Chapter 6 Si Kumag at Si Mokong

34 3 0
                                    

Reign's [POV]

Nakahilata pa ako sa aking higaan at parang ayoko pang bumangon. Papatulog na ulit ako ng tumunog ang phone ko.

Hmp. Di naman ako nag alarm ah. Ba't tumutunog phone ko.

May tumatawag......

Hindi ko na tiningnan kung sino , at sinagot ko nalang

"Hello, sino to?"

"Hoy, Reign . Si Cavy 'to. Asan ka na ba?"

"Huh~ Cavy. Oh bakit?"

"Reign, tulog ka pa ba ?"

"Matutulog pa lang ako. Ang gulo mo kase"

"What? Matutulog ka pa  lang?"

"Gusto ko pang matulog ulit. Mamaya ka na tumawag. Maaga pa."

"Hoy Reign. Anung maaga pa. Paki'Check nga yung time."

"11:49 am."

Agad akong bumangon sa kinahihigaan ko.

" Reign , 11:00 na tulog ka pa rin "

" Sorry , kala ko kase 6:00 am palang . "

Eh. Napakadilim kaya dito sa kwarto ko , harangan ba naman ni Mama ng kung anu'ano eh. Ayan tuloy di ko na nakita ang sunrise at di na rin ako naaaninagan.

"Hoy , Reign . Nakasimangot na si Katty dito, kakahintay sa'yo"

" Hey, Mami Reign. You told me that you'll comeback here. You didn't love Katty na ba?" Sabi ni Katty sa phone na parang papa'iyak na .

"I'm on my way na baby . So, don't worry .  Mami Reign's loves you always."

"Faster Ms. Undefined . Sayang ang cookies na bi'nake ni Katty for you."

"Okay , Mokong."

Agad ko ng binaba ang phone at nagtungo na sa c.r para maligo.

Hmp. Hindi na ako kakain . Nagwo'worry na si Katty .

Pagtapos ko ay agad akong nagbihis.

Madaling'madali ako at palabas na sana ako ng sumigaw si Ronn.

"Rin, san ka pupunta ? Umalis si Mama. Wala pa tayong naluluto."

Arrrrgh~ naku naman...

"Sumama ka na lang sa'kin. Isarado natin ang bahay. Anong oras ba uuwi si Mama.?"

"Baka sa next day pa!"

"Next day? Di man lang nya tayo iniwanan ng pera pang budget?"

"200 php lang."

"Oh , nasan na ang ₱200 ?"

"Eh kase....."

"Natalo sa basketball?"

"Oo eh. "

"Tsk. Tsk. Anung kakainin mo ha. Napaka'gastusero mo talaga."

"Sorry~ kase , ano ..... ahm .... "

"Hmp. Sumama ka na nga sa'kin."

"Wala tayong pera. San ba tayo pupunta?"

"Ako ang bahala sa gastos . Pupunta tayo sa Future Boyfriend ko. "

"Future Boyfriend?"

" Yes. Sumunod ka na lang. "

"Eh, may laro kami mamaya."

"Bakit may pera ka ba?"

"W-wala."

"Ronn, may tinatago ka ba?"

Promise:  We Will Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon