Allaica's POV
Di naman lingid sa kaalaman ko na ayaw sa akin ni Tita Elle. Kilala ko sya at masasabi kong may alam din ako sa kanya. Ang kailangan lang ay maging maingat ako dahil alam kong iba ang pakiramdam nya sa akin. Nung dinner ay makahulugan ang binibigay nyang tingin na hindi ko maintindihan.
"Sa sabado na birthday mo, babe. Ano na plano mo?" tanong ko kay Jasper.
"Wala. Simpleng dinner lang sa bahay." sabi nya sa akin at ngumiti.
*beep beep* tunog bigla ng cellphone ko. Sabay kaming napatingin doon at kukunin na sana ni Jasper ngunit mabilis ko itong kinuha.
Pagkakita ko sa nagtext ay bumilis agad ang tibok ng puso ko, pigil na pigil ang kilig ko."Mukhang magandang balita yan ha. Ang saya mo eh." nagtatakang tanong ni Jasper.
"Ahh. Si Keyla. May topic na daw sa gagawin naming report." sagot ko. pakiramdam ko napakafake kong tao.
"Oh? Maganda yan. Matalino din naman si Keyla kaya siguradong magagawa nyo ng maayos yan." sagot ni Jasper, kababata nga pala nya si Keyla. Hays.
Hotel and Restaurant Management o HRM ang course namin ni Keyla. Di ko naman ineexpect na magiging classmate ko sya. Di ko to gusto, gusto nila to dahil sa business naming bakeries, restaurants and wines. Tsk. Di kami close ni Keyla, neutral lang. Wala din naman akong pake sa kanya. 1st year college pa lang kami sa isang university dito.
"Gaano mo kakilala si Keyla?" tanong ko bigla kay Jasper, ewan, pakiramdam ko magagamit ko yun sa takdang panahon
"Si Key? Ahh, nakasama namin sya nung 7 years old kami hanggang 15 years old. Madalas sya sa bahay dahil best friend sila ni...." napatigil ito na para bang iniisip kung sasabihin pa o hindi kaya nagtaka ako.
"Nino?" tanong ng may halong pagtataka dahil sa biglang pagbago ng mood nito.
"ni Jade" buntong hininga nitong sabi. "tapos masayahin sya, masipag, maalaga. Pero di kami talo ha, mas brusko nga lang yun sakin lalo na nung mga bata kami, akala ko nga lalaking tomboy eh. Hahaha" pagpapatuloy ni Jasper habang natatawa. Hmmm.
"Sino si Jade?" Tanong ko dahil parang may kakaiba sa pangalan na yun.
Napatingin sa akin si Jasper at hindi ako makapaniwala sa nakita ko sa mga mata nya. Pain.
Ex nya ba? Tanong ko sa isip ko.JASPER'S POV
Nakita ko ang pagbabago sa mood ni Allaica nang itanong nya kung sino si Jade.
Jade
"Sino si Jade?" tanong ni Allaica.
"Di ba may pupuntahan ka pa? Baka malate ka. Hatid na kita." pag-iiba ko ng usapan. saktong 3 pm na din.
"Oh! Shooot! Halla! Malelate na ako!" Hysterical na sabi ni Allaica.
"Hatid na kita para mas mabilis" suhestyon ko.
"Ha? Ano? Hindi na! Kaya ko. Saka baka matraffic pa tayo. Ako na lang" Natataranta nyang sabi na kinagulat ko. Ganun na lang ba sya kalate?
"Babe, alis na ko ha. I love you" sabay halik ni Allaica sa labi ko at sa isang iglap para syang naglaho bigla sa paningin ko. Parang nakaramdam bigla ako ng takot. Iiwan rin ba nya ko?

BINABASA MO ANG
Colors of Memories
Ficção AdolescenteHow colorful love is when the memories are gray? How colorful memories are when the love is gone?