Chapter 10

0 0 0
                                    

<Zaina's POV>

She introduces her self in front of the class. Sobrang maldita talaga ng babaeng to. The way she moves and acts akala mo naman sobrang ganda.

"Hi,  I'm Daniah Venize Hong.  I hope you treat me well. That's all."  Sambit nito pagkatapos lumakad papunta sa harapan namin.

"Miss, move aside.  I want to sit beside Draylan. "

Napataas ang kilay ko. At bakit naman ako aalis sa kinauupuan ko?? Bangag ba siya?

"Miss Hong, we have vaccant sits here in front,  you can occupy ~"

"No! I want her seat! " Putol niya sa sinasabi ng prof. Ayan na naman ang bitchy side niya. Walang modo talaga tong babaeng to.  Nag-eeskandalo pa sa loob ng klase.

"So can you move now?" Nakataas ang kilay nito.

"No." Prenteng sagot ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata. Sarap dukutin!

"Pwede ba, you're delaying the class. And don't treat my girlfriend like that,  baka gusto mong mapa-alis dito sa school." Pagbabanta ni Draylan.

Padabog siyang umalis at umupo sa may unahan namin. Pssshhh...
Uupo lang din naman pala, dami pang arte.

Buong klase hindi ko pinapansin ang katabi ko.  If I know, hindi naman siya nakikinig sa klase. Naglalaro lang siya sa cellphone niya.

The bell rang and the class ended.

Dumiretso ako ng canteen para kumain. Hindi kasi ako nakapag-agahan kanina.
Feeling ko kasi hilong-hilo na ako sa gutom.

Iniwan ko sina Lim-bubuyog kasama naman niya mga barkada niya dun.

Hindi naman siya siguro didisturbuhin ni Venize?

Vaccant next class namin dahil wala ang prof. May pinuntahan daw na seminar.

Habang dala-dala ko yong pagkain ko ay may biglang pumatid sa akin.

Nabagsak ko yong dala dala kong tray at muntik pa akong mapasubsob sa mesa.

Tumalsik yong sabaw nung batchoy sa blouse ko.

Shit! Ang init! Para na akong maiiyak.

"Oopps... sorry. My bad." Si Venize na naka-ngisi at mukhang natutuwa pa sa nangyari sa akin.

Inayos ko yong sarili ko at tumingin sa kanya. Sobrang gigil na ako sa babaeng to. Naka-cross arms pa ang bruha.

"Ano bang problema mo!" Sigaw ko.

Ghaddddd... Seriously?? Mauubusan na ako ng tinatagong pasensiya ko sa baul dahil sa kanya!

"Problema ko? Ikaw! Inagaw mo sa'kin si Draylan kaya bagay lang yan sa'yo! No one messes with my property!"

So yon ang ngini-ngitngit niya?? Dahil inagaw ko si Draylan sa kanya? Like the F!

"Eh sira ulo ka palang babae ka eh! Paano naging sa'yo, eh tinapon mo na nga. Tapos ngayon pag-aari na ng iba, aangkinin mo ulit? Well sorry to say, dahil sa'kin na siya patay na patay ngayon at hindi sa tulad mong war-freak na nga nagmumukhang psycho pa!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Walang hiya ka!" Nangangalaiti siya sa galit.

Susugurin niya sana ako, pero nahawakan ko siya sa braso.

"Ikaw ang mas walang hiya dito!"
Inabot ko yong buhok niya at hinila ng napakalakas. Akala siguro nito mag-papaapi lang ako. Well nagkakamali siya dahil uubusin ko yang buhok niya! Galit ako! Galit na galit!

Ways To Make You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon