Chapter 34

7 0 0
                                    

“The truth may hurt for a little while, but a lie hurts forever.”



ARRA

OUR midterm exam ended quickly as I imagined. Walang araw rin akong hindi tumigil sa paghahanap ng kwintas ko. I don't want to give up, yet my body is still weak. Tumulong na rin si Bladdemir sa paghahanap after seeing us the other day sa field na naghahanap.

“I'm sorry for dragging you guys here,” paumanhin ko sa kanilang lahat. Eksaktong dumating ang dalawang lalaki na may dalang tubig. “Tama na 'to. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko, nadamay pa kayo.”

“Wala kang dapat ipag-alala sa amin, bessy. Ginusto rin naman naming tulungan ka,” tapik ni Fionna sa balikat ko.

Dumako ang tingin ko kay Bladdemir.
“Yeah. It's my pleasure to help, too. And you said it's a very important thing to you. So I really wanted to help.”

Pagkatapos naming magpahinga ay bumalik na kami sa mga classroom namin. Si Michael lang ang kasama kong bumalik dahil sumabay na si Athena sa mga kaklase niya at may kailangan pang asikasuhin si Fionna sa Student Council kasama si Julian. Sa tingin ko may something na ang dalawa, e. Ayaw lang nilang aminin o sabihin.

Sa kabilang banda, pansin kong lahat ng estudyante ay nakatingin sa gawi namin. Pakiramdam ko tuloy isa sa amin ni Michael ang pinagtsi-tsismisan.

“Don't mind them,” anas ni Michael.

“I don't,” bulong ko pabalik.

“You just did,” aniya at binilisan pa lalo ang paglalakad.

“Huy! Hintayin mo ako!”

Ang loko nang-iiwan!

Pagkapasok ko sa room namin lumipat si Michael sa upuan ni Fionna. Napabuga ako ng hangin nang tumawa lang ang loko. Pati ugali niya sa San Francisco dinala niya rito. Haist.

I was half way to my seat when MJ and Leniolyn blocked my way.

“Arra, totoo ba? Gangster daw ang kuya mo?”

Napaatras ako dahil sa biglaang tanong ni MJ.

“Oo nga,” Leniolyn said. “Narinig lang namin sa kabilang section. Pinag-uusapan 'yong mga kaibigan ng kuya mo.”

“Totoo ba?”

“Ha? Gangster? Pinagsasabi niyo?” I asked in confusion.

Hindi ko alam ang pinagsasabi nila. Bakit naman magiging gangster si Kuya Hope? Is this a joke?

“H-hindi mo alam?” tanong ni MJ na mas lalong nagpakunot ng aking noo.

“Ang alin?”

“Girls, go back to your seats.” Lumingon ako sa nagsalita at 'yon ay si Michael na nasa likuran na ng dalawa.

“Ah eh. They have new friends daw and they are all gangster. You know the girl, Maegan, right? Tapos 'yong ibang foreign students na kaibigan niya,” salaysay ni Leniolyn na napapakamot pa sa batok niya.

“What are you talking about?” Napakamot na lang ako sa noo sa nga pinagsasabi nila. “H-hindi ko kayo gets.”

“So hindi mo talaga alam...”

I turned to Michael.

“May alam ko ba rito? Can someone explain this to me clearly?” I asked Michael. He sighed and nodded eventually.

“I know, but I think I'm not in the position to explain,” aniya.

I really don't get it. Gangster? New friends ni kuya? Si Kuya Hope? Hindi ko pa nga mahagilap si kuya for the past few days tapos may issue siya ngayon. Sana naman hindi totoo ang mga sinasabi nila. Dahil kung oo, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.

THAT MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon