Chapter 1

2 0 0
                                        

Jasper's POV

"Ma! Alis na ako" sigaw ko habang nakatayo sa harap ng kwarto ng parents ko.

17 years old na ako and I hate it kapag nagpapaalam pa ako. Tsk. Hinintay ko muna magbukas ang pinto bago umalis pero 5 mins at wala pa ring nagbubukas. Inis akong umalis sa harap nun at nagsimula ng lumayo. Pupuntahan ko pa tropa ko at may ipapakilala daw na chikabebot! Sana lang maganda kasi yung huli parang ewan lang. Hahaha. Napapailing akong naalala yung huling pinakilala nila sa akin.
Pagkalabas ko ng bahay ay kinuha ko na agad ang susi ng kotse ko, yes may kotse ako at may student driver's license ako kaya hindi mahirap sa akin ang magliwaliw.
Pagkarating ko sa tambayan namin ay agad bumungad sa akin ang amoy ng sigarilyo at alak, tsk, ang aga aga.

"Von" tawag ko, napatingin naman siya sa akin at agad akong binati.

"Jas, buti nakarating ka. Akala ko di ka papayagan ng mommy mo! Hahaha" Malakas na tawa nya sabay alok sa akin ng beer can.

"San na?" tanong ko habang nakangisi na binubuksan ang beer can, napapailing na lang si Von habang ang iba naming kasama ay busy sa sari-sariling mundo. Umupo ako sa couch habang pinagmamasdan ang lahat, si Eric at Tony na naglalaro ng billiards, si Josh na may kalandiang babae, si Neo at Clint na naglalaro ng ML at si Von na naglalakad palapit sa akin at may kasamang babae na nakasunod dito. Pinanood ko lang sila hangga't sa makalapit sila.

"Jasper, si Allaica, tropa nung bago ni Josh. Allaica, si Jasper" pagpapakilala ni Von sa amin, agad naman akong nakipagshakehands sa kanya. Maganda, sexy at mukhang mahinhin, yan ang tingin ko sa kanya dahil sa panay ngiti lang sya at di masyadong nagsasalita. Tsk. Boring!

"Von, alis na ko, may pupuntahan pa ko" paalam ko kay von saka tumayo at naglakad na palabas.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay di ko maiwasang hindi isipin, kamusta na kaya sya, wala pa ring tatalo sa kanya, sya pa rin talaga...

"Anak ka nang -" Bigla akong natauhan ng biglang may kumatok sa bintana ko at pagtingin ko ay isang nakangiting Allaica ang nakita ko. Napatitig at nakaramdam ako ng kakaiba sa ngiting nyang yun pero binalewala ko na lang at binuksan ang bintana ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Pauwi ka na? Pasabay sana ako kahit sa bayan lang" nakangiting tugon nya sa akin.

"San ka ba? Hatid na lang kita" bilang isang gentleman na gwapong binatang katulad ko ay di ko hahayaang umuwi mag-isa ang napakagandang binibining ito. (Ano ba yan ang cornyyy)

"Sa Villa Fiorello ako." saad nya ng nakayuko

"Sabay ka na." sabi ko at binuksan ang pinto sa may shotgun seat.
Villa Fiorello, huh. Tsk. Bigatin pala to.

Di ko alam na doon pala magsisimula ang love story namin. Naging magaan ang loob namin sa isa't isa. Hanggang sa niligawan ko na sya. Unti unti akong nagbago para sa kanya, pag-aaral at sya na lang ang focus ko. Di ko na masyadong nakakasama sila Von, hindi dahil ayaw nya kundi dahil ayaw kong madisappoint siya sa akin.

After 6 months

"Ipapakilala na kita sa magulang ko" sabi ko bigla habang nakaupo kami sa maliit na park dito sa bayan.

"Sigurado ka na ba?" tanong nya habang nakasandal sa balikat ko at  nakatingin sa mga kamay naming magkaholding hands.

"Oo naman, mamaya, sa bahay ka magdinner." sabi ko at nakangiting tumango na lang sya bilang tugon.

Hinatid ko muna sya sa kanila upang makapagpalit bago kami pumunta sa bahay. Habang hinihintay sya ay di ko mapigilang hindi ngumiti habang nakatitig sa high school diploma na nakasabit sa dingding, Allaica Venice Fiorello Soberano, graduate sya sa isang school sa Italy, napatingin naman ako sa isang diploma, Mattheo Mierco Fiorello, alam kong eto yung kinekwento nyang pinsan nya kaya hindi na ako nagtanong pa. Maya maya ay nakita ko na siyang pababa ng hagdan at talagang napakaganda nya.

