CHAPTER 9: Right and Wrong

10 4 10
                                    

Lola Danny's POV

(9)
———


Hawak ang photo album at dalisay na nakaupo sa veranda tanaw ang lumubog na araw, dahil sa pagod at mga napuntahang meeting sa barangay at palaro doon. Kanina pa ako nakauwi at hihintay na lamang sina Caleb at Vera na inatasan kong pumaroon sa palengke upang mamili para sa hapunan— pero ang mga batang iyon, hindi pa nakakauwi.

Ilang buwan na rin ang lumipas simula noong dumating ang apo kong si Calvin— ay este, Caleb.

Hindi man naging madali ang pag-amin ng anak kong si Jessa ang patungkol sa pakikipagrelasyon niya sa Amerikano, ay malugod kong tinanggap ang bunga ng kaniyang mga desisyon sa buhay; ang nag-iisa nitong binatang anak sa banyagang nakahulugan niya ng loob. Matagal niyang itinago ang lahat. Umabot nang mag-dose anyos ang apo ko saka niya isiniwalat, buhat ng takot niyang itakwil ko siya kasama ang anak nito.

Kagaya ng sinabi ko, hindi nga madali ang lahat. Pero, namayani sa akin ang pang-unawa at pagmamahal sa mga anak ko. Sa huli, pagmamahal lang din ang mananaig.

Sa kabilang dako, si Vera naman ay nakasanayan nang paglalakwatsa rito sa bahay maging siya ay bata pa man. Dahil sa likas siyang bibo na namana niya sa ama niyang minsang nanligaw sa anak kong si Isabel.

Noon pa man, malapit na talaga ang puso ko kay Verana— este Vera, dahil malapit na talaga ang puso ko sa kaniya noong bata pa man siya.

Pero ngayong nagdalaga na siya, nakikita ko ang pagbabago sa kaniya. Ang dating siglang pagpunta niya ay napalitan at nalagyan ng kaunting lungkot na hindi niya maipagkakaila. Sa kadahilanang, hindi ganoon naging maganda ang pagsasama ng dalawa niyang magulang at sa huli ay humantong sa hiwalayan.

Masiyado na akong chismosa kung pati buhay ni Arvi— este, Vera ay isisiwalat ko pa.

Tama na muna riyan sa mahaba-habang panimula bilang pampahaba sa monlogue ko.

Dahil sa paghihintay ay kung saan-saan napapadapad ang isipan ko.

Tumunog ang selpon ko at kaagad na binuksan ang mensaheng may mahabang numero.

[Jessa: Nay, sana maayos kayo riyan sa Pinas.]

Ang mensahe ng Mama ni Albin— este Caleb. Bumuntong-hininga ako at muling natauhan sa tagal ng paghihintay sa dalawang binata at dalaga.

“Nasaan na kaya mga iyon?” bulong ko sa sarili habang nag-aalala na sa kanila dahil sa nagsisitunugan na ang mga kuliglig sa paligid at wala pa rin sila.

Muling umihip ang hangin na siyang nagpapawi sa aking malalim na iniisip at pag-aalala. Tuluyang binalot ng kadiliman ang kalangitan at tuluyang umilaw sa bawat pamamahay ang kani-kanilang ilaw.

Humahampas sa nakatayong punuhan ang hangin kung kaya’t sumasayaw sa indayog nito ang mga dahon at dahan-dahang nagsilaglagan.

Napakasariwa ng hangin na siyang aking nilalanghap habang nasa aking bisig ang photo album. Dahan-dahan kong binuklat iyon at tumambad sa akin ang mukha ng taong parte ng aking nakalipas. Kung kaya at naalala ko ang ilan sa memorya noong kabataan ko.

Ang mga ngiti ni Protacio noong araw, at ang mga tula’t awitin na bumubuo sa araw ko, kasama si Ignacio.

•••
FLASHBACK

WARNING!
R18+
MATURED CONTENT

Napakainit ang nararamdaman ko kasabay ng nakakikiliting halimuyak na pinagsamang amoy ng bagong tabas na balbas at ang mabangong natural na amoy ng lalaki.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now