Four

72 5 4
                                    

"Keep your friends close and your enermies closer.

xx

Chapter Four: Past (1.2)

[Rika's POV]

Baguhan lamang ako Xirces University. Mabuti na lang at may nakilala akong mga kaibigan dito at nasali pa ako sa kabarkada nila.

"Rika? Rika Reas? Is she here?" nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Mrs. Reyez. Attendance checking kasi, tapos ako nakalutang ang isipan ko sa ere.

"Maam!" Sabi ko habang tinataas ko ang kamay ko.

"Nasa puso ko po siya Maam," napatingin kaming lahat kay Zen at agad naman akong tinukso ng mga kaklase ko.

"Damoves pa more pare!"
"Lalanggamin kayo diyan!"

"Tama na iyan, guys! Makinig na kayo kay Maam," biglang saway ni Ana Mae sa amin na ikinabigla ko.

Tinitigan ko si Ana Mae at ganun din ang ginawa niya pero agad naman niya akong inirapan at tumingin sa harapan.

Pagkatapos ng klase agad kong kinausap si Ana Mae. Baka kasi galit siya sa akin, wala naman akong nagawang mali.

"Ana Mae pwede ba kitang makausap?" Tumayo lamang siya at pumamewang na humarap sa akin.

"Bakit ba?" Tanong niya habang nakataas ang kanang kilay.

"M-may nagawa ba akong mali?" Tanong ko pero inirapan lang niya ako at kinuha ang bag niya at akmang aalis na, pero nahawakan ko ang braso niya.

"Ana Mae meron ba?! Ha?! Bigla mo kasi akong sinusungitan, wala naman akong ginagawang masama!!" Sabi ko habang hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

"Ano ba, nasasaktan ako!" Pilit siyang kumawal pero mas hinigpitan ko ang paghawak nito.

"Aray!"

"Sagutin mo ko!! Meron ba ha?! Ayaw ko kasi ng ganito Ana---" nabigla at nang tinulak niya ako kaya napabagsak ako sa sahig.

"Wala okay?! Masama lang talaga ang araw ko ngayon!" At patakbo siyang umalis.

Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko. Kumikirot ang pwet ko dahil sa lakas ng pagkatulak ni Ana Mae sa akin.

"Babe..." Napasapo ako sa dibdib ko nang may yumakap sa akin sa likod.

"Ano ka ba Zen! Nagulat ako dun ha!" Saway ko sa kaniya, tinuloy ko lang ang pagligpit nang naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Ang bango mo talaga Babe," sabi niya. Iniharap niya ako sa kaniya at tuluyan niya akong hinalikan. Hinila niya ako papalapit sa kaniya habang ang kamay niya ay nasa bewang ko.

Tumugon naman ako sa bawat halik niya, sinandal niya ako sa bubong at mas lalong lumalalim ang mga halik ni Zen.

Naramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng palda ko, pilit ko siyang tinigilan pero nagpupumilit siya.

Natigil kami nang may narinig kaming mga hakbang na papalapit sa pintuan.

Bumalik ako sa pag-ayos ng mga gamit ko.

"Di ba pa kayo uuwi ineng? Gumagabi na," tanong sa amin ni Manong Edgar ang janitor dito sa Xirces.

"Inaayos ko pa po gamit ko," sabi ko habang sinenyasan si Zen na mauna na siya sa labas. Baka anong isipin ni Manong.

Welcome to Class 9DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon