Chapter 18: Love at First Sight

4 4 23
                                    

Someone's POV

(18)
——

Sinong magsasabi na posibleng makakita ng anghel habang nasa lupa?

Sinong mag-aakala na sa mundong ito, may mga anghel na talaga namang laglag-panty sa sobrang ganda at kisig.

Ang anghel. Ang anghel na sa dinami-rami nang pupwedeng puntahan, dito pa talaga sa parada at nakikita ko kung gaano tumitingkad ang lalaking nakasuot ng magarbong Barong-Tagalog habang tumatagaktak sa kaniyang makinis at pinkish na mukha ang butil ng kaniyang pawis.

Hindi alintana ang init ng tirik na tirik na araw habang bumabagal ang mundo ko sa pag-ikot. Pati nga ang mga dekorasyon na nakasabit sa kalsada, parang ang bagal nang paggalaw dahil sa ihip ng hangin.

Naisip ko, sana panyo na lang ako. Ako na lang sana ang didila at hihigop sa pawis na iyon na tumatagaktak sa guwapong anghel. Ang sarap siguro lalo na’t mukha siyang masharap. Sa hapit niyang black slacks, bumabakat ang kargada niya na kapag siguro hinipo, mas lalong magagalit. Ito na siguro ang best parada ng buhay ko...ang makita ang lalaking itinadhana sa akin.

“Bakla!”

Napaigtad ako sa nakakarinding boses na pumukaw ng atensyon ko sa matagalang pagtitig sa mga kandidato’t kandidata ng King and Queen of Parade. Sa oras na rin iyon ay rumehistro sa akin ang ingay ng paligid na likha ng Drum and Lyre Corp na may bonus pang trumpet.

“Ano?” inis kong angil nang palibutan ako ng mga kasamahan kong bakla na pawang nakasuot ng green T-shirt bilang uniform naming volunteers sa food committee.

“Bakla, papasukan ka ng langaw dahil sa katititig mo sa mga candidate,” ani Jeffrey, Jenny sa gabi.

Pak! Kabog ang blush on, Ses. Angelina Joli—bilibid version!” komento naman ni Bernard sa kung sinong kandidata na napagdiskitahan niya. Bernard sa umaga, Kathy sa gabi.

Nawala ako sa huwisyo dahil sa short visitation ko sa heaven. Ang lalaking foreigner, sa kaniya ko isusuko ang Bataan. Kung sa Lupang Hinirang, ‘di pasisiil sa Manlulupig, p’wes, magpapasakal ako kung siya ang manlulupig. Iduyan mo ‘ko, Daddy. Ugh!

“Hoy, mga Bakla! Uhm, feslak ng Mama niyong nag-bake!” muling hirit ni Kathy sa candidate na mukhang minudmod sa harina dahil sa foundation niyang hindi bumagay sa skin tone niya sa leeg.

“Kanina ka pa, Kathy. Ay! May chika ako mga Vakla!” tili nitong si Harold, Hera sa gabi.

“Ano?” sabay-sabay kaming tatlong napatanong sa excited na baklita.

“U-Uhm. Sinetch itey’ng otoko na Apo ni Lola Danny? Bet, Vakla! Daks ang nota ni bagets!” pagpapatuloy niya na ikinabagsak ng balikat ko.

“Ayan na naman kayo. Nandito tayo para mag-serve, hindi mang-hunting ng mentos. Kaya kayo kinatatakutan, e,” pangaral ko at piniling naglakad papunta sa food court.

“Ay, Vilma ang peg, Vakla?” Sumundot sa tagiliran ko ang maharot na si Jenny.

Trulaley, wes jowabels ang Vakla! Kalurkey, wes ko bet si Vilma!” pagsang-ayon naman ni Hera bago pinaypayan ang sarili.

Sa kanilang lahat, ako lang ang hindi mahaba ang buhok. Lahat sila ay may iba’t ibang kulay ng buhok at putok na putok na make-up. Samantalang ako, simple lang dahil sa natural beauty ko na ‘no need make-up’. I can do both. Marami ngang nagugwapuhan sa akin na mga babae, pero nasusuka talaga ako. Pero kapag nagagandahan sila, mas natutuwa ako.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now