"Nangyari ito dahil sa atin. Dahil sa kahibangan na ginawa natin sa kanya."
xx
Chapter Three: Past (1.1)
[Killer's focus]
Nagligpit na ng 9D ang kanilang mga gamit. Unti-unti na silang lumisan sa classroom habang may dalang takot sa kanilang dibdib.
Umalis na din siya pero napatigil siya at may namuong ngiti sa mukha niya dahil si Justine na lang ang natira.
Sumandal muna siya sa haligi para hintaying lumabas ang susunod niyang biktima.
"Akala niyo hindi babalik ang ginawa niyo sa akin? Nagkakamali kayo. Nahuli lang ang karma," bulong niya sa sarili niya habang si Justine ay unti-unti nang papalapit sa kaniya.
"Oi, ba't di ka pa umuwi?" tanong ni Justine sa kaniya.
"Hmm? May hinihintay lang," unti-unti na niyang dinukot ang patalim galing sa bulsa niya.
"Aaah, ganun ba?" may namumuong kaba na din sa dibdib ni Justine nang makita niya na may dinukot siya sa bulsa niya.
"Si-sige ha..ma-mauna na ako." agad na mang tumakbo si Justine palayo sa kaniya, pero nung lumingon siya nagulat na lang siya dahil hinahabol siya nito.
"Umalis ka! Bakit mo ba ako hinahabol?!" sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagtatakbo.
"Wag mo sabihing nalimutan mo ha!?!!"
Takbo pa rin siya ng takbo pero agad na mang nadapa sa may hagdanan, tatayo pa sana siya pero huli na ang lahat.
"Edi, ipaalaala ko sa'yo!" tumawa ito nang napakalakas at agad na sinaksak si Justine sa tagiliran.
Kadiliman ang sumalubong sa kaniya pag gising niya.
"Saan ako!?! Ilabas mo ko dito!?!"
Napatawa na lang siya habang tiningnan ang biktima niya, nakatakip ang mata nito habang umiiyak at humihingi ng tulong.
"O? Gising ka na? Mabuti naman kasi sisimulan ko na," lumapit siya sa biktima nito at tinanggal ang nakatakip sa mata niya.
"Bulaga!! Hahahahaha!!" at tumawa uli ito ng ubod ng lakas!
"Hayop ka! Hayop ka! Ilabas mo ko dito hayop ka!! Ha----"
pero napatigil siya nang bigla siyang pinalakol sa bibig niya. Naramdaman niya ang mga ngipin na natanggal dahil sa lakas ng pagpalakol.
"Ang ingay mo kasi eh, nakakarindi sa tenga.." sabi niya
Umubo si Justine ng dugo nasama ang mga ngipin na natanggal.
"I..ilabas mo...ko.."
Napasigaw siya nang biglang pinako ang binti niya ng isang napakalaking pako.
"AAAAAAHHHH!!!!" Napatawa siya ng malakas, pinukpok at pinukpok niya ang pako sa binti ni Justine hanggang naramdaman ni Justine na pumako na iyon sa buto niya.
"AH! Argh!!" dumura siya ng dugo dahil sa sakit.
"Gusto mo pa ha?" umiling si Justine pero tila bang wala siya sa tamang pag-iisip at pinako niya ang kabilang binti ni Justine hanggang sa nabali iyon at humiwalay sa katawan niya dahil sa malakas na impact.
"Arrrrghhh!" napaiyak si Justine dahil sa sakit, nakita niya ang mga binti niyang nasa sahig at humiwalay sa kaniyang katawan.
"Ayan, mas maganda ka nang tingnan!" at tumawa at tumawa ito ng malakas.
"Pa..:pakawalan mo...ko," ani ni Justine, pero isang ngiti lang ang tinugon niya.
"AAAAAAHHHHH!!!" napasigaw uli siya nang pinako ng malakas ang mata niya hanggang sa pumutok ang eyeballs nito at umagos ang dugo mula dito.
"T..tama na..m..maawa ka.."
"Awa!?! AWA!?! Kayo naawa ba kayo sa akin ha!?" sigaw niya kay Justine habang hawak niya ang buhok nito para makita niya ang mukha.
"Pa...patawad..."
"HAHAHAHAAH!! Akala mo mapapatawad ko pa kayo ha!?! Ha!?" mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa buhok ni Justine at malakas na hinila iyon. Para bang hihiwalay ang ulo niya sa katawan niya.
"T...tama na..Maa..wa ka.." pagmamakaawa ni Justine.
"Tumahimik kaaa!" at tuluyan nang sumuka ng dugo si Justine nang sinaksak siya sa lalamunan at tagos na tagos hanggang sa likod.
Umayos siya ng tayo at para bang wala sa sariling tinitigan ang walang buhay na si Justine, "Paalam, Justine.." at lumisan na siya sa kwarto habang may ngiti sa kaniyang labi.
[Carla's POV]
"Tama nga ang hinala ko, may kinalaman ito sa kaniya," napahinto kami at tumingin kay Maera.
Pinakita niya ang isang papel na may printed na..
"Natandaan niyo na ba ang ginawa niyo sa akin?"
Napabitaw kami sa isa't-isa at tinitigan namin si Maera.
"Nangyari ito dahil sa atin. Dahil sa kahibangan na ginawa natin sa kanya."
May namuong kaba sa dibdib namin, "Wag mong sabihin na..."
Napangisi si Maera, "Oo siya nga, si Rika.."
Tila bang natahimik ang lahat at unti-unting bumalik ang ala-alang pilit namin kinalimutan.
xx
<--Past
"Hahahaha! That was so bitchy girl!"
"I like what you did to that nerd!"
"Tangina Rika, nakakaproud ka talaga!"
Ang tawa ng magbabarkada ang namumuno sa cafeteria.
Sila ang namumuno sa Xirces University.
Sila ang kinatatakutang sampung estudyante, sila ay sina Regen, Zen, Rika, Sheen, Carla, Aila, Kairen, Elaiza, Therese at ang pinakamalupit sa lahat si Ana Mae.
"You're so good Rika, madali ka naman palang maka fit-in sa grupo namin," ani ni Ana Mae habang nakangiti kay Rika.
Baguhan palang si Rika sa grupo nila at gustung-gusto talaga niyang makasali sa grupo.
Sa mga sumusunod na araw naging mas malapit sa grupo si Rika para bang matagal na siyang kaibigan ng mga ito.
Hanggang sa, "Oi, guys, kami na pala ni Rika," ani ni Zen habang nakaakbay kay Rika.
Natahimik ang lahat at tumingin kay Ana Mae, "O? Bakit kayo natahimik? Ain't it wonderful? Haha. Congrats.."
At ngumiti ito, ngumiti pabalik si Rika at masaya ang magbabarkada sa balitang si Zen at si Rika na.
"Guys, CR muna ako ha," mabilis na nilisan ni Ana Mae ang classroom at dumiretso sa CR.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin, "Punyeta ka Rika!! Sino ka ba para kunin si Zen sa akin!?!" Binasa niya ang mukha niya, "Makakatikim ka talaga sa akin, kukunin ko si Zen sa'yo. Akin lang siya.."
At bumalik na siya sa grupo habang nakangiti at lihim na pinapatay si Rika sa isipan niya.
xx
Anong kinalaman ni Rika sa lahat ng ito?