CHAPTER 5
Badtrip. Hindi man lang ako nakatulog.
I'm really freaking out. Pano na lang kung hinahanap na pala ako sa amin? Pano na si Rayver? Panay na lang s'ya ang papagalitan ni Mama. Pag-iinitan s'ya nun kasi wala s'yang alam sa mga gawaing bahay.
It's already 7 in the morning dito sa Wattpad World based on the digital clock na nakapatong sa nightstand.
At may isa pa akong na-diskubre. The time on my phone stops at 2 pm! Hanggang ngayon eh ganun pa rin ang oras sa cellphone ko.
Nakakaloka naman pala itong hotel na pinasukan ko. Magkano kaya ang ibinayad ni Levi dito?
The freaking hotel room was almost the same size as our house! Ang sarap humiga sa napakalambot na kama! Ang sarap magbabad sa bubble bath! And damn, those bath bombs were the bomb! Ang bango-bango, sobra!
I went out of the room at 7:30. still with my red silk pajamas, I went out because I need to speak with Levi about the cost of living in this luxurious hotel. I'll be forever broke if I stayed for another hour. Wala na nga akong pera, wala pa akong trabahong mapasukan if ever na ma-stuck ako dito.
I knocked on his door.
"Levi, ako to," I said hesitantly. Baka kasi may ibang taong nasa loob di ba?
Bumukas ang pinto saka lumabas si Levi na mukhang bagong ligo because of his damp semi-dry hair. "Let's go," he smiled.
We walked side by side then went inside the elevator. It's really awkward, kaming dalawa lang ang nasa loob kaya feeling ko ay ang bigat-bigat ng hangin sa loob nito.
"Where do you want to eat?" he asked.
"Uhm... Ano kasi... Wala akong pera--"
"Libre ko," he cuts me off again. "Don't worry, it's on me."
"Naku hindi, okay lang ako. Sanay akong hindi nag-a-almusal. Uhm... makikipag-usap lang sana ako sayo kasi may kailangan akong sabihin."
"Then we'll just talk about it after breakfast, okay?"
Okay. Mamaya ko na lang sasabihin. Mapilit kasi siya kaya hindi na ako nakatanggi. Pwedeng pwedeng maging sales agent to. Ano kaya ang trabaho nya? Nag-aaral pa kaya sya?
"Hindi ka kumakain ng fried chicken?" I know. It's breakfast time pero heavy meal na ang kinakain ko. I really hate to say this but, he asked me what I want! Fried chicken lang ang kilala kong pagkain sa menu ng restaurant na ito kaya iyon ang inorder ko. Hindi naman ako na-inform na isang bandehado pala ang serving non! Isa pa, hindi ako makapaniwala dito kay Levi. Ayaw n'yang kumain ng fried chicken.
Umiling-iling lang sya saka tinusok ang lettuce sa ceasar salad na kinakain n'ya.
"Wow. Ikaw ang kauna-unahang taong nakilala ko na hindi kumakain ng fried chicken," sabi ko saka muling kumagat sa hita ng manok na hawak ko. Ang sarap. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong lasa ng manok.
"Is it that good?" Itong si Levi, kahit nagsasalita lang sya lumalabas pa rin yung dimples nya. Ang pogi eh.
"D-E-L-I-C-I-O-U-S," sabi ko naman. "Bakit hindi ka kumakain ng fried chicken?"
"Just because," he shrugged.
"Allergic ka?" tanong ko ulit.
"My manage-My grandmother doesn't like the idea of me eating greasy foods."
YOU ARE READING
I'm In The Wattpad World?
RomantizmWattpad-Where stories live. Solar, a frustrated writer, was teleported to a world of fiction--the Wattpad World. She wonders why she was teleported to another world. There, she met the characters in her work on Wattpad and fell in love with the m...