Chapter 9

5 2 0
                                    

“Envy is an illusion. When something good happens to someone else it takes nothing away from you.”

ARRA

Lutang ang isip kong pumasok sa cafeteria ng D.H.U kasunod nila Athena, Fionna at Julian.

Kung bakit kasama namin si Julian ngayon ay dahil saktong nasa likuran namin siya noong mangyaring banggain kami ng ilang estudyante kanina sa hallway. Nandito raw siya para mag-enroll.

Pagpasok pa lang sa loob ay sinalubong na agad kami ng parang pinagsamang amoy sa loob ng bakery at coffee shop. Makintab ang floor gano’n din sa dingding na kahit sino’y puwede nang gawing salamin iyon. Tahimik lang akong sumusunod sa kanila hanggang sa tumigil kami sa isang bakanteng lamesa. May pagka-minimalist ang kabuuan ng cafeteria, at malawak din ito dahil sakop ang buong first floor ng building.

Pumunta na si Julian at Fionna sa pila para bumili ng pagkain namin habang naiwan naman kami ni Athena sa table.

I roamed my eyes to the whole place to search for them but I was just dissapointed. I wasn’t sure if it was him pero bakit kasama niya si kuya?

“Bessy, kanina ka pa lutang, ah. May problema ba?” Athena snap away my thoughts.

I just shrugged.

“Nah, nothing.”

“Eh sinong hinahanap mo? Sina Kuya Hope ba?” she asked.

“Yeah,” tipid kong sagot.

Tumingin siya sa paligid saka umayos ng upo. “Right. Sila nga ‘yong dumaan kanina kasama ang mga kaibigan niya. Wala sila dito kaya baka nasa second floor sila.”

“Second floor?” I wondered. Malawak naman na ang cafeteria dito, bakit may second floor pa?

“Yeap. Sa second floor. Para sa mga may connections lang ang puwedeng pumunta roon kung gusto nila ng tahimik na break time. You see, medyo maingay na kasi dito kapag pasukan na talaga. Maraming estudyante.”

Napaisip ako kung anong ibig niyang sabihin doon. Maporma at guwapo naman ang mga kasama ni kuya ‘tsaka famous kaya halatang-halata na richkid sila.

“Ang ibig mo bang sabihin mga mayayaman lang ang puwedeng pumunta diyan?” turo ko sa itaas.

“Bingo,” she said. “Kumbaga sila ‘yong nasa class A tapos tayo ‘yong class B. VIP and nobody. Special and regular. Authentic and counterfeit. Ganern. Lagi tayong pangalawa. Lahat ng makikita mo dito gumagalaw dahil sa pera na nanggagaling sa bulsa ng mga magulang nila. Kapit na kapit sa administration. Pero nasasanay na lang ang mga estudyante. At least hindi umaabot sa point na pati grado nila pera-pera na lang.”

I nodded understandingly. But it was still unfair. And my brother? As far as I know, my family weren’t in high class status to have this connections. Tanging ang Paraiso Perdido Resort lang ang business na meron kami at hindi naman ‘yon gaano kalaki tulad ng mga ibang business sa industriya. Si Papa doktor nga sa ibang bansa pero ‘yong perang nasi-save niya binibigay niya lahat sa treatment and medication ko.

“Eh bakit si Kuya Hope?” tanong ko sa kanya. “Hindi naman kami gano’n kayaman para ma-afford ang private space keme niya diyan. Isa pa, alam kaya ‘yon nila Papa?”

Tumawa lang siya at nilapit ang mukha sa akin. Para siguro hindi marinig ng mga estudyanteng naririto kung sino at ano ang pinag-uusapan namin. Then she started to elaborate things.

“This university is owned by one of his friend’s family, si Dylan Dannison. At ‘yong mga magulang kasi ng mga kaibigan niya ay board member ng school. Iyon ang alam ko. ‘Tsaka may usap-usapan na nagtatrabaho sa NBI ang mga tatay nila at talaga namang may mga sari-sariling business. Kaya malamang sa malamang dahil iyon sa mga kaibigan niya kaya siya nakakapunta riyan. So I doubt if you’re parents know about it.”

THAT MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon