One

135 5 5
                                    

"Magsisimula ang lahat pag napalapit na kayo sa isa't-isa."

xx

Chapter One : Starting Line

Nanibago ang lahat sa kanilang mga kaklase. Kalahati sa kanila, hindi nila kilala.

Nilibot-libot nila ang tingin sa buong silid-paaralan. Ang bigat ng hangin na nakapalibot sa apat na sulok ng kwarto.

Napatingin ang lahat sa guro nang bigla itong nagsalita, "Okay, class. To break the akwardness here, let's start with introducing yourself, para naman unti-unti kayong mapapalapit sa isa't-isa."

Tumayo na kaagad ang lalaking nakaupo sa harapan, ngumiti siya at pinalibutan siya ng masayahing aura.

"Hello sa inyo, ako si Zen Aira Go, talk to me if you want, hindi ako nangangain," at kumindat siya.

Umakto na nasusuka ang lahat sa ginawa niya kaya napatawa na lang ang guro namin.

"Ako si Carla Cabanero, ano...pwede naman tayong maging kaibigan."

Sunod na sunod na nagsalita ang mga estudyante ng 9D, tumatawa sa mga nagbibiro, na para bang matagal na silang magkakilala.

"Okay, kilala niyo na ang isa't-isa, I'm sure kilala niyo rin ako, Math teacher niyo ako last year, ngayon math teacher niyo pa rin ako at the same time, adviser na din. So im expecting all of you to treat each other as brothers and sisters," tumango ang lahat bilang pagsangayon sa sinabi ng guro.

Makalipas ang 3 linggo, naging malapit na ang 9D sa isa't-isa. Para na ngang kahit anong sikreto alam ng lahat.

"Hoy Jave!!Hiram blue bolpen ah!! Math na kasi ang susunod ng lunch break eh!"

"Pucha! Wala akong blue bolpen! Laine pahiram bolpen!"

"Takte, wala akong bondpaper! Marianne may SBP ka? Ikaw Laiza?"

"Tumahimik nga kayo, kumain na lang kayo diyan! Huwag kayong sumigaw 9D!!" saway ng class president sa kanila, si April Mae Tolentino.

Tumahimik bigla at bigla na ding napatawa.

"Yieee! 9D is the best!!" Biglang sigaw ni Carla na naging dahilan kung bakit napasigaw na din ang ibang kaklase.

"9D!! Woooh!"

Biglang tumunog ang bell, "Everyone please proceed to the court for a fire drill. Proceed right now."

Tumayo kaagad ang 9D at tumakbo patungong court.

"Halika na Nest," tawag ni James kay Nest.

"Una ka na, susunod lang ako.

Makalipas ang ilang minuto.

Bumalik kaagad ang mga estudyante sa kani-kanilang silid paaralan.

"Nest..oi Nest, kanina ka pa nakatulog dy--" pero naputol ang sinabi ni Shayna nang bigla bumagsak ang katawan ng lalaki sa sahig at umagos ang dugo galing sa leeg niya.

Napasigaw ang 10 na kababaihang nasa classroom. Nauna na silang pumasok rito.

"N-nest..." hindi makagalaw si Shayna sa kinatatayuan niya.

"Anong nangyari dito?!?!" Napalingon silang sampu kay April, na class pres. nila.

"Si...si..n-nest.." Pabulong na sambit ni Therese, na tila nanginginig sa takot.

"Ano iyan?!?" Bungad ng guro nila pagkatapak sa classroom.

Pinalinis kaagad ng guro nila ang classroom, hanggang ni patak ng dugo ay di na makita. Sinara lahat ng bintana at pintuan sa 9D.

Nalungkot ang lahat sa nangyari.

At Bumalik ang bigat na hangin na napalibot sa apat na sulok ng kwarto.

"Alam kong isa sa inyo ang may gawa nito.." Pasimula ni Ginang Reyez.

"Paano niyo po nalaman? Hindi po namin magagawa ito sa kapwa kaklase namin!" Sagot ni April.

"Hindi, alam kong isa sa inyo. Nangyari na ito dati, kaya nawala ang 9D ng dalawang taon." Nagulat ang lahat sa sinabi ng guro. Nanigas sila at namutla sa narinig nila.

xx

Killer's focus

Umalis na ang lahat patungong court. Pero may isang tao na bumalik sa classroom.

"Oi, bakit ka bumalik? May kukunin ka ba?" Tanong ni Nest sa kaniya, habang papunta na sa pintuan.

"May nakakalimutan lang gawin," sambit niya.

"Hmm? Ano naman iyon?"

"Ito!!" Bigla niyang inuntog ang ulo ni Nest sa pintuan para mahilo ito. Inuntog at inuntog pa niya ito hanggang tuluyan nang dumugo.

Hinila niya ito pabalik sa upuan.

"Ba..bakit mo ...i..to gi..gina---"

"Aah..nalimutan niyo na?," sagot niya habang pinapahid ko ang kutsilyo sa leeg niya.

"Di...ko akala..in na..magagaga..wa mo i..ito----"

"Tumahimik ka!!Kayo naman ang may kasalanan nito!!!" Sinaksak niya ito sa may leeg pero hindi tuluyang umagos ang dugo nito.

"Gusto ko sanang pahirapan ka pa, pero wala nang oras..sayang.." At napangisi ito.

Dinukot niya ang mata ni Nest gamit ang mga daliri niya, tila ba'y nasasarapan ito sa ginagawa niya.

"Masarap diba? Hahahah!"

Puputulin pa sana niya ang leeg niya, pero may mas maganda pa siyang ideya.

Sinira niya ang polo ni Nest at bigla niya itong sinaksak sa may tiyan, "Masarap? Hahaha alam ko!!" Sabi niya habang napuno ng dugo ang kamay niya.

Mas diniinan ang kutsilyo at tuluyang inukit ang isang salita sa may tiyan ni Nest. Ungol na ng ungol si Nest pero tila bang wala siyang naririnig at patuloy lang sa ginagawa niya.

Pagkatapos ng pagpapakasaya niya , Pinunasan niya ang dugong nasa noo ni Nest, "Mamimiss kita Nest, haha!" At tuluyan na siyang lumisan sa kwarto.

Napangisi na lang siya habang tinitingnan ang mga nakakaawang mukha ng mga kaklase niya, tila'y natatakot sa kanilang nasaksihan, "nakakatawa," bulong niya sa sarili niya.

" Nangyari na ito dati, kaya nawala ang 9D ng dalawang taon." Ani ng guro nila.

"At sisimulan ko ulit," sabi niya na tanging siya lang ang nakakarinig.

xx

Hulaan niyo sino ako ×

Welcome to Class 9DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon