<Zaina's POV>
The bell rang, hudyat na para sa susunod na klase.
Nauna sina Kayla na umalis. Sanay na ako sa kanila na parati akong iniiwan. Mga alien kasi talaga ang mga yon.
Nauna na rin ang anim sa paglalakad.
Ako naman sumabay sa kanya sa paglalakad.
Still hindi pa rin niya ako kinaka-usap except sa mukha siyang nag-aalala kanina at tinanong kung okey lang ako.
Ngayon parang wala na naman siyang ekspresyon.
Napabuntong hininga ako. I'm not used to this feeling anymore. Yong iniis-snob ako.
"Look, kung galit ka pa rin sa'kin dahil kanina, sorry. Sorry kung hindi kita inantay kanina. Pero pangako, hindi na mauulit yon. " Saad ko. Baka kasi galit siya sa pag iwan ko sa kanya klase.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Good. Then, manuod ka mamaya ng practice game namin at ipag-cheer mo ako. Utos ito babae at hindi paki-usap." Sabi nito tsaka tumingin sa malayo.
Napangiti ako sa loob ko.
"Oo na. I'll gonna cheer for my boyfriend." Panunukso ko sa kanya.
Nakatingin pa rin siya sa malayo pero kitang kita ko ang pamumula ng taenga niya.
Napangisi na lang ako at umiling-iling. Is he blushing??
Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang makarating na kami ng classroom.
The proof then came and started our class.
After a long hour, the class ended.
Hay salamat at natapos na din ang nakaka-antok na klase. Sunod-sunod din ang klase namin. Naka-labas lang kami ng classroom mga alas-kwatro na.
Pinasok ko sa bag ang notebook ko at tumayo na.
Uuwi na ako at magpapahinga. Feeling ko kasi titiklop na ang mata ko sa sobrang antok. Hindi na nga ako nakikinig sa buong klase kanina.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Draylan na naka-halukipkip.
"Uuwi na." Tipid kong sagot.
Parang nainis siya sa sinabi ko.
"Anong uuwi na? Manunuod ka pa ng practice game namin, di ba?"
Napa O ang bibig ko.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan.
"Sumunod ka huh, kung hindi lagot ka sa'kin. Eto dalhin mo." Tinapon niya sa'kin yong bag niya. Sobrang demanding ng isang to.
Nang tumalikod siya, I acted as if I want to stab him. Sarap niyang saksakin talaga!
"What are you doing?" Draylan na magkasalubong ang kilay nang biglang humarap sa'kin.
"N-nothing." Pilit akong ngumiti.
Tinalikuran niya lang ulit ako.
Sumunod na ako sa kanya dala yong bag niya at bag ko. Hindi naman masyadong mabigat ang bag niya.
Tingin ko nga walang laman to eh. Nagdadala lang siya ng bag para mukhang cool tingnan. Alam niyo yong parang sa mga K-drama. Feeling Korean din kasi ang isang to.Natigil ako sa pag-iisip. Oo nga pala, Half-korean nga talaga siya.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Shemay, parang maiihi na ako.
"Bubuyog-este Draylan, mauna ka na lang sa gymn, susunod ako." Sabi ko.
"Bubuyog? Anong-"
Hindi ko na siya pinatapos na magsalita.

BINABASA MO ANG
Ways To Make You Smile
FanfictionHindi ko alam kung bakit pinaglalaruan kami ng tadhana. Sa lahat ng lalaking makasagupa ko, bakit siya pa? Ang pinaka-cold hearted guy sa buong campus. Paano kung gawin niyang miserable ang buhay ko? Ano na lang ang mangyayari sa akin?