세훈 Sehun's POV
Arggh. Ang sakit ng ulo ko pero di ko pa magawang imulat ang mata ko. Halos hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Ano bang nangyari sakin? Pinilit ko ang sarili ko na makabangon mula sa pagkakahiga ko pero nakaramdam na lang ako ng mga kamay na umaalalay sakin para makabangon.
"Sehun kamusta na ba ang pakiramdam mo. Wala ka bang nararamdamang masakit sa katawan mo? Ikaw naman kasi eh, sabi ko wag na tayong sumama dun sa caracol."
Nung tuluyan na kong nakaupo saka ko lang narealize na nasa bahay na pala ako.
"Teka sa pagkakatanda ko..."
"Oo. Nahulog ka sa bangka tapos nakita ka na lang namin na nasa dalampasigan ka. Alam mo bang sobra kaming nag-alala sayo. Kala nga namin patay ka na eh." Narinig kong bulalas ni Kai.
Tama nahulog nga ako sa bangka pero bakit wala akong maalala? "Alam nyo ba kung bakit ako napunta sa dalampasigan eh diba sa malalim ako nahulog? Takang tanong ko sa kanila. "Yan nga din ang gusto kong itanong sayo eh. Hindi ka ba lumangoy?-- Aray Chanyeol bat ka ba nananapak?!" "Gago ka kasi, nawalan nga sya ng malay tas paglalanguyin mo? Nag-iisip ka ba? Pano lalangoy ang walang malay?" Sigaw ni Chanyeol kay Kai
"Tsss. Ang ingay nyo." Pero kahit ako nagtataka sa kung ano ba ang nangyari. Bakit ba kasi wala akong maalala? Sinong sumagip sakin?
Tumayo ako para makapaghilamos. Feeling ko sobrang stiff ng katawan ko, para nakatulog lang ako ng ilang oras eh.
Binuksan ko yung gripo sa sink para makapaghilamos. Hindi ko alam pero nung biglang nakaramdam ako ng tubig sa mukha ko parang may naalala ako, mukha sya, pero blurred.
Aish. May maalala nga, blurred naman, wala din! Gusto ko pa naman magpasalamat sa kanya. ツ Kasi kung hindi dahil sa kanya baka napagpiyestahan na ko ng mga isda ngayon.
Pagkatingala ko, nakita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Tch. Gwapo ko talaga kahit muntik-muntikan ng malunod. Siguro gusto akong pagpantasyahan ng mga syokoy kaya gusto nila akong dalhin sa mundo nila. Aish! Syokoy? Tsk. Syokoy my face.
"Hala ano to?" Hinawakan ko yung nakalagay sa leeg ko habang tinitingnan ko naman ito sa salamin. Kelan ako nagkaroon ng ganitong kwintas? Ang itsura ng kwintas ay tali na may tatlong perlas na nagsisilbing pendant nya. Dalawang medyo maliit na perlas ang nakapalibot sa mas malaking perlas sa gitna.
Wala naman akong matandaan na bumili ako ng ganitong kwintas.
Naisipan kong lumabas muna ng bahay para makapag-isip isip.
Gusto ko talagang makita yung nagligtas sakin. Gusto ko syang pasalamatan.
Di ko na lang namalayan na sa kakalakad ko pala, nandito na naman ako sa may dalampasigan. Naririnig ko yung bawat paghampas ng alon. Pati na rin ang papalubog na araw. Umupo ako sa may buhangin para mapagmasdan ang ganda ng araw habang lumulubog ito. Nagrereflect pa ung liwanag sa tubig, ang ganda.
Habang tinitingnan ko yung repleksyon ng liwanag ng araw sa tubig, parang may nabubuong imahe ng mukha. Parang pamilyar sya na parang hindi. Hindi ko lang siguro maalala kung san ko nakita pero sigurado akong nakita ko na sya.
Di ko alam ang ginagawa ko pero basta ko na lang nilagay ang kamay ko sa gilid ng bibig ko at sumigaw.
"Kung sino ka mang nagligtas sa kin, gusto kitang makita!!! Gusto kitang makita!!!"
⇨⇨⇨3 weeks later⇦⇦⇦
"Sehun, be ready kasi mag-oopen kami ng audition para sa magiging partner mo sa showcase mo this coming month or baka next month. Gusto ko lang sabihin sayo na, gusto kong isa ka sa magjudge ng mga participants, ok?"
BINABASA MO ANG
My Merman (H u n H a n FF)
FanfictionAnother HunHan Fafnfiction from kpop_eonnie. This Fairytale Love story is based from the story we all know, The Little Mermaid. I will try to make some twists to make it my own style. I hope that you will support this too just like my other stories...