mo naman. May lahi ka ba ?" Tanong ng Mommy nila.

"O'opo, korean po. Kayo rin po ang ganda ganda nyo po . Para lang po kayong kabarkada ni Cavy" . Nasabihan pa ng maganda.

"Pwede ba kitang makausap, Reign?"

"Ahm, sige po. Ano po ba yun?"

"Tara, sa rooftop tayo."

Agad akong sumunod sa Mommy ni Cavy .

Pagdating sa rooftop.

"Reign, di ba nabanggit ko naman sa'yo na minsan kang naiku-kwento sa'kin ni Cavy."

"Opo, bakit po?"

" Kasi nabanggit nya na nagpunta kayo sa isang restaurant "

"O'opo. Dun nya po ako dinala , nung first date namin. Nabanggit niya nga po na doon kayo nagkakilala ng Husband nyo."

"Oo, dun kami nagkakilala . Sabi ko kasi kay Cavy na , kung may liligawan sya , doon nya dalhin  . Karamihan kasi sa mga nagpupunta dun , nagkakatuluyan , like me & my husband . "

"Ahm,g-ganun po ba."

"Nung um'order kayo . Diba, kakaiba ang order dun?"

"O'opo. Di ko nga po ma'gets eh."

"Ganun talaga dun . May nabanggit yung waiter dun na may matindi ka daw na problema?"

"Ahm, hindi naman po ako naniniwala dun . "

"Totoo yun . Hindi sila nagbabanggit ng wala sa katotohanan. "

"S-siguro po yung family problem namin . "

" Ganun ba . Basta kapag may nararamdaman ka , sabihin mo lang sa'kin ha, wag kang matakot at mahiyang lumapit sa'kin . "

"Nakakahiya naman po, pero s-sige po."

"Ay, siya nga pala, pwede ba akong humingi ng favor sa'yo"

"S- Sige po. A-ano po ba yun?"

" Huwag mong iiwan si Cavy ha. Kahit anong mangyari , in good times and in bad times . Hindi niya kaya kapag iniiwanan siya ng taong mahalaga sa kanya . At kapag nangako ka sa kanya , kailangan tuparin mo. He doesn't like Fake Promises . "

"Ahm, sige po . Promise ko po sa inyo na hinding hindi ko po iiwan si Cavy."

"Promise is promise, Reign"

"Yes po. 100% pure promise po."

"Okay. "

Ang bait bait ng Mommy ni Cavy . Hay! Sana ganito din si Mama, kaya lang mukhang malabo . Medyo masungit at strikto yun eh.

A/N: Sorry po sa wrong grammar . Medyo short po ang chapter na'to. Base po kase sa Title . ^__^ Thanks po sa pagbabasa. God bless po. Vote na rin po kayo. :)

Promise:  We Will Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon