Chapter 17: Rice Cooker

2 3 3
                                    

Third Person's POV

(17)
---

Hingal na napasandal sa komportableng sofa ang binatang si Caleb matapos ang mahaba-habang takbuhan. Nakauwi na siya ngunit bigo nang hindi niya madatnan si Potpot. Kaya ngayon, nagpapalamig muna siya habang nakatutok ang stand fan sa gawi niya.

His chew was clenching due to his raising madness he couldn't keep by himself. He left the house earlier and just let his feet led him to somewhere else. If it wasn't for Potpot, he won't be 'there' in that filthy place and he wouldn't meet that stranger who just came out of nowhere with a twisted leg along with the thugs. Kamuntikan pa siyang mapasabak sa gulo kung nagkataon.

Pagod, inis at sobrang naiirita ang binata dahil sa init na nararamdaman. He took his white shirt off and make it as an alternative fan to ease the raising temperature kahit na may nakabukas na electric fan sa gilid niya na medyo malayo sa kaniya. Bakas sa hawak niyang shirt ang pawis na p'wedeng mapiga dahil sa dami nito.

Later, he found Shasha's gaze staring straight to him. Like him, Shasha is looking mad. Oh, yes! He left this little girl alone when they are supposed to play paper dolls.

"Saan ka galing?" mariin ang boses ng batang si Shasha na kung titingnan mo ay parang ginang na pinagagalitan ang anak lalo na't nakapamewang ito kung 'di lang sa cute nitong mukha at matinis nitong boses.

Napangiwi naman si Caleb nang maalala ang atraso niya sa batang iniwan.

"I-I'm sorry." Itinaas niya nang bahagya ang dalawang kamay upang ipakita na umaamin siya sa naging kasalanan.

"Tsk!" padabog na umalis ang bata at nagpunta sa kusina.

"Chill, Shasha. Chill. I'm sorry, okay?" nilaksan ni Caleb ang boses niya upang madinig ng batang si Shasha na tinungo ang direksyon papuntang kusina.

Hindi naman talaga maganda ang ginawa niyang pag-iwan sa batang si Shasha kaya ganito na lang magtampo ang batang pinaasa niya. Ngayon pa na talamak ang masasamang loob at dagdagan pa na hindi niya naisarado nang maayos ang gate kaninang paglabas niya.

It is really his fault whatever happens to Shasha.

Narating naman ni Shasha ang kusina saka dahan-dahang nagsalin ng tubig sa baso. Maging siya ay dama ang init kung kaya'y naigugugol niya sa paglagok ng malamig na tubig ang init ng panahon at ang pangyayamot. Umangat ang tingin niya sa kulay puting bilog na orasan na nasa itaas ng mismong puwertahan. Malapit na magtanghalian at wala pa rin ang Lola at ang kaniyang ina.

Napabuntong hininga ang bata at minabuting suriin ang laman ng rice cooker. Katulad ng inaasahan, wala nga itong laman gayong dama niya na ang gutom at wala pa silang saing.

"Kuya! Kuya Caleb!" sigaw nito mula sa kusina na siyang nadinig ng kuya na nasa salas.

"Yes! What?"

Nang makasagot ay naramdaman ng batang si Shasha ang presensya ng kuya niya sa hindi kalayuan. Hindi nga siya nagkamali at nasa likuran na pala ito't nakasandal sa pintuan habang nakasukbit ang hinubad na puting shirt.

"Paano na 'yan, wala pa sina Lola?" nag-aalalang tanong ng batang si Shasha.

Agad namang naunawaan ni Caleb ang ibig sabihin ng bata dahil nakabukas ang takip ng rice cooker.

Nakanguso si Shasha habang tintingala ang kuya na ngayon ay sinuri din ang walang laman na rice cooker. Ilang saglit pa ay narinig ng binata ang pagkulo ng tiyan ng bata.

"Kuya, I'm hungry na."

Kahit short tempered ang kuya ay mabilis mapawi ang pangyayamot lalo na kapag awa ang namutawi. Ngayon pa na kumakalam na ang sikmura ng bata. Napailing ng ulo si Caleb saka determinadong hinawakan ang magkabilang balikat ni Shasha.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now