세훈 Sehun's POV
Ano ba yung maingay? Nagising na lang kasi ako sa ingay ng mga drums. Among meron? Sumilip ako sa bintana at nakita kong may pumaparadang banda. Teka. Piyesta ba sa bayan na to ngayon?
Bumangon ako agad para puntahan sina Chanyeol. Pagkapasok ko, aba ang mga walanghiya himbing na himbing sa pagkakatulog. Pano na lang kung nagkasunog dito? Sunog na lang lahat ang bahay tas sila, tulog na tulog at naglalaway pa sa pagkakatulog. Naku! Hirap kasama nito sa bahay.
Kumuha ako ng unan na nasa sahig at ibinato yun sa mga mukha nila. Nung una hinawi lang nila yung kamay nila pero di pa rin gumigising. At talagang!!!
"Hoy gising!!!" Walang anu ano ay bigla na lang silang napatayo mula sa kama tapos yung mga mukha. Pffft. Naku kung nakikita nyo lang. XD
"San ang sunog? Saan? Saan? Tae patigilin mo sa pagkalampag ng kaserola yun. Ansakit sa tenga ha." Iritableng sabi ni Kai. Binatukan ko naman sya dahil dun. Tinuro ko yung labas ng bahay. "Gago may piyesta ata dito. Tara bilisan nyo, labas tayo."
"Ah ah naman Sehun, mas masarap pa matulog kesa jan." Hihiga na sana ulit yung dalawa pero hinigit ko sila sa damit nila. "Maganda yun, may caracol daw kapag piyesta dito, and I bet you won't miss it. Sasakay tayo sa bangkang malaki." Tiningnan lang nila ako.
"What's the big deal with that? Makakatulog ba ako dun? Diba hindi naman." Iritableng sabi ni Chanyeol. Eh kung bangasan ko kaya ang mga ito. Mga walang utang na loob. Hindi na lang ba makisama. The next thing I knew, nakahiga na ulit sila sa kama kaya ang ginawa ko is hinila ko sila sa mga paa nila. "Sa ayaw at sa hindi, pupunta tayo dun. Naiintindihan nyo ba? Ang KJ nyo. Di nyo ikakagwapo yan. -_-"
▼▲▼▲▼▲▼▲▼▲
"Waaaah. Alalayan mo nga ako Chanyeol. Nahihilo na talaga ako dito eh. Bwisit. Bakit kasi andaming nalalaman ng Sehun na yan. Brwa--" tas nakita ko na lang si Kai na halos masuka-suka. Eew. Gross. Di ko na lang pinansin yung dalawang kumag and pumunta ako dun sa mejo gilid ng bangka. Meron syang mga bamboo na pwedeng upuan if ever na gusto mo lang naman. Since masyado akong nagagandahan sa nakikita ko, umupo ako. Nilawit ko pa nga yung paa ko eh. Mejo marami nga lang tao kaya kapag nagkatulakan, tiyak dagat ang kababagsakan ko. Hala di pa naman ako maalam lumangoy.
Mejo napadpad na kami sa mejo pakabilang isla na ata ito. May mga bato bato pa nga na ang ganda tingnan. Ang galing talaga ni Lord may mga ganitong bagay syang nilikha.
Pumikit ako para malasap ko yung pagkasariwa ng hangin. Hmmmm sarap.
*pok*
"Ano! Nag phophoto shoot lang ang peg mo jan? Tigili, di bagay." Sapok sakin ni Kai. Buti na lang at nakakapit ako sa kahoy dahil kung hindi, naku!
"Gagu ka ba?! Balak mo ba akong ilaglag dito?" Tumawa lang sya at naupo sa may tabi ko, gayun din si Chanyeol.
"Ang ganda nga dito pare. Buti inakit mo kami."
"Mga kumag kasi kayo eh aayaw pa, sasama din naman pala. Gagu." Aba tinawanan lang ako ng mga walanghiya. Di ko na lang sila pinansin at tumingin na lang ulit sa dagat. Tumungo ako para makita yung bawat paghampas ng alon sa bangka. Pati na rin ung pagtama ng tubig dun sa may katig ba ang tawag dun? Basta dun sa parang pakpak nitong bangka. Sa sobrang bilis pa nga ng pagtakbo nitong bangka feeling ko nililipad na ko. Pero syempre biro lang yun. Gwapo ko kaya. XD
Nung tumingala ako, di ko alam kung namalikmata ba ako o ano kasi parang may nakita akong babae dun sa may batuhan. Parang wala namang babae dun kanina ah. And kung iisipin, walang makakapunta dahil mejo nasa may tubig yun. Kinusot ko ang mata ko kung tama ba ang nakikita ko.
"Pare nakita mo ba yung babae dun sa may batuhan? Tingnan nyo. Tingnan nyo dali." Turo ko sa kanila sa parte kung saan ko nakita yung babaeng tinutukoy ko. Pero panay lang ang sabi nila na wala naman talaga silang nakita. Pero meron akong nakita. Alam ko na meron. Maganda sya. Maputi lalo na at nasisilawan sya ng sinag ng araw isama mo pa yung dagat.
"Ano ba yang nakikita mo pare? Eh sabi nang wala naman eh."
"Nevermind."
"Tara. Dun tayo sa bandang likod ng bangka." Tatayo na sana kami ng bigla namang nakasalubong ng malaking alon yung bangka. Naalog halos lahat ng nasa bangka. Muntik na rin ako mahulog pero buti na lang napakapit ako sa may kahoy malapit sakin.
"Muntik na yun ah---- AAAAAAAHHHHH!!!"
찬열 Chanyeol's POV
"Muntik na yun ah---- AAAAAAAHHHHH!!!"
Narinig kong napasigaw si Sehun kaya nilingon namin sya pero huli na ang lahat. Nahulog na sya sa dagat. Ang masaklap pa nyan, tumama ata yung ulo nya dun sa kahoy na hinawakan nya kanina.
"Sehun! Sehun! Patigilin nyo yung bangka! Yung kaibigan namin nahulog sa dagat!" Sigaw ko sa mga tao sa bangka! Tae. Hindi ko makita si Sehun mula dito sa kinatatayuan ko.
*splash*
Sisid lang ako ng sisid para makita si Sehun, pero kahit damit o sapatos man lang nya wala akong makita.
'Ayan kasi Sehun eh. May paakit-akit ka pang nalalaman. Tingnan mo nangyari.'
Umahon na ako sa bangka kahit hindi ko pa nakikita si Sehun. Sabi rin ng mga tao dito, tutulong daw sila sa paghahanap sa kaibigan namin. Tsk.
"Pano na yan." Tapik sakin ni Kai.
Lagot kami sa magulang nun kapag nawala si Sehun. Naku wag naman sana. Ang inaalala ko pa, baka nawalan pa ng malay si Sehun, mas mahirap yun. Sana ligtas ka Sehun. *sigh*
╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮
150421
Yo! Sehun! Asan ka na?! シ
♡kpop_eonnie♡
BINABASA MO ANG
My Merman (H u n H a n FF)
FanfictionAnother HunHan Fafnfiction from kpop_eonnie. This Fairytale Love story is based from the story we all know, The Little Mermaid. I will try to make some twists to make it my own style. I hope that you will support this too just like my other stories...