Two

110 5 2
                                    

"To remember is the key."

xx

Chapter Two : Remember

[Carla's POV]

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon, para bang tumatak sa isipan ko ang mukha ni Nest.

Pagpasok ko sa classroom, tila bang nawalan kami ng mga kaluluwa, hindi lang pala ako ang hindi nakatulog kagabi.

"Guys! Alam niyo ba, kung ano ang mas nakakakilabot na ginawa kay Nest?"

Napatingin kaming lahat kay Angel na kakapasok pa lang sa classroom.

"May inukit sa katawan niya, at ang nakasulat ay---"

"Maam maam! Nawawala po ang katawan ni Nest!" nabaling kaagad ang atensyon namin sa pulis.

"Ano!?! Paano nang---"

"AAAAHH!!!" Nagulat ang lahat nang may biglang bumagsak galing sa isang lagusan sa bubong.

Ang katawan ni Nest ay nakasabit sa isang lubid habang walang saplot ang kaniyang itaas.

At ganun na lang ang gulat namin nang mabasa namin ang nakaukit sa katawan niya.

"Remember = Key"

"Anong ibig sabihin niyan?!?" sigaw ni April na halatang natakot na din sa nangyari.

Napatingin na lang ako kay Laine na mahigpit na nakahawak sa akin.

"A-ano na bang nangyari sa 9D?" bulong niya.

Napatingala uli ako sa katawan ni Nest.

Ano ba ang dapat namin matandaan? Meron ba?

Kinuha kaagad ng mga pulis ang kawawang katawan ni Nest at niligpit ang mga kalat dulot sa pagbagsak ng katawan ni Nest.

Hindi kami pinalabas ni Maam hanggang hindi namin malaman sino ang gumagawa ng karumal dumal na pagpatay kay Nest.

"Nakakatakot naman ang 9D"
"Akalain mo iyon, isa sa kanila ay mamatay tao!?"

Bulong ng mga estudyante na dumaan sa harap ng classroom namin. Ang sama ng mga tingin nila sa amin, na para bang mga walang silbi kami.

"Kailangang ipatalsik sila sa paaralang ito.."

"ANO BA KAYO!?! Wag niyo kaming lahatin! Kung makahusga kayo akala niyo hindi kayo nagkasala ha!?!" sigaw ni Jason na naging dahilan ng pagtakbo paalis ng mga estudyante sa harapan ng classroom namin.

"Tumahimik ka Jason! Mas pinalala mo lang ang tingin nila sa atin eeh!" saway ni Sheen.

"Bakit!?! Hahayaan mo ba na itrato nila tayong parang basura!?"

"Kayong dalawa! Wala tayong magagawa sa pag-aaway niyo diyan! Mas makakatulong kayo kung mas iniintindi niyo ang clue na iniwan niya." sabi ni April.

Tumahimik ang 9D at nag-iisip kung ano ang sagot.

Tumayo bigla si Therese at dumiretso sa harapan, "9D, to remember is the key daw, ano ba ang dapat nating matandaan?"

Napakunot kami ng noo, ano ba ang nalimutan namin?

"Alam ko kung ano ang dapat natin matandaan," napatingin kami sa nagsalita, si Maera.

"Ano iyon?"

"......" ngunit hindi na uli siya nagsalita isang makahulugang tingin lang ang tinugon niya.

"Ano ba!?! Sasabihin mo ba o hindi?" sigaw ni Ana Mae, ang nag reyna-reynahan sa paaralang ito.

"Ito iyong----"

"AAAAAAHHHHHH!!!!"

Nanigas kami nang nakarinig kami ng sigaw.

"Sino ang wala dito!?!" sigaw ni Shayna.

"Justine?! Justine!!" agad na takbo ni Faith palabas.

Napasunod kaming lahat at nadatnan namin ang mga estudyante na nasa harapan ng Janitor's room.

Isiniksik ko ang sarili ko para makita ano ang pinagtitinginan nila.

At napasapo ako sa bibig ko nang makita ko ang putol na mga binti ni Justine at mga pako na bumaon sa mga katawan niya.

Lumuhod si Faith at niyakap ang kaibigan, "Justine..okay lang iyan..na--nandito ako.." at napasigaw siya ng tuluyan.

"Lumabas ka, Hayop ka!!! Bakit mo ginagawa ang lahat ng it?!? Punyeta!!!" Sigaw ni Faith habang nakaharap sa amin. Napatakbo na paalis ang ibang estudyante at tanging ang 9D na lang ang natira.

May kinuha na palakol si Faith galing Janitor's room.

"ALAM KONG ISA SA INYO ANG MAY GAWA NITO!! IPAPATIKIM KO SA IYO ANG GINAWA MO KAY JUSTINEE!!"

"IKAW!?! Ikaw ang may gawa nito diba!?" turo niya si Ana Mae.

Umiiling-iling si Ana Mae habang nanginginig.

"Wag ka nang mag maang maangan!! Ikaw lang ang may kaka--"

"Tama na Faith!! Huminahon ka muna.." sabi ni Ryle.

"Bakit!?! Si Justine namatay Ryle tapos huminahon ako ha!?!" sigaw ni Faith habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mata niya.

"Kahit nag-aapoy na din ako sa galit dahil namatay ang matalik kong kaibigan, walang mararating ang pagbibintang natin sa isa't-isa. Kaya hangga't hindi natin alam sino ang may gawa nito, wag muna tayong magpadalos dalos.." at tuluyan nang bumagsak sa kaniyang tuhod si Faith habang umiiyak. Niyakap siya ni Ryle at napayakap na din ang buong 9D sa kanilang dalawa.

"Tama nga ang hinala ko, may kinalaman ito sa kaniya," napahinto kami at tumingin kay Maera.

Pinakita niya ang isang papel na may printed na..

"Natandaan niyo na ba ang ginawa niyo sa akin?"

xx

Dali. Hulaan niyo sino ang killer.

Welcome to Class 9DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon