Chapter 4

0 0 0
                                    

JASPER'S POV

"18 ka na ngayon sabado ah. What's your plan?" Tanong ni Mama habang kumakain kami ng dinner

"Nothing. No grand party. No Boys Night Out. Just a special date with my special girl." Napapangiti kong sagot kay mama. Pero biglang nagbago ang kanyang mood sa sinabi ko.

"Special Girl, huh. Anyway - *kring kring*" naputol ang sasabihin ni Mama ng may biglang tumawag sa kanya. "Excuse me" sabi nya bago tumayo at sagutin ang tawag.

"Pa, how's life?" tanong ko kay Papa na busy sa pagkain nya.

"Life is good, son" natatawang sagot nya sa akin. Nagulat kami ng  nagmamadaling pumasok si Mama sa kusina.

"Cedie, let's go" sabi nito kay Papa.

"Nagmamadali ka ata, di naman tayo parehas ng papasukan ah" saad ni Papa na tila batang nabitin sa pagkain nitong napakasarap. Magkaiba sila ng pinapasukan dahil magkaibang business ang handle nila.

"Emergency! Kailangan nating umuwi kila daddy! Mamaya ko na ipapaliwanag! Sa kotse na lang basta halika na!" Hysterical na si Mama.

"Okay! Okay! Tara na!" Mabilis na tumayo si Daddy at dumiretso sa kwarto nila.

"You're not going to work?" Tanong ko kay Mama na busy sa kakatext habang hinihintay si Daddy.

"No" tipid na sagot nito sa akin.

"You're going to Lolo's?" pagkumpirma ko sa narinig ko kanina.

"Yes" tipid pa rin na sagot ni Mama. "But don't come" sabi nya hanggang sa makababa si Daddy at mabilis silang umalis ng bahay. Nagtataka man ay hindi ko na lang iyon pinansin.

Hindi ako nag-aaral, hindi dahil sa ayaw ko pero kasi hindi ko pa alam ang gusto ko ngayong college. Ayoko namang kumuha ng kurso na napipilitan lang ako, sayang tuition pag di ko natapos.

May pasok si Allaica ngayon kaya hindi din kami magkakasama. Bored na bored ako sa bahay kaya naisip kong magcheck na lang ng insta. Wala akong facebook dahil masyadong toxic dun, mas prefer ko ang Instagram.

Search

Nag-aalinlangan man ay sinearch ko pa rin sya dahil nais ko malaman kung kamusta na

CHELSEA JADE PATERSON

may lumabas na isang profile at sya nga base sa profile picture nito, agad kong clinick ito upang makita ang mga post nito.

@paterdaughter_cj
10 following    200 followers    1534 likes

Chineck ko ang following nya at nagulat ako dahil kasama ang mga magulang ko, si Tita Shaye at si Keyla doon. Ibig sabihin, nakakapag-usap pa rin sila. Ako lang ba ang hindi? Ang ganda pa rin nya. Dala nya talaga ang lahing meron sya at mas lalong nangibabaw ngayon. Napangiti ako habang nagscroll. Masaya sya at masaya ako dahil nakita kong masaya ka, Jade.

*Kring Kring*

Nagulat ako at napatitig sa screen bago ito sagutin.

"Ma?" tanong ko.

"Nak, di muna kami makakauwi ngayon ha. Dito muna kami magstay." sabi nito.

"Bakit Ma?" nagtataka kong tanong dahil alam kong hindi nakakatagal si mama doon.

"Basta. Kung gusto mong sumunod, sumunod ka pero bukas na kasi gabi na!" natatawang sagot ni mama

"Okay! Sunod ako bukas!" yun na lang nasabi ko at pinatay ang tawag. Inexit ko na din ang Instagram at nilapag sa side table bago tumayo at pumunta sa kusina.

*Kusina*

Habang kumakain ay di ko maiwasang hindi mapaisip kung bakit parang kami lang ata ni Jade ang wala ng connection sa isa't isa.
Muli ay binuksan ko ang phone ko at pumunta ulit sa Instagram kung saan nagpakita agad ang huli kong pinuntahan, ang profile ni Jade. Hindi ito nakaparivate kung kaya't malaya kong nakikita ang mga post nya.
Habang nagscroll ay may nakita akong post na may kasama syang lalake. Picture nila habang ang background ay city nightlight ng London, masaya sila dahil kitang kita ito sa laki ng mga ngiti nila. Parang after graduation ata nila to.

@paterdaughter_cj Enjoying the night with @paolo_kerrel. Congrats to us 💗

Matagal kong tinitigan ang pic na yun, may kirot sa puso na nakikita syang masaya na at nakaya nya ang buhay ng wala ako. Nang maramdaman kong naluha na ako ay inexit ko na ang instagram at napatitig bigla sa wallpaper ko na picture namin ni Allaica. Bigla ay natauhan ako.

Bakit kailangan ko pang maramdaman ang sakit gayong may iba na akong mahal? Bakit ang bilis lang sayo? Siguro nga, tama na. Hanggang dito na lang tayo.

Paalam, Jade. Sa pagpikit ko nang aking mata ay iiwanan ko na rin ang nakaraan sayo at pagmulat ng aking mata bukas ay asahan mong nakalimutan na kita at magsisimula ng masaya at bagong buhay na kasama si Allaica.

Colors of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon