kabanata 5

1 0 0
                                    

Kabanata 5:Grabbing...
RedLavender_0403


"Jenn! Bilis na hapunan na." Si mom sa baba.

Katatapos ko lang magbihis. Nahirapan pa ako sa pagpili ng damit. How I wish na dapat marami akong dinalang damit. Ngayong okay na kaming dalawa ni Klein at okay narin sa mga magulang namin. Were officially together!

Bumaba na ako. With my excited heart pumunta agad ako sa hapag. Si Ben palang ang naroon. Saan si Klein?

"Ben, si Klein?" Naunahan ako tita.

"Nasa taas, may kausap sa telepono." Si Ben habang kumakain ng kamote, hula ko pang desert ata.

"Tawagin mo nalang para makakain na tayo."

"Okay..." Si Ben saka tumingin sa akin. "...kunin mo daw boyfriend mo." Nakangiti niyang utas.

Kinunutan ko siya ng noo. "Ikaw yong inutusan-"

"Ikaw na. Wag kana magpanggap na ayaw mo." Tumawa pa ang gago. Pagkatapos noon ay iniwan niya ako, pumunta siya sa sala at nanood doon ng tv.

Umiiling na lang ako. Siya yong inutusan ah. Ano akala niya sa akin? Utusan niya? Haysss!!!

Ano ba naman iyan? Oh di ba? Maganda iyon? Kase makakapunta ulit ako sa kwarto ni Klein? Hayyss!!! Jennie! Pull yourself together!

Mabilis akong umakyat at pumunta sa kwarto niya. Kumatok ako pero di niya sinagot. Binuksan ko nalang ito, di naman nakalock. Nakita niya agad ako pagkapasokk ko. May katawagan parin siya sa cellphone niya.

"Yes, I'll be there by the end of this semester. "

"Kain na daw..." Bulong sabay senyas ko sa kanya.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinila niya ako sa beywang para mapalapit sa kanya ang katawan ko. Nagwawala na naman ang puso ko.

"Uh-huh, okay..." Sabi niya sa kausap habang hawak ako.

Napapalunok na lamang ako dahil pakiramdam ko normal lang sa kanya ang ginawa niya samantala heto ako, di mapakali sa hawak niya. .

"Yes Jack, by the way..." Tiningnan niya ako "...can you open your cam, I am here with my girlfriend." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Wait- what?" Sabi ng kausap niya sa kabilang linya na kahit di naman naka speaker ay dinig na dinig ko.

Nanlaki ang mga mata ko pero bago pa ako naka react ay pinaharap niya na sa akin ang camera. Isang lalaki ang nasa kabilang linya.

"Hey there? You are his girl?"

"Say hi to my brother." Aniya ng di ako nakapagsalita.

Kinagat ko ang labi ko. Ngumiti na lamang ako.

"Hi. I am Jennie..." Tiningnan ko si Klein, should I say his girlfriend?

"So did my brother force you to date him?" Natatawa niyang tanong.

Natawa ako doon because its way opposite. I am the one who forced him to date me.

"That's enough. I'll call you." Si Klein at binaba ang tawag.

Tiningnan ko siya. Ngayon, may nakikita na ako na pagkapareho niya sa pamilya niya. He is his brother. Kaya halos magkamukha nga sila. Pero sabi nila na stepbrother niya iyon, maybe dahil sabay silang lumaki kaya nagkaganon?

"Let's go?" Siya at hinila ako palabas ng kwarto niya.

Naglakad kami habang hawak niya iyong kamay ko. Nang malapit na kami sa baba ay tinanggal ko ang kamay ko sa kamay niya at nauna na maglakad. Di ko na siya nilingon pa.

Just two weeks (Time Of Luv Series 1)Where stories live. Discover now