루한 Luhan or Loraine's POV
YSMP Ent! Here I go! Sisiguraduhin kong ako ang makakapasa sa audition na yan! At pagkatapos nun, magkakaroon na ko ng chance na makita si Sehun ♡_♡
Naalala ko pa rin hanggang ngayon yung sinigaw mo sa dalampasigan noon.
"Kung sino ka mang nagligtas sa kin, gusto kitang makita!!! Gusto kitang makita!!!"
Alam mo ba Sehun, yan ang motibasyon ko kung bakit ako may paa ngayon. Hoooh kung alam mo lang kung gano kahirap ang pinagdaanan ko magkaroon lang nitong tinatawag nyong paa. Hehe sana okay lang ang mga magulang ko dahil panigurado galit na galit yun sakin.
What Luhan wants, Luhan gets.
Ay oo nga pala, iba na nga pala ang pangalan ko ngayong nandito na sa mundo ng mga taga-lupa. Ako na si Loraine Lee. Yan kasi ang binigay saking mga papeles ni Lucas. Kailangan ko daw to para maging tao.
Nagulat nga ako kasi madami na rin palang mga sirenang naging tao. Pero mas gusto daw nilang maging sirena na lang ulit. Mahirap daw ang mabuhay bilang isang tao. Kailangan pagtrabahuhan para mabuhay. Kailangan magtrabaho para magkapera pero kapag wala kang pera, mamatay ka. Buti na lang nagdala ako ng maraming maraming perlas. *O*
Pero may mga perlas akong kailangang pangalagaan. Itong suot-suot kong kwintas. Kwintas sya na may anim na maliliit na perlas. Pero hindi ito basta-basta perlas lang. Ang mga perlas na ito ang nagrerepresenta ng mga nalalabi kong panahon dito sa lupa. Kapag naubos na ang perlas sa kwintas ko, kasabay akong maglalaho kasama nun kapag hindi ko pa rin nahahanap ang tunay kong pag-ibig, si Sehun. XD
Nagtataka siguro kayo kung bakit gusto kong maging tao. Syempre tao si Sehun kaya kelangan maging tao din ako. Simula kasi nung naaksidente syang mahulog sa bangka, hindi na sya maalis sa isip ko lalo na nung nagdampi ang labi namin. Hindi ako malanding sirena no. Ano kasi, ano. Ano. Binigyan ko lang sya ng hangin kaya nangyari yun. Kung di ko ginawa yun, mamatay sya. Kala nyo ah.
Nung nalaman kong gusto nya akong makita, pinanghawakan ko yung pag-asa na yun. Pag-asa na mahal nya din ako kaya hindi ako mahihirapang hanapin ang tunay kong pag-ibig at kapag nangyari yun, tuluyan na akong magiging tao at magigising masaya kami.
Kaya nga. Tada! Andito ako sa lupa at may paa.
Pero ang problema ko na lang ay ang paano ako mapapansin ni Sehun. Sikat sya. Mayaman. Gwapo. Samantalang ako, sirena lang na nagkapaa. Pero wag ka, madami din akong pera, nagbenta ako ng mga perlas kanina. Hohoho.
Nung nabalitaan ko nga na may audition sa company na pinagtatrabahuhan ni Sehun di na ko nagdalawang isip at sumali ako dun. Maalam naman akong sumayaw at kumanta kaya walang dahilan para tanggihan nila ang tulad ko. *flips hair*
◇◆◇◆◇◆
Present at the Audition
Grabe halos kumawala yung puso ko sa kaba kanina nung nagpeperform ako. Pero alam ko namang maganda ang kinalabasan ng performance ko. Pinaghandaan ko yun kaya nasisiguro kong ako ang mapipili. *sigh* *cross fingers* Kailangan ko tong maipasa, lovelife namin ni Sehun ang nakataya dito. Lol.
Maya-maya pa, pinatawag na kami dahil i-aanounce na daw kung sino yung nakapasa. Grabe kinakabahan ako.
"Naging mapili yung mga judges and to tell you guys, good job naman kayong lahat." Nagpalakpakan kaming lahat. Alam naman namin yun eh. "But still there's always a winner." Tas bigla na lang kaming natahimik. Yung iba nagdarasal na. Andaming nakapikit pero yung iba pa-cool lang. "With an average of 89.25, congratulations ikaw ang nakapasa at ang makakasama ni Sehun sa upcoming showcase nya, Loraine. Congratulations Loraine."
BINABASA MO ANG
My Merman (H u n H a n FF)
FanfictionAnother HunHan Fafnfiction from kpop_eonnie. This Fairytale Love story is based from the story we all know, The Little Mermaid. I will try to make some twists to make it my own style. I hope that you will support this too just like my other stories...