JASPER's POV
Malapit na akong mag-18 at malapit na din kaming mag-isang taon ni Allaica at masasabi kong ang dami nang nagbago simula nung dumating sya sa buhay ko. Alam ko ding ayaw ni Mama sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.
flashback
"Ma, ano yun?" tanong ko pagkauwi ko ng bahay after ihatid si Allaica sa kanila.
"I don't like her." diretso at prangka nyang sabi na medyo kinagulat ko.
"Ma, ngayon lang ako nagpakilala ng girlfriend sa inyo, means seryoso ako. Kilalanin nyo muna sya bago nyo husgahan." inis na sagot ko.
"Basta ayoko sa kanya, Jasper Red!" seryosong sabi nya saka umalis.
-end-
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin yun dahil pakiramdam ko ay may ibang kahulugan. Mula nun, ay di ko na dinala si Allaica sa bahay dahil baka maoffend sya or madisappoint pag nalaman nyang ayaw ni Mama sa kanya.
"Babe, nakikinig ka ba?" natauhan ako ng bigla akong pitikin sa ilong ni Allaica.
"Ha? Ano ulit yun?" tanong ko sa kanya.
"Tanong ko, malapit ka na magbirthday, anong ganap? hehehe." Natatawang sabi nya.
"Wala. Ewan kay Mama. Pero kung ako tatanungin, gusto ko kasama ka lang maghapon sa araw na yun. Ayos na." nakangiting sabi ko at hinalikan sya sa pisngi, nakita ko pa ang bahagyang pamumula nito na ikinangiti ko.
"Sa inyo na lang tayo, maganda kung ipasyal mo ko sa inyo." nakangiting sabi nya, umaasa na o'oo ako. Haaaayyy.
"Sa birthday ko." yun na lang nasabi ko at ngumiti sa kanya.
Our relationship is fine and well. Konting tampo at away lang. She's my comfort sa mundo kong magulo.
Naalala ko noon, sakit sa ulo ako nang magulang ko. After she left, my world became miserable. Naging idol ko sa buhay si Tito Klein, pinsan ni Papa kasi ang cool nya, swabe, nakakasabay sya sa akin at parang tropa lang, naging strikto kasi sila Mama nun at pakiramdam ko, nasasakal ako. Nagrebelde din ako to the point na sumusuko na si Mama sakin, naala ko pa sagutan namin ni Papa nun
flashbacks
"Ano bang nangyayari sayo ha, Jasper Red! Sobra na tong kahihiyan na dinadala mo sa pamilyang to!!!" galit na sigaw ni Papa
"Ano bang pakielam mo ha! Mabuti pa si Tito Klein, chill lang, mayaman at binibigay lahat ng gusto ko!!!" pasigaw kong sagot
'PAAAAAAAAAAAAAKKKKK' malakas na sampal ni Mama sakin, sa gulat ko ay hindi agad ako nakabawi.
"WAG NA WAG MONG IKUKUMPARA ANG PAPA MO KAY TITO KLEIN MO DAHIL SOBRANG MAGKAIBA SILA!!!" galit na sigaw ni Mama at biglang tumalikod at tumakbo papuntang kwarto nila.
"Magulang mo kami kaya dinidisiplina ka namin, you're only 15 turning 16 at sinisira mo na buhay mo! You thought we're not rich enough? Dahil di namin binibigay gusto mo? Then you're wrong!" mahinahon ngunit may pait na sabi ni Papa.
Hindi ko alam pero gulong gulo ako sa nangyayari, kung may sama ba sila ng loob kay Tito Klein or sa akin.
-end of flashback-
Naalala ko pa after nung fight na yun, naging awkward na ang atmosphere sa bahay, ayokong lumabas ng kwarto at makipag-usap, pakiramdam ko maling mali ako nun. Nung 16th birthday ko ay pumunta kami sa province, only to know na sobrang yaman pala namin.
flashbacks
"WELCOME HOME" sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay mas bata ng kaunti kay Mama.
