Chapter 35

9 0 0
                                    

“Tears are words the heart can't express. When we are hurting, when we are happy, when we are sorry, when everything becomes hard... Our tears says it all.” — LL

ARRA

HINDI ko alam kung paano ko nakakausap at nahaharap ang pamilya ko sa mga araw na dumaraan. Ni isang paliwanag nila wala akong pinakinggan. Ni hindi ko sila matapunan ng tingin. Ilang araw na rin akong nagbibingi-bingihan at hinayan ang sarili kong mabulag sa reyalidad.

Yes, I still go to school and hang out with my friends. I haven't told them yet that I'm not a real Laxamana because I know it'll be hurt again. So I laughed with them, pretending to be fine. And at the end of the day, there comes loneliness.

Akala ko gawa-gawa lang 'yong mga gano'n. Iyong bang masaya ka naman kapag kasama mo ang mga kaibigan mo, pero kapag mag-isa ka na lang biglang susumpong ang kalungkutan. Now I know how it feels.

It was a time of great loneliness. And we're all lonely for something we don't know we're lonely for.

Isabay pa ang ulan na bumubuhos ngayon na tila sumasabay sa pagdaramdam ko.

“OMG. Wala akong dalang payong,” napapakamot na usal ni Athena sa tabi ko.

Kinalkal ko naman ang bag ko at napabuntong-hininga na lang nang hindi ko makita ang payong ko roon.

“Sorry, guys. Hindi ko rin nadala ang payong ko,” walang buhay kong sabi sa dalawa.

Tumingin kami pareho ni Athena kay Fionna pero agad niya kaming binigyan ng sagot sa paraan pa lang ng pagtitig niya.

“Don't look at me like that. Simula ba pagkabata ko nakita niyo na akong nagdala ng payong?” Humawak siya sa baywang at nagsimulang humalakhak.

Wala kaming nagawa ni Athena kung ‘di ang mapailing na lang. Minsan nakakainis na rin ang halakhak niya.

Baliw talaga.

Sa asar ko ay nilipat ko na lang ang atensyon ko sa mga estudyanteng nagdaraan sa harap namin.

Kung mamalasin ka naman, mga kaibigan pa ni Kuya Hope ang pasalubong sa amin ngayon.

Everyone knows the real personality of the so called Seven Shadows, or should I say, Monster Extreme? I don't know. Naririnig ko lang naman kasi 'yon sa mga estudyante sa loob at labas ng DHU. At dahil na rin sa kadaldalan at pagiging tsismosa ni Fionna, marami akong nalalaman tungkol sa kanila at wala na akong pakialam doon. Simula noon, iniwasan ko na silang lahat. Miski si Bladdemir o sino sa kanila.

Alam 'yon ng mga kaibigan ko kaya sa tuwing nariyan ang pito, sila pa ang gagawa ng paraan para hindi ko sila makita.

But this time hindi na ako makakaiwas dahil sa hindi ko inaasahan ay kasama nila ngayon si Maegan at Richie na mabilis na lumapit sa akin.

“Arra. We're glad to see you here. How are you? We're still okay naman, right?” masiglang bati sa akin ni Maegan kasabay ang pagsibol ng ngiti sa maamo niyang mukha.

I really can't believe that this two dazzling lady in front of me is actually a gangster.

“Uhm. Hope said you already know.” Richie held both of my hands. Napatingin naman ako roon. “And I hope we're still friends. You see... Even if we are the bad ass person you have ever met, we are human, too. I know you might see in us the “trouble maker” vibes, just like now, but that doesn't change the fact that we are friends.”

Humakbang pa lalo si Maegan palapit sa'kin. “Galit ka ba sa amin? Why are you avoiding us everytime we're near you? Is there something wrong? Just tell us, Arra. Anything to makeup with you.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon