1010 - Instant Fake BF

10 0 0
                                    

CHAPTER 10

"You will never ruin my career. Gan'yan talaga sa mundo ng showbiz. You just gotta be chill and don't take everything seriously."

I smiled at him. Somehow, whenever I'm with him, parang ang gaan-gaan lang ng buhay. Maybe because he's just a character? Na hindi siya totoong tao?

Wala akong balak sabihin ang totoo kay Levi sa ngayon. Siguro sa ibang araw o panahon, pero 'wag ngayon. I'll try to figure this out on my own without the characters' help. Kasi baka mamaya, eh naka-drugs lang pala ako.

Saka ano na lang ang sasabihin n'ya once na sabihin ko sa kaniya na ako ang author, at mga characters lang sila? Baka akalain n'ya pang baliw ako at nasisiraan.

I was walking side-by-side with Levi when Belle called, saying it's an urgent call, "Mr. Corpuz wants to see you right now, Solar. You have to go or else, baka mawalan ako ng trabaho."

I sighed. Wala pa akong isang linggo sa trabaho, eh abusado na agad ang amo ko. "I'll be there in a minute," I said while looking apologetic to Levi.

"Thank you, Solar! Oh, and he also said to meet him inside his office. Take care!" Belle ended the call.

"I'm so sorry, Levi. I have to go. Saglit lang naman 'to for sure. Hindi ko lang alam kung bakit ako pinapatawag, baka may hinahanap na naman na hindi ko naipasa 'yung boss ko," paliwanag ko sa kan'ya.

"That's fine," he said. "Make sure to call para masundo kita."

I nodded. Nagpaalam na ako at nagmamadaling bumalik sa office. Isinauli ko na nga pala 'yung credit card ni Levi dahil binigyan ako ng credit card sa trabaho c/o Jace Ares Corpuz.

Pagdating ko sa office ay dumiretso kaagad ako sa elevator to which I saw Dom leaning his head on the elevator walls. Halata sa mukha niya ang pagod.

"Dom, what are you doing? Hindi ka pa umuuwi?"

"I was about to go home. Kaso overtime kami nila Keith ngayon," he said smiling back at me. "You better hurry, konting konti na lang ay mawawalan na ng trabaho si Belle dahil pinapahanap ka ni Sir Jace kanina pa."

Malapit nang huminto ang elevator sa floor kung saan matatagpuan ang office ng magaling kong boss nang biglang magdahan-dahan na naman ang paggalaw ng mga tao at bagay sa paligid. Kasabay nito ang pag-iiba ng kulay ng paligid na para bang may bumabalot na kulay orange and blue hue.

Unti-unting bumukas ang pinto ng elevator at nang makalabas ako roon ay siyang paglabas rin sa office ni Jace kasama si Kevin at ang isang babaeng tila isang nabubuhay na Diyosa sa ganda. Malakas ang kutob kong ito ang nanay ni Jace.

Biglang bumalik sa normal ang lahat. Ang galaw ng mga tao, ang pagsara ng elevator, ang pag-bow ni Dom sa harap ng mga ito.

Bahagya akong siniko ni Dom para mag-bow at dali-dali ko rin naman itong ginawa.

"Who is this girl?" rinig kong tanong ng babae kay Jace.

Hindi agad nakapagsalita ang dalawa kaya't si Dom na ang nagsalita para sagutin ang tanong niya, "Good evening, Ma'am. She is Solar, she--"

"She's my girlfriend, Ma."

Sabay-sabay kaming napalingon kay Jace nang bigla niyang sabihin iyon.

"W-What?" His mother stutters. "Are you out of your--Jace Ares Corpuz, I swear to God if your lying to me, I'll let you get married to Anya, my friend's daughter. What is her family status?"

"Ma!"

"Tita, come on, I'll call your driver. Baka bigla na naman pong bumuhos ang ulan." Kevin interrupted and escorted a fuming Mrs. Corpuz out of the building's floor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm In The Wattpad World?Where stories live. Discover now