Chapter 5

0 0 0
                                        

ELLE's POV

"Ano ba kasi nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Cedie sakin habang nagmamaneho. Papunta kami ngayon kila Daddy dahil sa nareceive kong tawag mula kay Shae, may bisita kaming imported.

"May dumating sa bahay, unexpected." sabi ko habang busy kakatext sa office at kay Shae.

"Sino?" tanong ng hubbybii ko.

"Si Chelsea" casual na sagot ko lamang.

"ANOOO?!" napapreno sya nang wala sa oras dahilan para muntik na kong masubsob buti na lang may seatbelt. Hays. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Oo. Umuwi mag-isa, hindi alam ang  address natin kaya kila daddy pumunta. Naglayas daw sabi ni Shaye" nag-aalala kong sagot sa kanya.

"Grabe naman layas nang batang yan, London to Philippines. Tsk." napapailing na lang na sabi ni Cedie at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Napatingin naman ako sa bintana at naalala kung paano ang batang yun ang nagbigay sigla sa anak namin. Napangiti ako ng kaunti pero agad ko ding binawi ng maalala kung gaano nasaktan at nagbago si Jasper nung umalis sya. Dating address lang namin ang alam nya which is sa bahay nila Daddy kaya di nya kami napuntahan. Hayyy. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip na maaari silang magkita ni Jasper. Sa lalim ng iniisip ko, di ko namalayang nakatulog pala ako at paggising ko nasa Hacienda na kami.

"ATEEEEEE!" sigaw ni Shaye na tuwang tuwa.

"Asan sya?" tanong ko agad sa kanya.

"Halika, nasa loob lang sya." sagot nya habang napabuntong hiningang tumingin sakin. "Si Jared?"

"Iniiwan namin pero baka pasunudin ko pag nagkausap na kami ni Chelsea" sagot, Jared ang nickname na binigay nya kay Jasper, shortcut daw nang Jasper Red. 😂😂

Dirediretso akong pumasok at nakita si Chelsea na nakaupo sa sofa, medyo nakatalikod pa sya samin kaya di ko sya masyadong makita pero ang laki na nya at natutuwa akong makita ulit sya.

"Seya!" tawag ko sakanya at mabilis naman syang lumingon sa gawi ko. Nakita ko pa ang bahagyang paglaki ng mga mata nya at pagngiti nya ng sobrang tamis.

"Mamaaaaa!" Tuwang tuwang sigaw nya habang mabilis na tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

"Ikaw bata ka ha! Anong ginagawa mo dito ha! Baka nag-aalala na si Clara at Joseph sayo! Nakuuu ka talaga!" sermon ko sa kanya habang nakayakap pa rin sya sakin.

"Mamaaa! Sorry!!!" Humihikbing sabi nya.

"Halika, maupo muna tayo saka natin pag-usapan yan. Kamusta ka naman?" tanong ko agad sa kanya habang naglalakad papapuntang sofa.

"Okay lang po, Ma. Namiss po kita." sabi nya na sobrang cute dahil sa may halong accent na ng London ang kanyang Tagalog. Natutuwa naman ako dahil di pa rin nya nakakalimutan mag-Tagalog.

"Namiss din kita. Sabihin mo, anong problema? Bakit ka umuwi mag-isa?" tanong ko sa kanya at napayuko na lang sya habang nilalaro ang mga daliri.

"Hindi mo ba yayakapin si Papa, Seya?" halos sabay kaming lumingon sa likuran ko ng marining namin ang boses ni Cedie. Tsk. Kita na ngang seryoso kami eh. Hahaha.

"Papaaaa!" biglang tayo ni Chelsea at niyakap si Cedie. Nakangiti akong pinagmasdan sila, parang dati lang.

"Oh tama na yan! Mag-eexplain pa yang bata. Oh ano na Seya? Magsabi ka na!" strikto ngunit may bahid ng pag-aalala kong sabi sa kanya.
Nakita ko naman syang umupo sa harap ko at napayuko ulit.

"Si mommy at daddy po kasi, balak akong i-arrange marriage sa anak nang business partner nila. Ayoko po kaya lumayas po ako." naiiyak na sagot nya.

"Ano? Hayy. Paano na ngayon yan? Magpahinga ka na sa kwarto mo at tatawagan ko muna magulang mo." sagot ko na lang.

"sige po" sabi nya at dali daling umakyat sa kwarto nya. May sarili syang kwarto dito sa mansion dahil nga sa naging bahay nya din ito nung mga bata pa sila ni Jasper. Halos dito na tumira yung batang yun kaya pinagawaan ni Dad ng kwarto nya. Tapos kaya Seya naman kasi yun ang madalas itawag ni Dad sa kanya bilang panunukso, Chelseya (Chelsea) kaya naging Seya. Napabuntong hininga muna ako bago kinuha yung cellphone ko at lumabas.

Nakailang ring pa bago may sumagot.

"Paterson's residence, how may I help you?"

"Can I speak to Mrs. Clara Marie Paterson?" sagot ko.

"Just wait for a second." naghintay pa ko hanggang sa may sumagot ulit.

"This is Mrs. Paterson, how may I help you?"

"This is Mrs. Elle Anastasia Buenavista, and I can help you." pang-aasar na sabi ko kay Clara.

"Tsk. How are you?" naiimagine kong nakangisi sya ngayon, walang pinagbago. Haha.

"I'm fine and I know you're not. Haha" natatawa kong sabi.

"Hmm. She's there, right?"

"Yes. Bakit nyo naman kasi ipapakasal yung bata? Tsk" naiiling kong sabi.

"Pag-usapan natin pagbalik namin dyan para sunduin sya, for now, pakialagaan muna sya, siguro mga 1 week, okay ba yun sa inyo, Elle?" rinig ko sa tinig ni Clara ang pagsusumamo.

"Oo naman, no prob. Ingat kayo dyan. See you." at binaba ko na ang tawag.

Sunod kong tinawagan si Jasper.

"Ma?" bungad nya.

"Nak, di muna kami makakauwi ngayon ha. Dito muna kami magstay." sabi ko na alam kong kinabigla nya dahil medyo matagal ito bago nakasagot.

"Bakit Ma?" nagtataka nitong tanong dahil alam nya na hindi ako nakakatagal dito. Hayy.

"Basta. Kung gusto mong sumunod, sumunod ka pero bukas na kasi gabi na!" natatawang sagot ko na lang.

"Okay! Sunod ako bukas!" yun na lang nasabi nya at pinatay ang tawag.

Napabunting hininga na lang ako habang nakatingin sa mansion.

Magkikita na sila...

CHELSEA's POV

Napatitig ako sa kwarto ko dito sa mansion, walang nagbago, ganun pa rin. Lilo and Stitch pa rin. Haha. Napatitig ako sa picture frame sa may bedside table, kinuha ko yun at napangiti. Red sabi ko habang hinahaplos ang kanyang picture. Hindi ko alam kung magkikita kami pero sana magkita pa rin kami.
This room bring back so many memories. Ang mga pinakamasayng moments sa buhay ko.

This time kaya pwede pa?
I will not let you go kung may chance pa.
Hinintay mo kaya ako gaya ng sabi mo?
Jasper Red, andito na ulit ako.

-------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Colors of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon