<Zaina's POV>
Iniwas ko ang tingin ko kina Venize at Draylan.
Bahala sila sa mga buhay nila!
Binalik ko ang tingin ko sa apat at nagulat ako dahil ang sama ng tingin sa'kin.
Napakunot ang noo ko.
"Bakit?" tanong ko. Anong problema ng mga ito? Para akong sasabunutan ng di oras.
"Anong bakit? Hahayaan mo bang langgamin yong nag-iisang candy mo?" Kayla na nakataas pa talaga ang kilay.
Napatingin ako sa kanya. Anong sinasabi nito? Anong candy? Wala naman akong candy.
"Anong candy ang pinag sasabi mo diyan?" Nakataas din ang kilay ko.
"Huwag slow 'te! Ayon oh! Nilalanggam na! Boyfriend mo yon kaya dapat ikaw yong nandun. Puntahan mo bilis! Huwag mong hayaan na madiktan ng linta o kung ano mang higad yan. " Sambit ni Saisha at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Oo nga, do your duties as a girlfriend, hindi yong tumu-tunganga ka dito sa amin. " Lillianne while sipping her iced tea.
Napanganga ako sa mga sinabi nila.
Tumingin ulit ako sa direksyon nina Draylan. Nakabalik na pala sa kani-kanilang upuan sina Eiji.
Bigla akong napatayo ng di ko namamalayan.
Ewan ko pero yong katawan ko kusang kumilos at hindi ko namalayang nasa harapan na ako nila Lim-bubuyog.
"Oops! Parang makakanuod ako ng libreng sine ngayon ah." sabi ni Ivan na naka-ngisi.
"Oh yeah! Mukhang magiging exciting yong palabas." sabi naman ni Ranz na nakangisi din.
"Wala bang pop corn?" Reklamo ni Troyce.
"Eiji, bili ka ng pop corn bilis." sabi naman ni Dave.
Tumayo naman si Eiji para bumili.
"Coming up!"
"Cheese flavor gusto ko." Pahabol ni Ranz.
"BBQ akin!" -Dave
"Kahit ano na lang sa kin, ikaw Lance?" tanong ni Troyce
"Kahit huwag na." tipid na sagot ni Lance
"The movie will start any minute, where's my pop corn?" sabi ni Ranz
Bigla akong natauhan sa mga sinabi ng kaibigan niya. Wahhhh! Bakit nga ba ako nandito sa harapan nila?
Talaga bang aawayin ko ang babaeng yan?
Venize is looking at Draylan dreamingly. Wala namang kibo si Draylan habang kumakain.
Sana kasi tinaboy niya, ni hindi man lang ginawa.
Haisst! Bahala na nga!
"Excuse me, pwedeng umalis ka diyan?"
Tumingin sakin si Venize na nakataas ang kilay. Tinaasan ko din siya ng kilay.
"At sino ka para sabihin yan?"
"Ako lang naman ang GIRLFRIEND niya, bakit ikaw sino ka ba?" May diin na pagkasabi ko.
Nag-panggap akong nag-iisip.
"Oh now I know, ikaw pala yong EX niya na niloko lang siya, wala na siyang gusto sa'yo kaya umalis ka diyan kung ayaw mong kalbohin kita ulit."
My eyes met Draylan's. Napa-ingos ako. Bwiset na to, walang paki.
Binalik ko ang tingin ko kay Venize.
BINABASA MO ANG
Ways To Make You Smile
FanfictionHindi ko alam kung bakit pinaglalaruan kami ng tadhana. Sa lahat ng lalaking makasagupa ko, bakit siya pa? Ang pinaka-cold hearted guy sa buong campus. Paano kung gawin niyang miserable ang buhay ko? Ano na lang ang mangyayari sa akin?