Vera's POV
(19)
———Ininom namin ang tubig na bigay ni Gwen saka bumalik siya sa pagtitipa habang tinatahak namin ang daan papuntang backstage. Malapit na kasi ang announcement base sa programme.
Nasa kaliwang banda ang mataong lugar na bahagyang naririnig. Dumadagundong din ang malakas na music mula sa stage.
“OMG!” tili nitong si Gwen na ikinatigil namin sa paglalakad. Dilat ang mga mata niyang nakatuon sa selpon na hawak.
Napaatras ako upang pantayan ang kapatid at sinuri ang tinitingnan niyang kung ano sa selpon na nagpagulat sa kaniya.
“Si Samantha, pinagtatawanan,” sambit nitong si Gwen at makikita nga sa facebook post na lusaw ang make-up ng sikat na Samantha habang katabi ang babaeng naki-picture sa kaniya.
Facebook post iyon ni Carol at siya ang kasama ng dalagang instant celebrity ng lungsod. Napunta nga ang paningin ko sa mga komento at pawang walang magandang nasabi sa larawan. Makikita sa dalawa na mas agaw pansin ang ganda ni Carol kaysa kay Samantha.
Siyempre, angat talaga ang ganda ng mga kapatid ko at hindi ko ipagkakaila iyon.
“Hoy!”
Naagaw ang pansin namin sa malakas na boses na ngayon ay papalapit. Kung gaano kalusaw ang make-up, ganoon na gano'n ang nakikita namin sa harapan namin ngayon.
“OMG! Totoo nga talaga. Hashtag lusaw,” sambit nitong si Gwen na ikinalaki ng ilong ni Samantha na hindi maiguhit ang mukha.
“Who told you to look at me like that?” mataray nitong wika at itinaas pa ang kilay na natitirang maayos sa mukha niya.
Mula kasi sa mata, bumaba ang natunaw na maskara dahil na rin sa pawis niya. Halatang pinunasan kaya gano'n kadumi ang naging epekto.
Tahimik lang si Caleb sa gilid at tila hindi napansin ni Samantha ang presensya niya dahil naghihimutok ito sa galit.
“You! How dare you to steal my man.”
Nabigla ako nang itulak niya ang balikat ko nang bahagya, na siyang ikinabilog ng bibig ni Gwen.
“Ay, payag ka ‘Te!” bulong sa akin ni Gwen na halatang nagpipigil din sa inis.
“How dare you steal my f*cking show! How dare you to show up your ugly face!” sunod-sunod niyang tinutulak ang kaliwa kong balikat dahilan para mapaatras ako.
Hindi ako umimik at akmang papalag sina Gwen at Caleb pero mabilis kong ipinahalang ang dalawa kong kamay upang maging sensyas na kaya ko na ‘to.
I scoffed. “Steal, what?” mariin ko siyang tinitigan saka inayos ang nagusot kong damit dahil sa natamong pagtulak niya sa akin.
“Haven’t I told you that you will never win this show? You are nothing but an ugly squatty girl na walang alam kung hindi ang mang-agaw at mang-angkin ng mga bagay na hindi sa kaniya. Pare-parehas lang kayo ng mga kapatid mo. Kaya talaga kayo magkakapamilya, e. Sariling ama, pinag-aagawan ng dalawang asawa!” halos magsilabasan ang ugat niya sa leeg dahil sa panggagalaiti.
Pinagpag ko ang balikat ko at inisa-isa sa isipan ang lahat ng pinagsasabi niyang labas na sa linya.
“How...dare...you?” maitim ko siyang tinitigan habang nararamdaman ko ang nag-iinit kong ulo.
“Bring it on, squatty.”
“Tinawag kang squatty, payag ka?” bulong ulit ni Vera bago minasahe ang likuran ko. Kunwari lang na hindi siya apektado, pero alam kong nabastos din siya sa mga salitang lumabas sa bibig ni Samantha.
![](https://img.wattpad.com/cover/273360982-288-k152304.jpg)
YOU ARE READING
Penny of Seven
Roman d'amourA teenage New Yorkan 'Tisoy guy' Caleb will completely experience Pinoy life along with his extended family. In his teenage life, he'll be able to discover his teenage wonder, along with Vera; the girl he owes one penny for eight penny soy sauce. Pa...