"Shaye, I miss you" bati ni Mama sa kanya sabay yakap, di ko sya kilala dahil ngayon lang ako nakapunta dito at hindi din nakwekwento ni Mama
"Kuya Cedie, long time no see ha" yakap nya kay Papa. at nung bumaling sya sakin
"eto na ba si Jared koooo, grabe ang laki mo na ah. At ang pangit. Haha. Mukha kang gangster! Sya sya, payakap naman dyan pamangkin!" nagulat ako sa sinabi nya, tinignan kk ng may pagtataka si Mama pero tumango lang sya sakin, so kapatid nya to. Tsss. Parang wala akong kaalam alam ah.
"Pasok na tayo, naghihintay na si Papa." masayang sabi ni Tita Shaye, actually may pagka'old style yung bahay with a touch of spanish designs pero may pagkamodern na yung iba.
Pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong ng matanda na nasa wheelchair."Pa, looking good ha." bati ni Papa sa kanya saka nagmano
"Pa." yun lang ang sinabi ni Mama at nagmano din
"Ikaw na ba ang apo ko?" ngiting sabi nya ng bumaling ito sa akin.
"Jasper, magmano ka sa lolo mo" seryosong sabi ni Mama sakin kung kaya't nagmano ako.
"Laki mo. Tara na sa hapag at ng makakain na, paniguradong pagod at gutom na kayo dahil sa byahe." sabi ni lolo.
Pagdating namin sa dining ay namangha ako sa laki at ganda nito.
"Bakit nga pala biglaan ang uwi nyo, Ate?" tanong ni Tita Shaye
"Birthday ngayon ni Jasper." walang ganang sagot ni Mama na pakiramdam ko ay may sama pa ng loob sa akin.
"Ayy talaga? Happy Birthday sa aking paboritong pamangkin!" nakangiting sabi ni Tita Shaye sa akin.
"Thank you po." tanging yun na lang ang nasabi ko.
"Sya lang naman pamangkin mo, Shaye" napapailing na sagot ni Mama.
"Bakit kasi di nyo pa dagdagan? Malaki na yan oh!" turo sa akin ni Tita shaye habang nakatingin ng nakakaloko sa magulang ko.
"Sya pa nga lang, masakit na sa ulo,dadagdagan ko pa." matalim ang tingin at galit na sagot ni Mama.
"eheeemm!" napatikhim si Lolo dahil parang may tensyon na sa pagitan namin ni mama. "Anastasia, ano ba talaga ang pinunta nyo dito bukod sa kaarawan nang aking apo?"
"Para ipakita sa kanya kung gaano tayo kayaman." walang ganang sagot ni Mama. Nagulat at di makapaniwala si Tita Shaye sa narinig.
"Bakit?" tanong ni Tita Shaye
"Kinukumpara nya ang buhay namin sa buhay nang Tito Klein nya eh." Seryosong napatingin si Mama sa akin.
"Cedie, anong masasabi mo dito?" tanong ni Lolo kay Papa.
"I think, its about time, Pa. Maybe pag nalaman nya is umayos sya sa buhay nya. Nagrerebelde sya dahil di daw namin binibigay mga gusto nya." sagot ni Papa. Napayuko ako dahil doon.
"Bweno, ipakita sa kanya lahat. Tawagan si Atty. Cerna" maotoridad na sabi ni Lolo.
Nang araw ding yun nalaman ko lahat at kung gaano kakilala ang pangalang BUENAVISTA sa mundo ng business at dahil yun kay Mama. Pakiramdam ko ay ang laking regalo nun sa birthday ko na malaman ang totoo sa pamilya ko at makilala ang Tita Shaye ko at Lolo ko o mas kilala nila bilang Don Anastacio
-end of flashback-
Kaya anghel ang turing ko kay Allaica dahil dumating sya nung panahon na kailangan ko ng direction sa buhay.
Sana nakilala ko si Allaica noon pa man baka sakaling hindi naging mahirap sa akin ang pag-alis nya.
BINABASA MO ANG
Colors of Memories
Teen FictionHow colorful love is when the memories are gray? How colorful memories are when the love is gone?