kabanata 2

1 0 0
                                    

Kabanata 2:Kutsara
RedLavender_0403




Nagpagulong-gulong na ako sa kama ko dahil sa sobrang saya. Di ako nakapaniwala sa nangyari sa akin kanina. Medyo napagod lang ako dahil sa pagtakbo pero worth it naman.

Napapayag ko siya na magdate kami. Hinamon ko siya na kaya ko siya pagustuhin sa akin sa loob lang ng isang buwan but he only gave me two weeks kaya kailangan kong pag-isipang mabuti ano dapat ang gagawin ko.


Bumangon ako mula sa kama at pumunta sa study table ko. (Di naman ako nags-study.) Kinuha ko iyong notebook na di ko ginagamit. Gagamitin ko na lamang ito para isulat lahat ng plano ko.

My list:

1. Go on a date. (We only have two weekends kaya after school nalang.)
2. He loves studying, kaya mag-aaral na din ako.
3. Ipakilala sa parents ko. (A good idea!)
4.Mag post sa social media ko.

After those, naisip ko ano nga ba ang mga gusto niya gawin?  Tatanungin ko nalang muna siya. Baka may gusto siya gawin. And I am pretty sure na may mga naging girlfriend na siya kaya alam na niya ang gagawin.


Maaga pa ako nagising at nag-ayos. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa kakaibang excitement na nararamdaman ko. Kaya pala gustong-gusto nina Gwen at Agatha na magkaroon ng boyfriend dahil pala dito. It gives you a super max excitement.


Di tulad ng mga nakaraang araw. Naroon na siya kahit na pakiramdam ko maaga pa ako ngayon. Pagkapasok ko palang ay nakatitig na siya agad sa akin. Our eyes met. Kumaway ako at sobrang laki ng ngiti ko. But this guy is really snob! Di man lang siya ngumiti.



"Good morning..." Masaya kong bati ng nakalapit na sa kanya.

"Morning..." Tamad niyang sagot. Nang umupo na ako ay bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya.

"Where are you going?" Agap kong tanong.

Tumingin siya sa akin. "Bathroom." Simpleng sagot niya.  Tumango ako at ngumiti. Umiiling siya habang paalis.



Pagkaalis niya ay inayos ko iyong mga libro na dinala ko. Nagdala ako ng libro ngayon kahit di ko naman gawain ito noon. I am willing to change just for him. Para di na siya itambal ng mga tao kay Jessica. Siya ang top one namin simula noong elementary pa kami.


"Ano iyan?" Si Gwen lumapit kasama si Agatha.


"Libro." Simpleng sagot ko.

"Para sa?" Naguguluhang tanong nila.

Tiningnan ko ang dalawa. Naiintindihan ko naman na di nila magets iyan kase di sila iyong inlove.

"Mag-aaral na ako..." Masaya kong sinabi.

"Wow! As in? Hanggang kailan?" Natatawang sabi ni Agatha.

"May pinapasikatan iyan!" Si Gwen naman.

"Ako!" Sumulpot si Bryan sa likuran ng dalawa.

Sabay kaming umirap na tatlo sa sinabi niya. Tumingin siya sa amin, tapos sa libro ko. Kinuha niya ito.

"Ohh..." Nilagay niya sa dibdib niya ang libro at tumingin sa akin. "Na touch ako. But baby, you don't need to study. Mamahalin parin kita-"

"Haysss!!!! Tumigil ka nga Bryan! Nakakadiri ka!" Si Agatha na inis na inis.

"Why? Nakita niyo naman oh. Handa na siya magbago para sa akin!" Proud niyang sinabi. "Sasagutin mo na ba ako?" Baling niya naman sa akin.

Inirapan ko siya. "Sagutin mo mukha mo!" Si Gwen sabay hampas sa ulo ni Bryan.

Just two weeks (Time Of Luv Series 1)Where stories live. Discover now