"Let's go, mi lady?" tanong ko at yumuko pa upang magbigay galang na sya naman ikinatawa nya.

"Sira ka. Hahaha. Tara na. Malapit na mag-6pm" tumatawang sabi nya.

"Ang ganda ganda mo kasi eh." nakangiting sambit ko saka sya hinila at niyakap, nakabackhug tuloy ako sa kanya. Ang bango nya. "Ang swerte ko at nakilala kita. Mahal kita." bulong ko sa kanya saka sya marahang hinarap sa akin.

"Mahal din kita" nakangiting sabi nya kung kaya't hinila ko ang bewang nya papalapit sa akin hanggang sa mahalikan ko ang labi nya.

"Tara na nga!" sabi nya ng bumitaw sya sa halikan namin. Hahaha. Namumula pa sya kung kaya't natutuwa talaga ako sa kanya.

Pinagbuksan ko sya ng pinto at sumakay na din, nagdrive lang ako papunta sa bahay. Nang makarating ay agad kong binigay kay Tito Albert ang susi, sya ang matagal nang driver ng pamilya at tatay ni Keyla.

Saktong pagpasok namin sa bahay ay naghahanda na sila for dinner, pinaupo ko muna si Allaica sa living room at nagpaalam na magpapalit lang sandali.

Saktong pagbaba ko ay nakahanda na ang dinner kung kaya't niyaya ko na si Allaica sa dining namin. Nakaupo na kami doon ng dumating si Mama at Papa. Tinignan ako ni Mama at saka nya tinignan si Allaica. Nakita ko naman na napayuko na napaiwas si Allaica kung kaya't nagsalita na ako.

"Ma, Pa, this is Allaica Fiorello, my girlfriend, Allaica, my parents." pagpapakilala ko.

"Good evening po" bati ni Allaica sa kanila at ngumiti ng nahihiya.

"Good evening hija. Just call me Tita Elle" sabay ngiti ni mama at nagbeso beso sila.

"Tito Cedie, nice to meet you, hija." nakangiting bati ni Papa at nakipagshakehands.

"So, let's eat" yaya sa amin ni mama. kaya sabay sabay kaming umupo na.

"So, how are you related to Amanda Fiorello?" Bigla tanong ni Mama habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

"She's my mom po" sagot naman ni Allaica

"Oh? Really? She's a good friend of mine. How is she?" tuwang tuwa na tanong ni Mama.

"She's fine naman po. She's taking care of our family businesses together with dad." maayos na sagot ni Allaica

"Miguel? Miguel Soberano?" nagtatanong na tanong ni Mama.

"Opo. Paano nyo po nakilala parents ko?" nagtatakang tanong ni Allaica na maski ako ay nagtataka ding napatingin sa Mama ko.

"Highschool friends kasi kami." nakangiting sagot ni Mama.
"btw, bakit di mo gamit ang Soberano, I mean, alam kong kinasal naman ang parents mo, right?" dagdag na tanong ni Mama.

"My grandparents told me na whenever magpapakilala ako, I will always use Fiorello po." sagot ni Allaica na bumuntong hininga pagkatapos, doon ko napagtanto kung bakit ganon na lang kahaba ang pangalan nya sa diploma nya.

"I see, buti okay lang kay Miguel. Oh! That man! He's kind and respectful nga pala." dad told us habang napapailing.

After namin kumain ay nagpaalam na kami na ihahatid ko na si Allaica.

"Thank you po sa dinner, Tita. Mauna na po kami. Natutuwa po akong nakilala ko kayo." saad ni Allaica habang nakangiti.

"No worries, hija. Thank you for making my son's life better than before." nakangiting sabi ni mama.

"Alis na kami, Ma, Pa." sabi ko

"Be back, Jasper, ASAP." seryosong nakatingin si Mama sakin habamg sinasabi yun.

Tumango lang ako bilang tugon. Di ko maipaliwanag pero pakiramdam ko may iba. Bahala na.

Elle's POV

Sa unang tingin ko kay Allaica, alam kong hindi magiging maganda relasyon nila, hindi sa kilala ko nanay nya pero may pakiramdam akong iba sa batang yun.

Masasaktan ang anak ko.

Colors of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon