Vera's POV
Napawi ang inis ko sa kanina pa pambubwesit ng kasama kong hilaw na singkamas mula sa loob ng gulayan hanggang rito. Nang makita siyang natigil at patuloy na sinusundan ng tingin ang batang lalaking masayang nilalamutak ang fish ball dito sa labas habang nagsisi-ilawan ang mga streetlight sa nalalapit na paglubog ng araw.
"Tell me, saan mabibili 'yan?" seryosong tanong ni Caleb na ikinatawa ko hindi dahil sa pananalita nitong may accent, kung hindi dahil sa parang bata ito kung ngumuso upang ituro ang pagkain na iyon.
Akala mo hah! Matapos mo akong buwesitin tapos magpapakyut ka na naman? Psh
Paano kung ayaw kong sabihin? Dzuh!
Inirapan ko si Caleb at kaagad na hinigit ang palapusluhan niya at naglakad kami habang hila-hila ko ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong; ang kaninang palapulsuhan niya ang hawak ko ay dumulas na pala sa mainit at malaki niyang kamay sa gitna ng daan. Kaya pala ganoon na lang kung makatitig ang ibang tao sa amin at lalo nang binatang naniningkit ang mga mata dahil sa tumatamang liwanag mula sa palubog na araw.
Iniwas ko ang tingin at binitawan iyon.
Awkward.
"N-Nandito na t-tayo." Napakagat ako ng labi mabawasan lang ang kahihiyan sa paghawak ko sa kamay ng apo ni lola Danny.
Narating namin ang bentahan ng mga lamang loob- char! I mean, mga pagkain sa street o mas kilala bilang street foods.
"Woah!" punong-puno ng galak at pagkamangha ang mga mata nitong pinagmamasdan ang mga nakahilerang street foods sa mausok na stall, "This place, looks good."
Nakita kong nagtataas-baba ang barado niyang lalamunan kong saan klarong naglalaro ang Adam's apple niya sa bawat pag-ihip ng usok na tumatama sa mukha niya na kanyang masarap na nilalanghap.
Ang sexy niya.
T-Teka? Hindi ah!
Napailing ako ng ulo dahil sa kakaibang sinasabi ng utak ko.
Usok pa lang, mukhang ayaw niya nang pakawalan. Eh mas masarap pa siya kaysa sa nilalanghap niya.
No! Ano ba 'yan? Mukhang nangungusap na rin ang likuran ng isipan ko.
Maraming tao at pawang namimilipit ang mga leeg nila sa kasamahan kong parang batang naaliw sa usok ng ihawan.
"This one!" Itinuro niya ang hilaw na hotdog katabi noong mga isaw at betamax.
Pinagmasdan niya ang lalaking customer na masarap na nginunguya ang pulang hotdog.
Samantalang siya, inangat niya ang hawak na stick ng hotdog at akmang isusubo nang pigilan siya ng tindera.
"Hep!"
"What?" kyuryuso niyang tanong sa tindera nang matawa ako at sa akin nabaling ang tingin niya.
"Caleb naman, hindi pa 'yan luto. Mahilig ka pala sa hilaw na hotdog?" Lumagapak ako ng tawa sa nasaksihang kapalpakan ng kasama kong hilaw na singkamas.
Sinamaan niya ako ng tingin at dismayadong binitawan ang hawak na stick.
"Well, you should educate me. Not make fun and laugh at me," seryoso niyang lintanya at pumeke ng tawa kasabay ng pag-irap.
Namana niya siguro sa akin ang pag-irap.
Tumawa ako nang tumawa hanggang mapahawak ako sa tiyan dahil sa sobrang nakakatawa talaga si Caleb kapag nagtatanga-tangahan.
YOU ARE READING
Penny of Seven
RomanceA teenage New Yorkan 'Tisoy guy' Caleb will completely experience Pinoy life along with his extended family. In his teenage life, he'll be able to discover his teenage wonder, along with Vera; the girl he owes one penny for eight penny soy sauce. Pa...