♤Merman 1♠

459 32 10
                                    

Sehun's POV

"Wow pare, ang ganda naman pala ng bahay nyo dito sa tabi ng dagat." 

Tama si Chanyeol, andito na naman ako sa bahay namin sa probinsya.  Bakit nga ba ako nandito? Siguro dahil umaasa pa rin ako na magkikita pa rin kami nung batang nagligtas sakin nung nalulunod ako noon. Bata rin syang katulad ko at sigurado akong magkasing tanda na rin kami ngayon. Mukhang imposible tong iniisip ko pero di ako susuko. 

Hindi yun alam nina Chanyeol at Kai, mga kaibigan ko, kaya hanggat kaya ko, ako mismo ang gagawa ng paraan para mahanap sya.

Hindi ko naman pinilit sina Kai at Chanyeol  na sumama sakin pero sabi nila ayos na rin daw yun atleast makapagpahinga naman daw muna sila sa mga babae nila. Si Kai, yan ang numero uno pagdating sa mga babae, araw-araw iba-iba ang babae nyan. Kelan kaya yan titino at sino naman ang makakapagpatino jan? Hay.

Si Chanyeol naman, sikat sa mga babae kasi gentleman daw, mabait plus gwapo pa. Sus! Tama naman yun pero mas gwapo pa rin ako, yun nga lang hindi ako masyadong gumagaya sa kanila na puro babae ang kasama. Sanay akong tahimik lang sa isang lugar.

"Pare, isang linggo tayo dito? Parang gusto ko mas matagal pa pero inaalala ko kasi yung mga chics ko eh, baka inaantay ako sa Maynila." sabi ni Kai habang inililipat yung mga maleta nya galing sa Van.

Tama, isang linggo kami dito.

Hay.

Nakita kong sinapok ni Chanyeol si Kai kaya mejo napasigaw ito ng konti. "Kailan ka kaya, titino ano Kai?" 

"Matino naman ako ah." tapos gumanti naman ng sapok si Kai kay Chanyeol.

"San banda? Sa talampakan? Ano ba yan, pati ba naman yung parte ng katawan mo na natitirang matino, inaapakan mo pa, ano na lang ang natira sayo? Wala na.~~" Tapos ayun, nag-asaran na ang mga kumag.

Kinuha ko yung mga gamit ko at nagsimula nang ipasok sa loob. Kung aantayin ko pa silang matapos, baka bukas pa ko makapasok ng bahay. 

Para naman syang resort or resort na nga, kaya hindi naman sila maiinip dito sa lugar nato. May wifi din naman kaya hindi kami malalayo sa kabihasnan kahit pano.

Maya-maya, narinig ko na ang mga yabag nila pero mukhang nagsasapakan pa rin.

"Ganda dito Sehun ah." sabini Chanyeol habang iniikot ang mga mata sa loob ng bahay namin.

"Ganda rin nito." sabi ni Kai kaya nilapitan naman sya ni Chanyeol.


"Totoo bang may sirena?" tanong ni Kai habang nakatingin sa painting na nakadikit sa pader. Ang imahe ng sirena ay parang tumalon mula sa dagat kaya mejo angat sya sa tubig at nakatakip sa araw, posisyon din na parang papabalik na sa dagat. Basta di ko maipaliwanag ng maigi pero maganda ang pagkakapaint dito.

"Sabi nila, oo sabi naman ng iba hindi." sinagot ni Chanyeol ang tanong ni Kai

"Naniniwala akong sa sobrang laki ng mundong ating kinagagalawan, hindi imposibleng may nabubuhay na katulad nila. Pero.." Iniayos ko ng konti yung painting kasi mejo nakilo ito. "Pero maniniwala lang ako kapag nakita ko sila gamit ang dalawa kong mga mata."

Nakaramdam ako ng pagsapok sa ulo ko. "To see is to believe lang ang peg? Pero sabagay."

Umalis na silang dalawa sa tabi ko kasi kailangan na nilang mag-ayos ng kwarto pero andito pa rin ako sa harap ng painting. Bakit parang feeling ko, may kung anong nagsasabi sakin na totoo talaga sila? 

Natapos na kami sa pag-aayos ng mga gamit kaya inaya ko sila na lumabas na muna para makapamasyal na rin.

"Pero sa tingin nyo ba, meron talagang sirena?" Tanong ko sa dalawang kasama ko. Bigla na lang kasi akong na-bother kanina kaya eto masyado akong nacucurious.

"Halika, may matanda doon, tanungin natin." sinundan namin si Chanyeol kung saan andun yung matandang tinutukoy nya.

"Ah pwede po bang magtanong?" tanong ni Kai

Nung nakita kami nung matanda ay pinaupo nya kami agad dun sa kubo. "Mga taga-Maynila siguro kayo ano mga hijo?" tumango lang kami bilang sagot. "Ano ba yung itatanong nyo?"

"Ah eh. Ikaw na Sehun ang tanong total ikaw naman ang gustong makaalam diba?" 

"Tatanong ko lang po sana kung totong may sirena?" napakamot na lang ako sa ulo ko. Baka kasi isipin nung matanda na sa ganitong edad namin ay naniniwala pa kami sa mga ganung bagay.

Napatawa ng mapakla yung matanda sa sinabi ko. Bakit naman?

"Alam nyo kasi mga hijo, totoo ang mga sirena pero masasama sila." kumunot naman ang mga noo namin dahil sa sinabi nya.

"Pano nyo naman po nasabi?"

"Magaganda ang mga sirena at dahil sa sobrang ganda nila, ginagamit nila yun para mang-akit ng mga mangingisda. Ang sabi nila, inaakit nila ang mga ito upang gawing alipin sa ilalim ng dagat."

"Kanino naman nyo po narinig ang kwento na yan? At pano nyo po nasabing nang-aakit sila?"

"Mga salot sila kasi pati ang asawa ko, inakit ng mga sirena na yan. Nakita na lang ng mga kapitbahay namin na bangka na lang ang natira sa dagat, pero yung asawa ko wala na. Ganundin ang kalimitang eksena na nangyari sa iba at yun nga ay dahil inakit sila ng mga sirena."

"Sige na mga hijo kailangan ko pang ibenta ang mga ito sa palengke." tatayo na sana yung matanda pero pinigilan ko sya. "Bibilhin ko na po ang lahat ng iyan." Bigla naman natuwa yung matanda.

Pagkabili namin ay umalis na rin kami.

"Pare, sa tingin mo, totoo yung sinabi ng matandang yun?" tanong ni Kai.

"Ewan. Pero kahit pa magaganda ang mga yan, hinding hindi ako maakit sa kanila." diring diring sabi ni Kai

Wala pa naman talagang nakakapagpatunay na totoong may sirena eh. Kaya Mahirap paniwalaan ang mga kwento na umiikot.

Pero kung saka-sakaling makakita ako ng sirena, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Hayy.

"Bilisan nyo nga, magagabi na oh baka kunin kayo ng sirena sige kayo!" binilisan naman ni Chanyeol ang lakad nya. Hahaha. Sira talaga yun, naniwala.

*splash*

Huh?

Ano yun?

Parang tunog ng lumusong sa tubig yun ah.

Di kaya, sirena?

"Sehun!!!! Bilisan mo na jan!!!" nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanila.


Pero posible kayang... Sirena nga yun?

◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈
Huehue! Ayan po muna sa ngayon! Hope namagustuhan nyo. ツ

XOXO,
^gelai^
150314
04:01 PM

My Merman (H u n H a n FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon