Five

34 4 7
                                    

"Mamamatay kayo!"

xx

Chapter Five: Karma

Sa kasalukuyan.

[Carla's POV]

Natahimik kaming lahat. Nagtitinginan kaming mga mag barkada.

Kinabahan kami, na para bang ilang segundo na lang, lalabas na ang puso namin sa dibdib. Naalala pa namin ang lahat.

Napatingin kaming lahat kay Ana Mae na halata namang takot dahil sa inaasal niya. Bigla siyang napatayo.

"Ba-bakit ka-kayo naka..tingin sa akin ha? A-anong akala niyo? A-ako ang salarin? Diya..diyan na nga kayo!" at tuluyan na siyang bumalik sa silid-aralan.

Natahimik kaming lahat at pabalik balik ang tingin namin. May biglang dumating na nagtatrabaho sa Xirces at niligpit ang bangkay ni Justine.

Walang ni isa sa amin ang gumalaw, natatakot kami baka pag gumalaw kami, may mangyayari. Umapaw ang katahimikan sa paligid.

Kahit ang mga estudyante sa kabilang klase ay umalis na, hindi nila kinaya ang sunod sunod na patayan sa seksyon namin.

Nagpalit-palitan lang kami ng tingin at sa oras na ito, alam kong mahirap ng magtiwala.

Isa ako sa kinatatakutan ng lahat, noon. Pero ang buong barkada namin ay naghiwahiwalay at hindi na muling nagkalapit dahil sa insidenteng pinagsisihan namin.

Si Ana Mae, magkasama pa rin sila ni Zen. Sila pa nga hanggang ngayon.

Si Regen, may iba ng tropa ngayon kasama sina Ryle, Kurt at Jave

Si Sheen, ayun bitch pa rin hanggang ngayon at nagiging bespren sila ni Aila at Kairen.

Si Therese siya lang ang nagbago sa amin, nahanap niya ang mga babaeng nakapagbago sa kaniya ang pinakamatalik niyang mga kaibigan si Shayna at Elaiza.

At ako? Eto, sariwa pa rin sa isipan ko ang kahayupan na ginawa namin noon kay Rika.

Halos gabi gabi lagi ko siyang napapanaginipan. Basang basa siya at nakululot na ang balat niya na para bang matagal na siyang hindi na aahon sa tubig.

"Carla..." mahina ngunit sapat na para marinig ko ang bulong Laine na nasa tabi ko.

Napatingin ako sa kaniya at agad kong nakita ang takot sa mata niya.

Ang mga bagong kaklase namin na hindi dapat kasali sa gulong ito, nadamay pa sila.

Pinisil ko ang kamay ni Laine para maibsan ang takot na nadarama niya.

Pasensya na kung nadamay pa kayo sa gulo.

"Ba-balik na tayo sa klase natin..." nanginginig na sambit ni April, na halatang takot pero nagpapalakas dahil siya ang Presidente ng klase namin.

Nagsimula na kaming bumalik sa klase at agad na umupo sa pwesto namin. Hindi naman kami ganito, maingay kami at masayahin pero dahil sa... amin, mukhang masisira ang pagsasamahan ng 9D.

"Carla!" napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Napakunot ako nung nakita ko kung sino.

Zen.

At ang kabarkada ko noon, lahat sila ay nagtipon. At alam kong may kinalaman ito sa nangyari noon.

Tumayo ako at agad na lumapit sa kaniya. Napaupo ako sa isang upuan malapit kay Elaiza. Nagtitinginan kami at napangiti.

Nakakamiss din pala sila.

Nakaupo kami sa mga upuan na pabilog ang porma. Nagtitinginan lang kami at walang gustong magsalita. Na para bang minememorya namin ang mga mukha namin at halatang nababaguhan na kompleto kami uli.

"Alam kong alam niyo, na ang nangyari sa klase natin ay dahil sa..." pero pinutol namin ang dapat na sabihin ni Therese dahil alam na alam naman namin na kami ang maysala.

"May ipagtataka lang ako," sabi ni Sheen na naging seryoso pabigla.

"Nung, gabing iyon, hindi naman tayo sigurado kung patay na ba siya... o buhay pa," natigilan kaming lahat sa sinabi ni Sheen.

At para bang isa-isang bumalik ang ala ala noong gabing iyon.

"N-no!! Hindi maari!" pasigaw na sambit ni Ana Mae at tumayo.

Napatayo na din si Sheen, "Paano kung buhay!? Paano?"

Umiiling iling si Ana at humakbang paatras, "Hindi! Hindi maari!" Humahakbang lang siya ng paatras at unti unti siyang namutla.

"Patay na si Rika! Patay na--" pero nanigas siya sa kinatatayuan niya ng may tumulo sa noo niya at dumaloy pababa sa baba niya.

Sinapo niya iyon at agad na tiningnan. Napatigil kaming lahat at napatingin sa itaas kung saan nanggaling ang...

"D-dugo..." mahinang sambit ni Ana Mae habang nakatingin sa kamay niya.

Tumayo bigla si Regen at agad na kinuha ang bagay na nakasabit sa bubong kung saan nanggaling ang dugo.

Napaupo si Ana Mae at agad namin siyang inalalayan.

"Cellphone," sambit ni Regen at agad na ipinakita sa amin ang cellphone na nakasabit sa bubong.

Nababalutan ito ng malagkit na dugo. Kung sinuman ang may-ari ng dugo na yan, ay hindi namin alam.

Nagulat kaming lahat nang biglang tumunog ang cellphone. May biglang nag play na recording.

"....." habang patagal na patagal ang recording na wala man lang nagsalita. Mas bumigat lamang ang nararamdaman namin. Tumutulo na ang pawis sa buong katawan ko at kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nagulat kaming lahat nang biglang may nagsalit sa recording.

"HAHAHAHA! Akala niyo patay na? Akala niyo lang lahat iyon!" at dinugtungan ito ng isang nakakakilabot na pagtawa.

"Babalik din ang lahat na ginawa niyo sa akin! Tandaan niyo iyan! Tandaan niyo!!!" at nagulat kami ng biglang may bumagsak galing sa bubong at hindi namin inaasahan ang kasunod na nangyari.

Napatakbo kaming lahat malapit sa bintana at tiningnan ang katawan ni James na nahulog galing sa klase namin.

Nang dahil sa bumagsak na malaking bato galing sa bubong na kalapit kay James na nakatayo malapit sa bintana, natamaan siya at agad na bumagsak sa ibaba.

"HAHAHAHA! BABALIK AT BABALIK ANG LAHAT SA INYO!"

"Patayin mo iyan Regen!" biglang sigaw ni Ana.

Ngunit kahit anong gagawin ni Regen ayaw itong huminto.

Tumawa ulit ito at tumaas ang balahibo naman, napatakbo na kami para tingnan si James.

"Mamamatay kayo! Mamamatay kaayo!!!" at tuluyan na itong ibinagsak ni Regen sa sahig.

Napatakip ako sa bibig ko dahil nakota namin ang kalunos lunos na natamo ni James. Bali ang paa niya at parang hihiwalay na ito sa katawan niya. Malapit nang pumutok ang ulo niya at para bang inipit ang katawan niya dahil sa malakas na pagbagsak noya galing sa ikaapat na palapag.

xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Welcome to Class 9DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon