♤Merman 5♠

230 20 2
                                    

루한 Luhan or Loraine's POV

"Girls, gusto ko gandahan nyo ang ayos sakin ah. Di ako magpapatalo sa kabayong si Tamara. Naku kung nakita nyo lang sya kanina, mas maganda pa ata mga dikya natin sa dagat kesa sa kanya eh."

"Girl ano ka ba. Syempre mas maganda ka dun! Teka lang, kukulot ko pa ng konti tong buhok mo." - Eunice

Si Thea naman ang nag-aayos ng mukha ko. Si Sunshine at Sophie naman ang namimili ng isusuot ko. Buti na lang talaga at nandito itong mga bruhang to dahil kung hindi, baka magmukha akong losyang dun.

"Teka, suot mo na tong dress mo para mapadali na yung pag-aayos sayo." Sinunod ko naman yung sinabi ni Sophie tas yung mukha ko naman ang niresbakan nila.

"Hoy Thea! Subukan mo lang na kapalan ang make up ko naku ka talaga! Kailangan maakit ko si Sehun sa ganda ko hindi yung takutin sa sindak si Sehun, masasakal talaga kita!"

"Ito nakakatampo, walang tiwala sakin. Pikit ka lang ah, wag kang mumulat kakalat yang eyeliner mo!" Sinunod ko na lang sya. Habang nakapikit ako, iniimagine ko na kung ano ba yung pwedeng mangyari mamaya. Tiyak akong maraming tao dun. Mejo sanay na naman ako sa mga tao pero may mga class kasi yung makakasama ko dun. Ano ba naman ang alam ko sa Class. Classification ng iba't ibang isda, oo pero kapag tao, tsk wala akong alam jan.

Ang sabi lang talaga sakin ni Lucas, wag magtitiwala sa mga tao. Mas mabangis pa daw sila sa pating. Atsaka wala dapat makakaalam na tao tungkol sa sitwasyon ko. Kailangang matapos ko ang misyon ko dito ng ako at ang mga kakilala ko lang ang makakaalam. Delikado raw kasi kapag may taong nakaalam, baka patayin kami.

"Girl mulat na." Unti-unti kong iminulat ang mata ko at tumambad sa harap ko ang isang magandang dilag. Wait ako ba to? Tiningnan ko yung mga girls sa tabi ko, mga nakangiti lang sila.

"Waaaaaaah! Salamat ng marami sa inyo. Di ko alam kung anong gagawin ko kapag wala kayo. Group hug nga, pero wag masyado mahigpit baka masira ang ayos ko." Sinamaan nila ako ng tingin. "Tong mga to naman, di kayo mabiro. Salamat talaga ah."

"Di yan libre uy!" Sabi ni Thea.

"Wala akong pera. Tigil."

"Di namin kailangan ng pera, tama na yung marecognize ka ni Sehun kaya galingan mo. Hwaiting Luhan!"

Ngiti. Yan lang yung hindi naaalis sa mukha ko. Excited na kong makita si Sehun.

Nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling makita ko si Sehun para sabay kaming aakyat sa barko.

"Sehun!"
"Sehun!"

Nagulat ako dahil may isa pang tumawag sa kaniya, si Tamara the horsie. Tsk. Tatalikod na sana ako kasi alam ko na ang sunod na mangyayari pero nagulat nalang ako ng biglang nasa tabi ko na pala si Sehun at hawak-hawak ako sa kamay. Ohmyfishda! Anong nangyayari? Anong ibig sabihin nito? *O*

"Pwede bang sabay na tayong pumasok sa loob?" Nakangiti lang akong tumango sa kanya pero sa peripheral vision ko, nakita kong inis na inis si Tamara. Haha

1 point for Loraine

0 point for Tamara Talande

HAHAHA.

Nung nakapasok na kami, andami ng tao at halatang mga mayayaman, nahiya naman ako sa suot kong mumurahin lang pero pinakaumangat naman ang ganda ko sa kanila. Haha. Iba talaga ang nagagawa ng maganda. XD

"Sehun, may barbeque dun, gusto mo?" Ngumiti lang sya kaya umalis ako para kumuha ng makakain namin.

Nung pabalik na ko sa pwesto namin ni Sehun, nakita ko naman si Tamara na kausap na si Sehun. Aba talande talaga ang isang to ah.

My Merman (H u n H a n FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon